Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami okay ni Sabrina. Well, iyon ay para sa akin. She's been texting me since last night. Ngayon ay nasa mall ako, naglalakad mag-isa dahil natatakot akong harapin silang mga pinsan ko kung sakaling pumunta sila sa bahay. Hindi ko alam kung matutuloy ba bukas ang pagpunta sa kina Ashton. I'm definitely not going.Kung saan-saan na lang ako nagpunta. Nakasalubong ko rin ang iilang schoolmates at sumama ako sa kanila ngunit naging mag-isa rin ulit kasi aalis na daw sila. Hindi ako namili. Naglakad-lakad lang.
Mabuti nga ngayon ay hindi ko na masyadong iniisip ang nangyari sa amin ni Ashton. Well, yes, I am still affected. I am still hurt and all but not that hurt anymore. Hindi ko na inilalaan ang bawat gabi sa pag-iyak. I realized I deserve better things.
"Jesus, Jeremiah!" Napasigaw ako nang nakita ang aking pinsang nakaupo sa paanan ng aking kama. The lights were off! When I opened it, siya kaagad ang bumungad! Akala ko kung sino!
"Gabi na.." Tumayo siya at tinitigan ako.
"Alas sais y media pa lang, Jem," irap ko. Tinanggal ko na ang aking relo at inilapag ang bag na dala. Umupo ako sa paanan ng aking kama at tiningala siya.
"Are you coming with us tomorrow? We'll leave early. 4 am.."
"I'm not coming," nag-iwas ako ng tingin at ngumiwi.
"Why is that?" He asked.
"Dapat bang pumunta ako?" Sabi ko, hindi pa rin siya tinitingnan. "Hindi naman, eh. Tss.."
"Well, you should at least go with us, you know? Alam mo na. Last kiss before Ashton leaves!" Nagawa niya pang tumawa.
"Gago! Ni hindi nga kami nag-uusap nina Sabrina tapos papasamahin mo ako? Gago ka talaga," nailing ako. I stood up.
"Kakausapin ka naman ng mga iyon bukas. Sabrina was here pero umuwi na rin siya kani-kanina lang dahil may lakad sila ni Tita. Celyne and Gwen went with her."
"So?"
"Ay, bahala ka, Madison," umirap siya.
"Bahala ka rin!" Tinalikuran ko na siya.
"You come, okay?" Iyan ang narinig ko bago tuluyang pumasok sa banyo para maligo.
Hinayaan kong umagos ang tubig sa aking katawan. Pumikit ako at dinama ang lamig ng tubig. Hindi ako pupunta. Walang rason para pumunta ako.
Kinabukasan ay binulabog nila ako. Hindi pa rin ako natinag.
"Fuck you, Jed Terrence! Stop!" Hindi ko napigilan ang pagmumura nang pinilit ni Jette na tanggalin ang comforter na nakatakip sa akin.
"Come on, Mads..." Narinig ko ang buntong-hininga ni Gwen.
Tinanggal ko ang comforter na nakatakip sa aking mukha. They are all here.
"I'm not going, okay? Hindi niyo ako mapipilit. You should go now. Hindi talaga ako pupunta.." at muling nagtalukbong.
Tanging mga buntong-hininga na lamang mula sa kanila ang aking narinig.
Hindi na ako nakatulog pagkatapos non. I spent the time thinking about Ashton again. Ilang oras din iyon. Natatakot ako. Natatakot akong baka mula sa araw na ito ay isipin ko na naman siya palagi.
"Maddison?" Sabi niya sa akin, nasa kotse niya kami. Balak naming lumabas ngayon at manood ng sine. Katatapos lang ng misa. Nakanguso ako habang iniistart niya ang makina.
"Bat?" Nilingon ko siya.
Ngumisi siya at may kinuha sa likod. Hindi ko napansin na may maliit na kulay pulang paper bag doon. Namumula siya habang ibinibigay iyon sa akin. Kinuha ko naman.

BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomansaMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.