16 : Sorry

90 6 0
                                    


"Hindi ko naman inaway si Carlisle..." mahina niyang sinabi at bahagyang nginuso ang kanyang mapupulang labi.

"Okay," sabi ko at tinitigan siya. Nasa harap ko ang aking libro sa Mathematics. Ngayon ang huling araw ng Second Quarterly Assessment at habang hinihintay na muling magsimula ang exams pagkatapos ng break time ay nagrereview ako.

Binaba ko ang aking tingin sa libro at isinubo ang sandwich na hawak. My cousins and the band are with us. Himalang tahimik sa table namin dahil lahat kami ay may libro sa harapan. Even Jeremiah.

Naririnig ko ang ingay sa buong cafeteria ngunit hindi ko iyon pinansin. It was like I muted the surroundings and just focused on my book. Nag-aral na ako kagabi at nirereview ko lang ang mga nakakalimutan ko.
"Hi, Ashton!" Masiglang bati ng isang babae kaya napaangat ako ng tingin.

"Hi, Myrr!" Ngisi ni Jeremiah na nagawa pa akong sulyapan. Binati siya pabalik ng babae at tiningnan ulit si Ashton.

So this is Myrr Lonada. Talagang maganda siya kapag malapitan. Ilang linggo ko na ring napapansin na iniiwasan siya ni Ashton, but this girl's like a leech. Dikit ng dikit.

"Ashton, paturo naman dito, oh? Hindi ko kasi maintindihan..." she pouted her lower lip.

Pairap kong binalingan ang aking libro. Kung baliin ko kaya ang leeg nito? Naiirita na ako sa kanya dahil sa tuwing nakikita ko siya ay nagpapacute siya. Yes, she's pretty. But I really don't like her. Kapag nakikita ko siya, naiinis na ako. 'Yong tipong unang kita ko pa lang hindi ko na talaga siya feel.

"Huh? Nagbabasa rin kasi ako, Myrr. I'm sorry," rinig kong wika ni Ashton.

"Sige na. Please? Hindi ko kasi talaga maintindihan..."

Kinagat ko ang labi ko. Her voice is just so irritating. Nakakarindi.

Nanatiling tahimik si Ashton sa loob ng ilang minuto. The girl kept on saying "please" until the boy gave in. Agad kong tiningnan si Ashton.

"I'll come back, okay? Promise," Aniya at tumayo. Nagpaalam din siya kina Jeremiah at wala akong ginawa. Ni hindi ko siya tinanguan o sinabihan ng kung ano.

"Hindi mo pigilan, naagaw tuloy," Sabrina chuckled.

Umismid lang ako at tinuon ang buong atensyon ko sa libro hanggang sa nagbell na. Ashton didn't come back. Ngunit naghintay pa ako ng mga limang minuto bago umakyat. Wala pa rin siya.

Nakakainis. Sinabi niyang babalik siya pero hindi niya ginawa. Boys. Mangangako, hindi naman tutuparin. Tapos ano kaming mga babae? Nagpapakatanga. Girls believe in words that's why boys lie most of the time.

Halos wala akong maalala sa mga binasa ko habang tinetake ang test. I came out of the room with a frown on my face. Kasama ko ang mga pinsan ko sa room dahil tuwing exams ay nakaayos kami alphabetically at naka-assigned sa mga rooms. Ang alam ko ay ginawa nilang ganito ang pagtetake ng exams upang maiwasan ang kopyahan sa loob ng classroom kung saan magkakaklase kayong lahat. Ngayon kasi ay magkahalo ang buong junior and senior high school. Dahil magkaiba ang tests, iniisip nila na maiiwasan na rin ang kopyahan at pasahan ng mga sagot.

"Ang hirap ng Speech! Puro phonetic, etcetera. Sa ibang section lang naman iyon diniscuss," reklamo ni Celyne.

Napagkasunduan naming gumala ngayong araw na 'to, since it's Friday at tapos na ang test.

"Buencamino!" Tawag ni Jeremiah kay Jette na tila ba ginagawang mega phone ang kanyang kamay sa pamamagitan ng bahagyang pagkuyom nito at paglapit sa bibig.

Agad na magkasamang lumapit si Jette at Carlisle sa amin. Mayroong headphones si Jette sa ulo pero sa tingin ko ay wala naman siyang pinapakinggan.

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon