Ang bilis lang talaga ng mga araw. Patapos na ang klase at naghahabol na naman kami ng requirements.Madalas ko pa ring naaalala si Ashton. Hinahayaan ko na lang ang aking sarili na alalahanin siya. Kahit ilang buwan na rin ang nakalipas ay masakit pa rin. Walang improvement ang pagmu-move on ko maliban sa pagkabawas ng pag-iyak ko bawat gabi.
"Ay, teka! May nakalimutan ako," ani Jeremiah. Tinakbo niya ang distansya mula sa parking lot patungo sa kanilang classroom. Sila ni Gwen ang maghahatid sa akin pauwi ngayong araw na 'to.
"Hindi pa rin nagpapalit ng profile picture si Ashton, 'di ba?" Aniya. Ilang minutong akong natahimik bago makapagsalita. Oo nga pala at kaming dalawa ang nasa profile pic niya.
"I don't know. Siguro? Ewan," kibit-balikat ko.
"You still have no plans on telling them about what happened?"
"Mas mabuti na sigurong hindi muna nila malaman, Gwen.." Sabi ko, tinutukoy ang nangyari sa amin ni Ashton noong Disyembre. Hanggang ngayon kasi ay si Gwen lang at ako ang may alam. At syempre si Ashton. Nawala na sa isip ko ang pagkekwento kina Jeremiah.
"Paano kung malaman nila bigla?" She asked me.
Nakita kong papalapit na ang nakangising si Jeremiah, "Edi malalaman nila. Tara na," at naunang pumasok sa Hilux.
"Langyang Jette," halakhak ni Jem habang pinapaandar ang kotse. "Tinali kanina iyong bag ng kaklase namin sa upuan. Hindi pa natatanggal hanggang ngayon."
Umiling ako at napangisi. Hinatid nila ako sa bahay at nagpaalam na. Normal na araw lang ito para sa akin. Isang ordinaryong araw na magbabago kapag dumating na ang bakasyon.
Ang mga sumunod na araw ay walang pinagbago. Hanggang sa ngayon na habang nagfe-Facebook ako sa laptop ay biglang tumunog ang aking cellphone.
His name flashed on the screen. Ilang buwan ko na ring hindi iyan nakikita. Nakalimutan ko bigla kung paano huminga. Parang tumigil ang paligid. Putang ina. Iyan ang epekto niya sa akin.
Kabado kong sinagot iyon. Malay natin ay na-wrong number lang siya, 'di ba?
"Hello..." kaswal kong bati. Naririnig kong maingay ang paligid. Nasaan kaya siya?
"I miss you..." napapaos ang kanyang boses.
Naramdaman ko ang sariling kabog ng aking puso. Malakas iyon. Parang kabayong gustong kumawala. Damn.
"Ashton?" Nagawa ko pang tingnan ulit kung siya ba talaga ang nasa kabilang linya.
"Damn, I really miss you..." nagawa niya pang matawa ng mahina. "Do you miss me? I miss you so much."
"Ash.." nasapo ko ang aking noo. Natahimik siya sa kabilang linya. Natahimik din ako. Nakarinig ako ng tawanan ng iilang mga lalake at ang ingay ng paligid ay bumalot sa aking tenga.
"I miss you..." muli siyang nagsalita. Nag-init ang gilid ng aking mga mata. Hindi ko na alam kung sasabihin ko bang miss na miss ko na rin siya o ano. "I fucking do."
Namatay na ang tawag. Malamang ay pinatay na iyon ni Ashton. Tinabi ko ang aking laptop at humiga. Nakatulala ako sa kisame habang pinapakiramdaman ang nagbabadyang luha. I could still hear his voice inside my head. Totoo kaya iyon? Na namimiss niya ako? O baka ay lasing siya?
Magdamag kong inisip iyon. Alas tres na ata akong natulog. Nakatulala lang ako hanggang sa dinalaw ako ng antok. Maging kinabukasan ay lutang ako sa klase. Inaantok pa ako habang nakikinig sa teacher namin.
"Laki ng eyebags natin?" Tawa ni Sabrina.
"Puyat, puyat, puyat.." Mahina akong natawa. Hinihintay na lang naming matapos sina Jeremiah sa graduation practice. Oo, graduating na sila. Magkokolehiyo na ang banda. Hindi ko alam kung pare-parehas pa ba sila ng papasukan niyan.
BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomanceMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.