20 : Shot-gun

83 5 0
                                    


"I said, get out!" Sigaw niya ulit sa akin nang hindi ako nakagalaw. She looked so mad.

Nahihirapan pa akong tumayo dahil sa sakit ng likod ko.

"Oh, and Maddison," hirit niya ka bago ko tuluyang maikot ang doorknob. Imbes na lingunin siya ay tumigil lang ako. I guess she had the cue so she went on. "You can still go to my party. But don't expect me to treat you like a guest since you are not invited."

Tila may umapak sa aking dibdib nang sinabi niya iyon. Sa lahat ng sinabi niya ay doon lang ako nasaktan, maliban sa pisikal niyang pananakit.

Pagkalabas ko ng kanyang kwarto ay pinunasan ko ang aking sarili habang naglalakad. Patigil-tigil na ako dahil nakakahiya ang hitsura ko. Ngunit kahit anong punas ko ay ayaw tumigil ng aking mga luha.

I was stunned by what she said. Iyong sinabi niya sa aking tumanggi sa kanya si Ashton dahil magagalit ako at mag-aaway kami. Hindi ko iyon inaakala.

Imbes na dumiretso sa aming villa at nagtagal pa ako ng isang oras sa pagbababad ng aking paa sa isang swimming pool. Sinigurado kong hindi na namumugto ang aking mga mata.Kanina pa ako tinitext ng aking mga pinsan at ni Ashton ngunit wala akong binuksan at nireplyan.

Alas singko y media na nang bumalik ako sa aming villa. Nasa living room ang banda at naabutan ko pang kumakanta si Jeremiah habang nakayuko lang si Ashton sa kanyang cellphone. Nang napansin kong mag-aangat na siya ng tingin ay umiwas na ako at nagmadaling dumiretso sa kwarto. Naghahanda na ng damit ang aking mga pinsan. 6:30 kasi ang simula ng party.

"Ay, Mads! Look at this!" Nakangising bungad sa akin ni Sabrina at binuksan ang isang puting box na malaki. Nasa loob non ay isang kulay baby pink na dress.

"Ano 'yan? You bought a new one?" Tanong ko at lumapit. "Maayos naman iyong damit mo."

"No! This is yours!"

What?

"Binigay ni Ashton sa amin kanina! Tapos sinabi niya pang 'wag bubuksan hanggang hindi ka pa dumarating!" Natatawang wika ni Gwen.
Inangat ni Celyne ang dress, "Oh my! It's so pretty!"

Tinitigan ko iyon. Maganda nga. Mahaba iyon at hanggang ankle. Halter top ang style ng damit at maganda ang mga kulay gold na disenyo sa may bewang. What's this for?

"May sulat pa, Mads, oh..." inabot sa akin ni Gwen ang kulay puting papel. Naroon ang malinis na sulat kamay ni Ashton.

Maddison,

I'm sorry for being an asshole today. Hindi ako galit sa'yo, okay? :) I hope you liked the dress. I want you to enjoy this night.
-Ash

"Anong nakasulat?" Agad na kinuha ni Sabrina mula sa aking kamay ang papel kaya wala na akong nagawa. Sabay nilang binasa ni Gwen iyon at tumili pa siya pagkatapos.

Binuksan ko ang aking phone at tiningnan na ang mga messages. Binasa ko muna ang mga texts ni Ashton kanina bago nagtipa ng mensahe.

Me:

What's with the dress, Ashton?

Agad siyang nagreply. Umupo na ako sa kama at hindi nakinig sa kung ano ang mga sinasabi nina Gwen.

Ashton:

You're welcome :)

Nahiya ako dahil hindi pa pala ako nagpapasalamat.

Me:

Thanks. But what's with it? May susuotin naman ako. Why do you have to buy?

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon