Nagising na lang ako dahil sa mahinang pagtampal sa aking braso."We're here..." Marahang sinabi ng isang pamilyar na boses.
Tumango ako at hindi dumilat. Inaantok pa rin ako. Give me five more minutes. Pero nang may napagtanto ay agad akong napapitlag at tumayo. Iyan tuloy, bukod sa nauntog ako sa van, nahulog pa ang aking cellphone.
"Aray..." Hinawakan ko ang ulo ko at naupo ulit.
"Tss. Tara na." Pinulot ni Ashton ang aking earphones at cellphone. Iniabot niya ito sa akin at nauna nang lumabas, dala ang aking backpack.
Binuhay ko ang cellphone ko pagkalabas mula sa van. Nakita kong kumakain sina Jeremiah sa mga upuang nasa labas nitong airport. Humikab pa ako. Kaya naman pala ang dami naming dala. Nagbaon pa sila ng pang-almusal.
"Oh, she's awake!" Maligayang sambit ni Jette at sumubo ng isang bacon.
Nakikain na rin ako dahil sa totoo lang ay nagugutom na ako. Ayaw ko ring bumyahe ng walang laman ang tiyan. Hindi naman ako matatae o masusuka sa byahe dahil hindi ko iyon gawain. I'm into travelling, that's why.
"Thank you po!" Ani Jette sabay sarado sa front seat ng kanilang van. Nagsimula na silang maglakad habang ako naman ay parang timang na palinga-linga dahil sa paghahanap ng bag ko. Now where is it? Siguro naman ay hindi iyon dinala ng kahit kanino sa mga kasama ko dahil may kani-kanila silang gamit.
"'Yong bag ko!" Bigla kong hinampas ang balikat ni Jeremiah dahil sa pagkakataranta. What if it was stolen? Oh my god!
"Ayun, oh!" Wika ni Gwen sabay turo sa harapan. Binalingan ko iyon at nakita ang aking pink backpack na nakadikit sa likod ni Ashton. He's still bringing it. Akala ko naman ay nawala na iyon.
"Nagbibinata na talaga si Ashton!" Humalakhak si Jeremiah at bahagya pa akong itinulak para kumilos na at kunin ang aking bag.
"Akala ko ninakaw na ang bag ko." Sambit ko habang sumasabay sa paglalakad ni Ashton.
"Your bag was with me earlier, remember? So hanggang ngayon ay dala ko pa rin ito."
"Akin na." Inilahad ko ang aking kamay sa harap niya, naglalakad pa rin. Mukha siyang inaabuso at ginagawang muchacha dahil dalawang backpack ang kanyang dala. Isa sa likod at harap.
"Ito na lang dalhin mo. Your bag is heavy. Akala mo naman ay maglalayas ka." Ibinigay niya sa akin ang kanyang kulay itim na backpack.
Magaan lang iyon kaya kinuha ko na. Bumalik ako sa tabi nina Jeremiah ay iniwan si Ashton'g mag-isang naglalakad.
"Kayo na?" Tanong sa akin ng nasa likod na si Carlisle.
"Hindi, ah!" Agad kong sabat. "I don't even like him."
"Kunwari ka pa. Namumula ka na, oh!" Tinuro pa ni Jeremiah ang aking pisngi.
"If I say I don't like him, I really don't." Mas lalo akong umiling. Tumabi sa Jette sa akin sa paglalakad at nagawa pang umakbay habang tinititigan ko ng masama si Jeremiah.
"You know, it's not embarrassing to admit that you like him. Hindi ka naman namin pagtatawanan dahil gwapo naman si Ashton. Well, if you like someone who's very ugly, then you should be embarrassed!"
Sinuntok ko ang kanyang tiyan kaya kinalas niya ang kanyang pagkakaakbay. Nakangisi ito habang hawak ang kanyang tiyan.
"Bahala kayo sa buhay niyo."
Grae is definitely not ugly!
Dahil sa pagkakairita ay inunahan ko na sila sa paglalakad. Sumabay na lamang ako kay Celyne at Sabrina dahil si Gwen ay kasama ng kanyang Kuya.
BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomanceMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.