48 : Memoirs

50 2 0
                                        


Nanatili ang tingin ko sa labas buong biyahe. I have no idea where we're heading pero imbes na magtanong ay tinikom ko ang aking bibig. Sa tuwing tumitikhim si Ashton ay mas lalo lang akong naiirita.

"Malayo pa ba?" I couldn't stop myself from asking. Kanina pa siya paliko-liko kung saan.

"Malapit na."

Umirap ako at matalim na tinitigan ang side mirror. Makalipas ang ilang minuto, pumasok kami sa isang exclusive subdivision. Nilingon ko si Ashton gamit ang mapag-akusang tingin. Sabihin na nating maaaring assumera ako, pero hindi rin naman ako tanga para hindi isipin kung saan at ano ang ipinunta namin dito.

"I bought a lot four years ago. Naitayo na rin ang bahay pero kung may gusto kang ipabago, puwede pa naman. Jette's friends with the engineer, anyway."

Nang hindi ako kumibo ay nagtaas siya ng kilay sa akin. I rolled my eyes as he pulled over in front of a large mansion. The gates were large too but I could still see the house. Mukhang tatlo pa ang palapag nito at pinaghalong kulay ng puti at abo ang disenyo. Bago pa ako makapagprotesta ay lumabas na si Ashton at mabilis akong pinagbuksan ng pinto.

"Ayaw mo bang makita sa loob?"

Sinamaan ko siya ng tingin. He just shrugged. Kinalas niya ang aking seat belt at binigyan ng mababaw na halik ang aking noo. The traitor butterflies in my stomach immediately went ballistic. Mula dati pa ay si Ashton na talaga ang kakampi nila!

"Hindi ba maalikabok diyan?" Maarte kong tanong, sinusubukang ipakitang iritado pa rin ako.

"I have no idea," he replied and I squinted. "Let's just take a look."

Muli akong umirap at lumabas na mula sa kotse. Ashton held me by the waist as we made our way inside. Akala ko ay mayroong taga-bantay sa loob o kaya'y nangangalaga pero wala naman.

Nang makapasok kami sa bahay ay mas lalo akong namangha. Glass walls covered almost the entire room and everything looked sleek and well-furnished. Dahil sa salamin lang ang mga dingding ay natanaw ko ang iilang lounger sa likuran katabi ang isang pool.

"Do you like it?" Ashton whispered from behind me.

Tumango lamang ako. His hand covered my stomach as his hot breath caressed my ear and neck.

"I-Isn't the kitchen too big for us?"

"We'll start a family here; I think it's just fine."

Tumango ako at nilingon si Ashton. Sinalubong niya ako ng ngiti at isang tingin na para bang nagpapahiwatig ng iilang katanungan. I immediately deviated my eyes away from him.

He let me wander inside the house for the next few minutes. Halos nagustuhan ko naman ang lahat ng parte ng bahay dahil maluwang ito. The colors were mixed white and ash gray. There were seven bedrooms upstairs. Kasali na roon ang master's bedroom na mayroong karugtong na balkonahe.

"I haven't picked out furnitures yet. I think it'd be better if we decide for it together," aniya sa aking likod.

I faced him with a smile. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan habang nakahalukipkip at nakatitig sa akin. Muli ko siyang tinalikuran upang dumiretso sa malaking balkonahe ng kwarto. Mula rito ay tanaw ang iilang kakahuyan sa likod ng village at ang pool sa baba. Nang marinig ang mga hakbang ni Ashton sa likod ay humilig ako sa railings. His arms were immediately wrapped around my waist. He gently pulled me, making me lean on his body.

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon