Maingay ang paligid dahil sa malakas na electronic music. Luminga ako habang kumakapit sa braso ni Gwen. Kanina pa yata nagsimula ang party.Nasa mansion kami ng mga Montecarlo. I remembered this morning na birthday pala ni Ashton. Bago kami dumiretso sa kanila ay bumili muna ako ng regalo. Damn. Ni wala man lang nagsabi sa akin kahapon na kaarawan niya na pala kinabukasan.
"Nasa loob sila," nag-angat ng tingin sa amin si Celyne mula sa kanyang cellphone.
Nilagpasan namin ang mga taong nagsasayawan na tila ba bar ito. Kahit sa harap ng bahay ay may mga tao rin. Marami ang dumalo. Maging sa loob ay maraming mga tauhan. I guess they're Ashton's relatives.
Nakaupo sa staircase sina Jeremiah, Carlisle, and Jette. Siguro ay busy si Ashton sa page-entertain ng mga bisita kaya hindi siya kasama ng mga ito. Nag-vibrate ang aking cellphone sa bulsa.
Ashton:
I can see you from here. I'm glad you came.
Luminga ako at nakita siya kasama ang iilang lalake at babae na sa tingin ko ay kaedad niya lamang o hindi kaya ay mas matanda sa kanya ng ilang taon. I smiled. Ngumisi naman siya pabalik.
Nilapitan namin nina Gwen si Ashton upang batiin ng happy birthday. Niyakap siya ng mga pinsan ko. Now, what should I do? Hug him, perhaps? Shit. Kinakabahan na naman ako bigla-bigla.
"Happy birthday!" Ngiti ko sabay abot ng regalong binili. Ang totoo ay kumakalabog na ang puso ko. Ano? Dapat ko na ba siyang yakapin?
"Thanks," nangingiti niyang kinagat ang kanyang labi. Kinuha niya sa akin ang regalo. Oh damn! Hinila niya ako at niyakap. Hindi ako yumakap pabalik dahil sa pagkakabigla. Narinig ko pa ang mga hagikhik nina Sabrina.
Naamoy ko ang kanyang pabango. Tang ina. Ang bango niya talaga.
Nang kumawala ay muli siyang bumaling sa kanyang mga pinsan at nilingon ulit ako, "Maddison, these are my cousins."
"Uhm.. Hello!" Ngumisi ako sa kanila. Pare-pareho silang matatangkad at magaganda't gwapo. Well, Montecarlos.
"Diego," nakangiting naglahad ng kamay ang isang binata na mayroong clean cut na buhok. Tinanggap ko ang kanyang kamay.
Isa-isa silang pinakilala sa akin ni Ashton pero wala akong masyadong matandaan. Pagkatapos non ay nagpaalam na siya sa kanila dahil sabay-sabay na kaming kakain nina Jeremiah.
"Asan sina Tita?" Tanong sa akin ni Ashton, tinutukoy ang mga magulang ko. Tapos na kaming kumain.
"They're... busy. Sorry," sagot ko naman. Totoong busy sina mommy. Ang katunayan ay wala pa sila sa bahay ngayon. Siguro nga ay mga alas diyes pa ang uwi nila ni daddy.
"It's fine," ngumiti siya. "Buti nga ay pumunta ka kahit wala sila."
Bahagya lang akong tumawa at tinitigan ang baso sa harapan. Pinaglaruan ko ang bunganga nito. Wala na ang mga pinsan ko at sina Jette dahil may mga nakitang kakilala. So I'm left with no one but Ashton. Ayaw niya namang umalis.
"Sino ang maghahatid sa'yo?" Tanong niya sa akin. Ipinatong niya ang kanyang braso sa likod ng upuan ko.
Nilingon ko ito bago sumagot sa kanya, "Jeremiah and Gwen. Sinundo lang din nila ako bahay."
"Would they mind if I send you home instead?" He licked his lips. Nag-iwas ako ng tingin. I suddenly wanted to kiss him. Oh my god. Kung anu-ano na lang ang mga iniisip ko!
"I don't know," kibit-balikat ko. "But it would be late, you know. Mag-isa ka lang din."
"I don't care."

BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomanceMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.