Habang nagbo-blow dry ng aking buhok ay tumunog ang aking cellphone dahil sa mensahe ni mommy.Mommy:
How are you doing?
Ibinaba ko ang blower at agad na nagtype ng reply kay mommy na nagsasabing ayos lang kami at maya-maya ay kakain na ng dinner. Pagkatapos ng ilang saglit ay muling tumunog ang aking cellphone dahil sa text ni Ashton.
Ashton:
Hindi ako naniniwalang hindi ka galit. :(
Umirap ako at bahagyang ngumuso habang nagta-type ng mensahe. Kanina niya pa tinatanong kung galit ako at sinasabi kong hindi dahil iyon naman ang totoo. Hindi nga kasi ako galit, nahihiya lang ako at naasiwa sa kanya.
Me:
Kung ayaw mo, 'wag mo. I'm not mad, I already told you.
"Tara na?" Aya ni Gwen.
Tinanggal ko na ang blower mula sa saksakan at tumayo na upang makalabas. Hindi na ako naiinis kagaya ng kanina kaya after naming magdinner ay mamimili na ako ng souvenir. I know it's too early but I don't wanna rush kapag namili ako sa makalawa.
Inaayos ko ang hood ng aking jacket habang palabas ng villa. Muling nagreply si mommy sa akin kaya nagtext ako pabalik. Sinabi kong mamaya uli dahil kakain muna kami. Habang itinitipa iyon ay dumating na ang mensahe ni Ashton.
Ashton:
Okay, I believe you.
Hindi ko na iyon nireplyan. Nang nag-angat ako ng tingin at ang kanyang mga malalalim na mata kaagad ang aking natagpuan. He was looking at me seriously.
"Matutunaw na ang pinsan ko, tama na." Panirang sumbat ni Jeremiah kay Ashton. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at sumabay kina Gwen sa paglalakad patungo sa aming kakainan. This time, iba na ang pagkakainan namin. Mas maraming putahe ang pagpipilian dito at mas mahal din.
Habang kumakain ay panay ang pagtigil ko upang replyan ang mga text ni Ashton. He was texting me all the time and I can't help myself from texting back!
"Alam niyo, bakit hindi na lang kayo mag-usap? Kasi kung makapag-text kayo sa isa't-isa, masyong halata. Or try to eat first. Kapag nainis ako ay ipapakasal ko na talaga kayo..." Naiinis ngunit natatawang sambit ni Sabrina. Matalim ko siyang tinitigan kaya mas natawa lang siya sa akin. Kaya ang ginawa ko ay hindi na ako nagreply pa. My cousins are really trying to piss me off. Kahit noong gustong-gusto ko si Grae ay iniinis din nila ako. Nagulat ako. I realized, I don't like Grae anymore. Ganon lang kadali.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam ako sa kanilang mamimili na ako at agad nang didiretso sa aming villa. Napagdesisyunan pa kasi nilang mag-inuman sa isang bar kaya umayaw ako. Dinala ko na lang ang susi namin. Kahit kailan ay hindi pa ako nakakainom ng wala si mommy o si daddy. Ilang beses na akong pinilit ng aking mga pinsan ngunit umaayaw ako palagi. Si Gwen naman, alam kong hindi pa iyon nakakatikim ng alak. As in, ever. Dahil ayaw ni Jeremiah.
"Bakit ka sumusunod?" Sabi ko nang hindi nililingon si Ashton. Alam kong nakabuntot siya sa akin kanina pa. Halata sa ngisi nina Gwen kanina.
"Gusto lang kitang makasama... alone." Aniya at tinabihan ako sa paglalakad.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Damn, is he really serious? Kasi kung seryoso siya at seryoso rin akong nahuhulog ang loob ko sa kanya. That fast! And I don't even know why!
Nanatili akong tahimik habang tinatahak ang daan patungo doon sa tindahan kung saan ko nakita iyong natipuhan kong mga damit. Nakabuntot lang siya sa akin na parang tuta. Will he just stop it?
![](https://img.wattpad.com/cover/32537053-288-k704552.jpg)
BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
عاطفيةMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.