49 : Cheers

78 2 0
                                    


Ashton left a bit after dinner. He told me over the phone he'll be gone tomorrow for an emergency at their company. He was eager not to go but I convinced him since he still had his reponsibilities. Isa pa, hindi naman ganoon kaselan ang pagbubuntis ko. I admit there are times I really need to be careful pero nandito naman sina Mommy at iilan naming kasambahay. Hindi rin naman ako gagawa ng kung anong makakasama para sa magiging anak namin.

Ashton:

Hi

Me:

You done? :)

Ashton:

Not yet. I miss you.

Kumunot ang noo ko. Magkasama pa lang kami nito kagabi, ah? At para namang hindi siya dumaan dito bago tumulak pa-Maynila.

Me:

Lol aren't you clingy

I think you should listen to whoever's speaking right now. Mamaya ka na magtext

Ashton:

I don't complain when you're clingy.

I miss you. Everyone here's so boring.

Me:

I'm not complaining and clingy lol

Makinig ka

Ashton:

Okay, Maddison. You're not clingy.

Me:

Ok

I put down my phone, even after receiving texts from Ashton. Halos hindi ko na pinaunlakan pa ang mga iyon dahil alam kong kailangan mag-focus siya sa trabaho. He'll come by tonight, anyway. At tsaka bukas ay magkakasama naman kami.

Even with the buzzing of my phone, I managed to keep myself away from it. Sa araw na iyon ay pinalipas ko ang oras sa pagtulong sa paghahanap ng wedding gown ni Mommy hanggang sa mahanap namin iyon. Turns out, it was just in a drawer under my parents' bed. Kasama pa noon ang veil at sinuot din ni Daddy.

"Parang maliit ata sa'yo, Ma'am?" Perla said as she held out the gown. Siniko naman siya ni Ate Helga kaya bahagya akong natawa. "Este, syempre, Ma'am, buntis kayo. Pero panigurado kung hindi, kasyang-kasya sa inyo 'to."

"Tama ka, Perla. Maliit nga 'to sa akin. We'll just get this fixed this week," sabi ko.

"Ayan, na-English ka tuloy," saway ni Ate Helga.

Kinuha ko ang gown mula kay Perla at pinagmasdan. It had long, lacy sleeves and puffed shoulders. Scoopback ang likod samantalang sa harap naman ay tila conserbatibo. I imagined my Mom wearing the dress during the 80s. I knew by then she was so beautiful on their wedding day.

"Lalabhan na ba namin, Ma'am, o ipapaayos niyo muna?" Tanong ni Perla.

"Ipapaayos muna, Perla. Ikaw talaga," sagot ni Ate Helga para sa akin. "Naku! Naii-stress ako sa'yo!"

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon