01 : Life Sucks

211 9 0
                                        


Hinampas ko ang ulo ko bago mag-type ng message para kay Ashton.

Me:

Fuck you! Gross! Burahin mo nga, Ashton!

Actually, kulang pa 'yang mga mura para i-describe ang inis ko. Ayaw ko namang magmura ng malakas, 'no.

Ashton Damien is typing...

Typing mong mukha mo, unggoy! Napakawalang-hiya! After what he did, he still has this guts to type a reply? Oh, well, he's like that. That's why I hate him.

Ashton Damien:

Why would I take orders from you? Oh, by the way, akala mo ginusto ko ring i-post iyon sa timeline mo? Hah! Fuck you, too, Maddison.

Aba't minura ba naman din ako? How dare he! At some point, he's freakingly violating women's rights!

Me:

I didn't ask for a birthday greeting from you. So, please, just save that "kabaitan" for someone else. I'm not interested.

Ilang minuto kong hinintay ang kanyang mensahe pabalik. Nilibang ko muna ang sarili ko sa pagtitingin sa aking Facebook wall na puno ng mga birthday greetings.

Halos mapamura ako nang na-realize na hindi na talaga ulit magrereply si Ashton. But, hey! It's not that I'm hoping for him to reply.

Na-bored na talaga ako sa susunod pang mga minuto kaya napagpasiyahan ko nang matulog. It's been a tiring day, after all.

Kinaumagahan ay tinanghali ako ng gising at ganoon din sina Gwen at Sabrina.

"Shit!" Mura ko at dali-daling bumangon nang nakita kung anong oras na. Alas-onse na ng umaga at alas-otso pa dapat ay nasa school na ako!

Ni hindi ko na kinausap ang dalawa na kagigising lang din dahil sa pagmamadali ko. Mabilis akong naligo at nagbihis. Wala na akong pakialam kung ano ang hitsura ko ngayon. I just really need to be out of here!

"Bye!" Mabilis kong sinabi bago isara ang pintuan ng aking kwarto.

Pagkababa ko patungo sa aming living room ay naroon na ang nakabihis na si Jeremiah. Naka-dekwatro siya sa couch at pinaglalaruan ang susi ng kanyang kotse. Mukhang kanina pa siya. At mukha ring tulog pa si Celyne.

"Finally, after 3 hours of waiting!" Agad siyang tumayo nang nakita ako.

"Wait." I said. Tumungo ako sa kitchen para kumuha ng toasted bread. Inilagay ko iyon sa bibig ko habang naglalakad kami ni Jeremiah palabas ng bahay at papunta sa kotse niya.

"Buti na lang at nagising ka pa." Aniya habang binubuksan ang front seat para sa akin.

"Tinanghali na nga, eh." Ngumuso ako bago nilantakan ang tinapay. Ni hindi na nga rin ako nakapagpaalam kay mom or even dad.

As usual, mabilis ang patakbo ni Jeremiah. Naka-one hand pa ang aking pinsan na animo'y isang eksperto sa pagmamaneho. Minsan talaga ay ang sarap niya ipakulong dahil sa "expert driving skills" niya.

Pagkarating namin sa school ay marami-rami nang tao. Noong nandoon na kami sa lugar kung nasaan ang mga booths ay ang namumulang mukha ng aming Student Council President ang kaagad na sumalubong sa amin, well, sa akin.

"Why are you late?!" Halos sumabog ang eardrums ko sa sigaw niya.

"Hey, hey, hey! Don't talk to my cousin that way." Ani Jeremiah, tumatawa.

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon