Umawang ang aking bibig. Unti-unti akong tumango. He smiled at me ngunit hindi ko iyon masuklian. He sighed when I looked down. Mas nabagabag lang ako. Dammit! I was trying to be fine! But because of my stupid question and his intriguing answer, my mind just got more fucked up."Good night.." he said before going outside. Unti-unti na siyang lumabas at doon lamang ako nag-angat ng tingin.
I just went back to bed. Tumagilid ako at tiningnan ang blankong dingding. Gulong-gulo ang aking isipan sa usapan naming iyon.
If he was serious, then why did he leave just like that? And I think it wasn't even hard for him. To leave me like that. To leave me broken. Dahil kung nahihirapan siya noon ay... hindi niya iyon gagawin. Or at least he could've asked me to wait. Alam ko sa sarili kong hindi ako tatanggi noon.
Many reasons played inside my head. Naisip ko ring siguro'y sinabi niya lang iyon upang mapakisamahan ako, o para makita niya kung tanga ba ako para pumatol ulit sa kanya. Maaari ring may agenda siyang ibalik ang dati naming no label relationship at pag nagsawa na siya'y ganoon ulit ang kanyang gagawin. What the hell? Am I even thinking clearly?
But then inside my head, a part told me that maybe he's not bamboozling. Because if he is, that's a big waste of time! Hindi naman siguro ganoon kababaw ang pagkatao niya upang magsayang ng oras sa kung anong hindi niya naman balak seryosohin. And I'm sure he grew up, too. Pero, ako? Nagtanda ba ako? Did I ever grow up?
I sighed. Should I try harder to avoid him? Or should I jeopardize myself? Ang totoo naman kasi ay gusto ko siyang kasama. And whenever I deny it to myself, it's useless. Kasi alam ko naman sa sarili kong nagsisinungaling lamang ako. And sometimes I feel like my heart is whispering to me, "What the hell, Maddison? Ang gaga mo! Napakabobo mo!" dahil iniiwasan ko siya. Dahil ayan na nga siya sa harap ko, hindi ko pa sinusunggaban. But then my brain says otherwise and it's my choice to follow what it says.
I suddenly remembered the dress he gave me. Noong gabi ng birthday ni Myrr Lonada. I sold it to someone from Manila. Sa pinsan ng kaibigan ni Jiana. Matagal na rin iyon. Say, 3 years ago? Kaya imposibleng makuha ko pa 'yon ulit. And it's not like I have a plan to take it back.
Ang ilan namang binigay niya sa akin ay nasa bahay pa. Nakasiksik sa closet ko at siguro ay kinain na iyon ng mga alikabok.
Sa pag-iisip ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako. Maaga pa rin akong nagising nang mag umaga at nakita kong nakahilata pa ang aking mga pinsan. Si Gwen ang katabi ko at mahimbing pa ang kanyang tulog. Sabrina's snoring at nakayakap pa siya kay Celyne. Kinusot ko ang aking mga mata. My phone says it's still 6:14 in the morning. 9:30 ang byahe namin patungong El Nido. Fast craft ang aming sasakyan at darating kami roon ng mga 3:30.
Bumango ako at nag-unat. I brushed my teeth and made sure I looked clean. Nagbihis ako ng spaghetti strap at denim shorts. I went out to see the pool just outside our room. Dahan-dahan kong sinarado ang sliding door upang hindi maistorbo ang aking mga tulog na pinsan. I looked at the swimming pool. Mukhang hindi naman yata masyadong malalim iyon. Kinuhanan ko iyon ng picture at nag-selfie na rin. Nang mainip ay bumalik ako sa kwarto. Gising na si Celyne at mukhang maliligo na. She stopped halfway to the comfort room when she saw me.
"You okay?" She suddenly asked. Tumango naman ako. "Nagising ka ba kagabi? Ashton went here inside to check on you. Mga bandang alas onse yata iyon. Hindi na lumabas hanggang alas tres..."
"Nope. I didn't notice. I was asleep the whole time," iling ko. You are such a big liar, Maddison. Umagang-umaga.
"Mmkay." Napahikab siya. "I'm still sleepy! Shower muna."
BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomanceMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.