Nagsimula ang lahat sa birthday ko noong taong iyon."Happy birthday!" Bati ni Gwen sa akin at yumakap.
Ngumiti ako sa kanya, "Thanks."
"O, ba't parang malungkot ang birthday girl natin?" Nag-pout siya at inakbayan ako.
"Mukhang nakalimutan nina mom na birthday ko." Ngumuso ako, nagpapaka-OA.
Humagalpak sa tawa si Gwen pagkapasok namin sa aming classroom. "Playing dumb, Mads? 'Di na 'yan uso." Umiling-iling pa siya.
"Totoo naman, eh. Kanina habang nagbe-breakfast, ni hindi nga nila ako pinapansin." Sabay upo sa silya ko. Ang OA. Haha.
"Happy birthday, Maddison!" Bati ng isa kong kaklaseng nakaupo sa armchair ng kanyang upuan at nakikipag-chikahan sa iba pa naming kaklase na ganoon din ang porma.
Kaya hayun. Narining lang nila, binati na nila akong lahat.
"See, Mads? Naalala nga nila ang birthday mo, sina Tita pa kaya?" Hinampas ako ni Gwen gamit ang kanyang hairbrush.
That type of girl- 'yong nagdadala ng "kikay kit" sa school. Ganon si Gwen. But believe me, kung gaano siya kaganda, ganon siya ka-sweet at kabait. She's simple. Nasabi kong simple siya dahil kahit na nagdadala siya ng "kikay kit," hindi siya 'yong maarte na umiirap-irap at feelingera. Siya 'yong ngumingiti sa lahat ng taong nakakasalubong, kakilala man o hindi. Cool, right?
"Grineet na kita sa Facebook, 12 am pa." Tumawa siya habang naglalagay ng polbo sa kanyang makinis na mukha.
"'Di ko pa nakita." Sabi ko at binuklat ang libro namin sa Mathematics para i-scan ang Algebra.
It's not that I'm studying for a quiz or something. Gusto ko lang talaga ang Algebra. Paminsan-minsan ay sinasagutan ko sa isang papel ang iilang exercises na nasa book. Kaya kapag answer time na, alam ko na kung papaano.
Habang pinaglalaruan ko ang aking ballpen ay napatalon ako ng bahagya nang may tumakip sa mga mata ko.
Kinapa ko ang kamay niya. Oh don't play this shit on me, Jeremiah. Mula sa malamig na kamay, aura, at sa bango, alam na alam ko na.
"Anong pakulo na naman ito, Jeremiah?" Natatawa kong sinabi.
Nang tinanggal niya ang kanyang mga kamay na nakatakip sa mga mata ko ay nakakita ako ng bouquet sa harap ko.
"Happy birthday, insan." Tinapik ni Jeremiah ang ulo ko at inilahad sa akin ang mga bulaklak. "Flowers?"
Narinig ko ang pagdadabog ni Gwen. Ayaw niyang nandito ang kapatid niya.
Umiling ako ng nakangisi habang tinatanggap ang mga bulaklak at pagkatapos ay luminga-linga sa likuran niya. "Asan sina Celyne?"
"Ayaw nilang magpakita sa'yo, eh. Mamaya na lang daw. Ang aarte." Umirap siya at inikot ang upuang nasa harap ko para makaupo siya ng nakaharap sa akin.
"Mga engot talaga." Sabi ko at tinignan ang mga bulaklak. Mababango ito at halatang fresh na fresh. Napangiti ako. Paniguradong galing na naman ito sa kanila ng mga kabanda niya- I don't know if Ashton's included. Last year kasi,ay binilhan nila ako ng Prada glasses. And I'm not kidding.
"Hoy!" Kinalabit ni Jeremiah si Gwen. "Ang arte mo talaga. Umagang-umaga, nagpapakamulto!"
"Ang pakialamero mo naman, Kuya. Nananahimik ako, oh!" Irap ni Gwen at ngumiwi. My bad, umiirap siya. Pero sa kuya niya lang.
"Jem, dali na! May practice pa tayo!" Rinig kong sigaw ni Ashton, ang nakakairita niyang kabanda. Napawi ang ngiti ko at nilingon ang pintuan ng classroom namin. Nakatayo roon si Ashton, Jette, at si Carlisle, mga kabanda ni Jeremiah. Naririnig ko pa lang ang asungot na si Ashton, naririndi na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/32537053-288-k704552.jpg)
BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomanceMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.