05 : We can use

99 8 0
                                        


"I just remembered your profile picture, that's all." Kinunot ko ang aking noo at sinipsip ang frappe na binili.

Malademonyo ang kanyang ngiti dahil sa sinabi ko. Kulang na lang ay tubuan siya ng sungay at humawak ng malaking tinidor.

Kahit na labag sa kalooban ko ay sinabi ko ang totoong dahilan kung bakit ko tinitigan ang lintik niyang kotse na masarap ipalagay sa dump site. Ayaw ko nang mag-abala pang mag-isip ng kung anong alibi na ipapalusot ko sa mga pinsan at sa banda. Kahit na magsinungaling ako, aasarin pa rin naman nila ako. And it's better to be honest, you know.

"'Yon bang mukha siyang modelo ng Bench dahil sa porma?" Hagikhik ni Jette bago isinubo ang cupcake na hawak.

"Yes." Umirap ako sa kawalan at kinagat ang straw ng iniinom ko.

Kasalukuyan kaming nasa Starbucks at mag-iisang oras nang nakatambay. Nag-uusap si Gwen, Sabrina at Celyne tungkol sa mga gagawin namin this summer habang ang mga lalaki naman ay nakikinig lamang sa mga pinsan kong babae.

"I think it's better to go to Bora, Sab. Ilang beses na tayong nakapunta sa Subic." Ani Jeremiah.

"I'm just suggesting." Ngiwi ni Sabrina.

"Baka naman ay masyadong malayo kapag sa Boracay tayo, Jem. Plus, we're not actually legal to travel with our own. Wala pa ngang eighteen sa atin, eh." Humalukipkip si Celyne at tinaasan ng kilay si Jeremiah. "Do you get my point?"

"I'm turning eighteen this summer." Singit ni Carlisle bago pa makasagot si Jeremiah.

"Eighteen. Hindi turning eighteen." Sarkastikong ngiti ang ipinakita ni Celyne kay Carlisle.

"Sorry." Ngumiti rin si Carlisle ngunit inirapan lamang siya ni Celyne.

"At hindi rin natin alam kung papayagan ba tayo. Malayo kasi." Dagdag ni Celyne.

"Kung hindi sa Bora or Subic, then, saan naman?" Ngumuso si Jeremiah.

"Baguio." Suhestiyon ko.

"Are you kidding me?" Sabi ni Ashton, tila ba nandidiri sa sinabi ko.

"What? Maganda naman sa Baguio. Malapit pa. Iyon nga lang ay walang dagat." Wika ko.

"Oo nga." Pumangalumbaba si Gwen sa kanyang mga tuhod.

"Mas maganda kapag may dagat." Katwiran ni Ashton.

"Mag-swimming ka na lang sa Manila Bay kung ganon." Inilapag ko ang frappe sa lamesang nasa harapan namin.

Inirapan niya lamang ako dahil sa aking sinabi.

"Sa Boracay na lang." Pilit ni Jeremiah.

"Masyadong ngang-" hindi na iyon naituloy ni Celyne dahil agad na sumingit ang hinayupak na si Ashton.

"We can use our private jet, Celyne. Papayagan kayo kapag ganon."

"How can you be so sure?" Tanong ko, kinakalaban lahat ng mga suhestiyon niya. Ang sarap lang ipa-stapler niyang bibig niya.

"Syempre, kapag private jet ang gamit natin ay mas magiging madali ang lahat. Wala nang masyadong hassle para mag-book pa ng ticket o whatsoever." Aniya. "Masyado ka lang talagang mahina para maintindihan iyon."

"Dami mong alam." Umirap ako at ibinaling ang tingin sa pinsan kong si Jeremiah na ngayon ay nakataas ang dalawang kilay at nakangisi habang tinitignan kami ni Ashton.

"You know what? You two really look cute together. Dati ko pa iyon napapansin." Mas lumapad ang kanyang ngisi.

"'Wag ka ngang magmura." Iling ko sa kanya.

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon