27 : Why'd she ask

73 3 0
                                        


Kahit ang pag-inom ko ng tubig ay pinagmasdan niya. Nagsimula na akong mainis. Why the hell would he stare at me like that?

Kumunot ang noo ko habang tinatakpan ang bottled water. Inilahad niya ang kanyang kamay, senyales na ibigay ko iyon sa kanya.

"Hindi. Ilalagay ko na lang dito!" My voice sounded pissed and I regretted saying a word.

Hindi ko na tiningnan pa ang kanyang reaksyon. I placed the water inside the seat pocket. I heard him chuckle kaya mas lalo akong naasar. Para maibsan ang inis ay nakinig ako ng music sa aking earphones. Nilakasan ko iyon para manuot sa akin. When a familiar arm crossed my vision, agad kong nilingon si Ashton. Only to see that he was so damn close! What is he doing?!

Diretso ang kanyang tingin sa bintana. Sinundan ko iyon ng tingin at ibinaba ang aking earphones. Tinaas niya lang pala ang window shade.

"Kala ko narinig mong kailangan nang itaas. It seems like your music's loud so I did it instead," he explained.

"Kinalabit mo na lang sana ako," I looked at him. Nagtitigan kami. It stings. It stings to be this close to him. I never wanna get close to him while I'm trying to fix myself.

Nakita ko ang bahid ng sakit sa kanyang mga mata. But then it immediately faded. Napalitan ang kanyang ekspresyon ng blangko at wala akong mabasa. He was always unreadable. Kahit noon ay hindi ko naman talaga ay wala akong ideya sa takbo ng isip niya. And I hate myself for being attached to someone whom I don't know that much!

His eyes slowly drifted down to my lips kaya agad ko nang ibinaling ang aking mukha sa labas. I checked the time on my phone and it's still 8:07. Our expected time of arrival is 8:30.

Isang bayolenteng buntong-hininga ang aking narinig mula sa kanya. Hah! Akala niya siguro ay magpapadala ako sa mga tingin tingin niya!

We landed on Busuanga. Mas maaga pa iyon sa dapat talagang time of arrival. Naaninag ko ang isang nakablue na lalakeng mayroong dalang white board kung saan nakasulat ang pangalan ni Celyne.

"Welcome to Palawan po!" The man politely said.

He led us into a van with Bluewave Hotel written on it. Sumakay na kami roon.

"Let's leave our things first. Then, we'll go to some mall," ani Celyne.

Medyo malayo ang three-star hotel na tutuluyan namin. Hindi naman kami magtatagal dito sa Coron kaya hindi na kami nagbook pa sa isang mamahaling hotel.

"Good morning, ma'am, sir! Welcome to Bluewave Hotel!" Maligayang bati sa amin ng nasa lobby. Tumungo roon si Celyne at Jeremiah upang asikasuhin ang mga nireserve nilang rooms. Kulang puti ang mga dingding, tulad sa labas. Purong puti ito at wala kang makikitang bahid ng dumi. A bellboy guided us to our room. Dalawang Family Pool Access rooms ang aming kinuha. Dalawang queen size bed ang nasa loob. Agad akong sumalampak sa kulay puting kutson. From the walls up to the ceiling is colored white. Tanging ang kulay abong tiles lamang ng sahig ang naiiba. Ang portrait naman ng isang beach ang nagbigay-buhay sa buong silid.

"Swimming tayo mamaya?" Aya ni Gwen sa akin. Umupo siya sa paanan ng kamang aking hinihigaan. Tumango naman ako.

"So, how's the plane ride with lover boy?" Malambing na tanong ni Sabrina. Tumabi siya sa akin sa kama at niyakap ako.

"It was awkward," umirap ako. Magsasalita na sana siya nang mayroon akong dinugtong. "Stop calling him "lover boy" or anything. Hindi siya ganoon."

"Aba!" Napalayo si Sabrina sa akin, natatawa. "Pero, sabagay. At alam mo ba, nakakainis siya, ha! Ang bagal niya! Torpe talaga..."

"Anong torpe naman? Baliw!" Bumangon ako at napailing sa sinabi niya.

Totoo na ba ito?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon