26 : Stare

69 2 0
                                    


Hanggang sa pagdating sa bahay ay hindi na kami nagkibuan. Nagpanggap na lang din akong tulog sa byahe at kunwari ay nagising lang nong malapit na para maiwasan ang pakikipag-usap sa kanya.

Pagdating ko sa bahay ay naroon na ang aming kotse. Siguro ay tulog na si mommy at daddy. Nagtext ako kina Celyne na kauuwi ko lang bago dumiretso sa kwarto. I showered a bit at paikot-ikot na ako sa kama dahil hindi ako makatulog.

Dapat kasi ay nong una pa lang hindi ko na pinatulan! Ayos na yung magkaaway kami, ayos na yung magkakilala kami. Kaso, wala, pinatulan ko. Nagpauto ako. Tapos ngayon anong napala ko? Eto. 'Yong pagkalito. 'Yong pagdadala ng sakit na hindi ko naman alam kung paano alisin.

Of course I tried to move on. Pero hindi ko ba alam kung bakit hindi ko nagawa. Maybe because that was the first time I fell in love. Pero kasi marami naman ang nakakamove on, mas mabilis pa. Hmm, maybe because I didn't try harder. I should've tried to entertain at least some suitors. Para kahit papano ay na-divert ang atensyon ko noon.

"Where do you plan to work ba, anak?" Tanong ni mommy sa akin kinabukasan, kumakain ng almusal.

"Manila siguro, mom? Doon po sa company nina Jiana. Doon siya, e. Maybe that would be a good start for me," ngumuso ako.

"Pwede tayong magtayo ng para sa'yo, kung gusto mo.." sumimsim so daddy sa kanyang kape.

"That would be nice, dad. Pero siguro tsaka na iyon kapag nakaipon na po ako."

"Basta you tell us, okay?" Ngiti ni mommy. "You know we're always here to help."

"Sige po," I smiled back.

Perks of being an only child. You almost get everything you want kasi wala kang kahati o kaagaw. Nasa'yo ang buong atensyon ng pamilya at sa'yo lahat mapupunta ang kung anumang pwedeng ipamana ng mga magulang. Pero kahit ganoon ay medyo malungkot. Kasi wala kang kaaway, wala kang kasamang iiyak o tatawa sa loob ng kwarto. Wala ka ring kaagaw sa pagkain o kung anuman. The main reason why God gave me my cousins is that I am meant to be an only child. Kaya ang pagiging iisang anak ay hindi naman ganoon kalungkot, because I have my cousins and some friends.

Kagaya ng sinabi ni Celyne ay pumunta sila dito. Kasama si Jette at Carlisle ngunit wala si Ashton.

"Nilalagnat daw, eh. More like lovesick. You should visit him, kiss mo," biro ni Jeremiah na tanging ang dalawang lalake lang at siya ang natawa.

"Funny," irap ko.

We enjoyed hanging out together for the rest of the day. The best thing about having them as friends is that moments like these never fade. Hindi ko ba alam kung bakit hindi kami nagsasawa sa isa't-isa. I'm sure na mayron din naman kaming kanya-kanyang mga kaibigan. But at the end of the day, kami lang din naman ang magkakasama. Kaya ang desisyon ko noon na mag-aral sa school na hindi nila pinapasukan at medyo subtle. Dahil palagi ko pa rin naman silang nakakasama.

"I really thought Carlisle was ridiculous. Biruin mo, nagpadrop sa unang year ng college para makasabay kay Celyne!" Hagalpak ni Jette.

Binatukan siya ni Carlisle. It's true. Sinayang niya ang gastos sa unang taon niya sa kolehiyo para makasabay si Celyne. Well, I thought it was ridiculous too. Ngunit sa huli ay naintindihan ko dahil gusto niya ang pinsan ko. Actually, he's still courting her. Maybe three or four years?

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon