40 : Do me a favor

44 2 0
                                    


As expected, huli akong dumating sa opisina kung saan naroon ang meeting place. Perrie looked like she was about to ask me a lot of questions when I arrived dahil si Ashton ang naghatid sa akin ngunit sa pagmamadali namin ay hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon upang gawin iyon.

Pagkasakay namin sa van ay nginitian ko silang dalawa ni Julianna na halatang may gusto nang itanong. Engineer Ortega looked surprised earlier, too. Mabilis lamang silang nagbatian ni Ashton kanina ngunit napansin ko ang pagkagulat niya.

"Boyfriend mo si Mr. Montecarlo, Maddison?" Michael was the first one to ask. Kaagad namang naging atentibo si Perrie at Julianna.

Boyfriend ko ba si Ashton?

"I-I guess..." sagot ko. Napatingin ako sa labas ng bintana nang mapagtanto iyon. I've been sleeping with Ashton but is he even my boyfriend? Was our relationship supposed to be an unspoken understanding between the both of us?

Narinig ko ang hagikhik ni Julianna. "Kaya pala tingin siya ng tingin sa'yo noong presentation natin! Akala ko pa naman si Perrie ang tinitingnan!" Tila tuwang-tuwa siya sa kanyang napagtanto.

Binalingan ko sila at nginitian. Engineer Ortega was silent in the front seat ngunit pansin kong nakikinig din siya.

"Bago lang ba kayo? Kailan pa?" Perrie interrogated. "Magkasama ba kayo noong hindi ka pumasok?"

"Calm down, Perrie," I grinned at her excitement. Pinilit kong itago ang kaunting pait sa aking sistema dahil sa aking realisasyon. "We've been friends since I was in elementary. We also attended the same college when we were in high school. Tsaka iyong pinsan ko, may binuong banda at siya ang lead vocalist," I answered, trying to distract her from the last question.

I was lucky to give them the distraction. Iilan pa ang naging tanong nila tungkol kay Ashton noong high school pa kami. I fed them information but I didn't go too deep dahil hindi naman na kailangan ang mga iyon. They seemed really curious at hindi ko rin naman sila masisisi dahil napakagwapo nga naman at successful ni Ashton.

"He's actually one of the most successful and youngest businessmen in the Philippines," ani Engineer Ortega. "Kaya rin marami ang nagkakandarapa sa kanya."

Iilang bagay pa ang aming napag-usapan hanggang sa nalipat na ang topic sa kung anu-ano pang mga bagay. An hour passed and we decided to grab breakfast sa nadaanang restaurant sa may express way. Mabilis lamang kaming kumain at nagtipa ako ng mensahe kay Ashton nang makabalik na sa van.

Me:

Kumain ulit ako ng breakfast. What are you doing?

Ashton:

I'm getting ready for work. Nasaan na kayo? Are you okay?

I miss you already.

"Uyyy! Katext niya!" Kantyaw ni Perrie kahit na hindi niya naman nakita ang phone ko.

I grinned at her and composed a reply for Ashton. Nagsimula na kaming magbyahe ulit at sa pagkakataong ito ay natahimik ang lahat. Julianna and Perrie were already asleep samantalang si Engineer Ortega naman ay tahimik at tila may iniisip. Pinilig ko ang aking ulo isinandal iyon sa bintana upang makatulog na rin.

When I woke up, we were entering Bataan. Ang sabi ng driver ay malapit na lamang ang beach resort. Naging mabilis na lamang ang biyahe. We arrived and just went to our rooms at hindi na kami nagkaroon pa ng pagkakataon upang makapagpahinga. Engineer Ortega told us to go to the manager's office pronto. Pagkalagay ng aming mga gamit sa kwarto ay iyon ang ginawa namin. We met the manager of the branch and she was nice enough to give us a tour. Kung ikukumpara sa ibang branch ng The Paradise ay malaki at malawak ang puwesto rito. It's already opened ngunit may limitasyon pa ang maaaring puntahan ng mga turista rito dahil may construction pa ng iilang building at establishments para sa mga events at leisure activities.

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon