Mabilis ang paglipas ng bawat araw. Malapit na ang Christmas break at hindi na gaanong busy. Madalas na rin akong lumalabas ng bahay upang mapuntahan si Torrance. Minsan ay siya rin ang pumupunta sa amin para makipagkwentuhan.Mas nakikilala ko na rin si Ashton. Natutuwa ako sa kanya ngunit may kaunting inis pa rin talaga. Maybe because I hated him for a long time. Pero iba ang inis ko ngayon kumpara sa dati. Hindi na rin sila masyadong magkasama ni Myrr. Minsan ay sumasama si Myrr sa kanya ngunit umiiwas na si Ashton. I feel bad for her, though. At kagaya ng sinabi ko, masyado lang ang ginawang overthinking ni Ashton dahil walang naganap na hindi maganda.
Sa pagdaan din ng mga araw ay nalaman kong alam pala nina Gwen ang nangyari sa amin ni Ashton bago kami bumalik sa villa noong birthday ni Myrr. Nagulat ako. Sinabi nila sa akin na may kaunting lipstick stain sa gilid ng labi ni Ashton. The color was the same with my lipstick. Nahiya ako nong una ngunit kalaunan ay pinabayaan ko na lang. Ashton did not know about it. Sa totoo lang.
"Just three nights, honey. Tatawagan ko kayo ng daddy mo," sabi ni mommy sa akin. Linggo ng gabi at patapos na siya sa pag-iimpake para sa kanyang flight bukas. Mamayang madaling araw ay ihahatid siya ni dad at ng driver nina Gwen papuntang Maynila. Gustuhin ko mang sumama ay hindi pwede dahil may pasok ako bukas.
"Okay, mom. I'll miss you..."
"I'll miss you, too," niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Matulog ka na. You have class tomorrow."
Nagpaalam na ako sa kanila ni daddy at dumiretso sa kwarto. Pagkatapos kong iwan ang lamp shade na nakabukas ay pumwesto na ako sa kama at kinuha ang cellphone sa gilid. Dalawang mensahe mula kay Ashton ang naroon.
Ashton:
Maddison?
At ito pa ang isa.
Ashton:
You're busy, aren't you?
Nagreply ako sa kanya. Maya-maya ay tumawag na siya. I'm really getting used to it, honestly. Pero hanggang ngayon ay ayaw ko pa ring ipaalam kay mommy at daddy. Sigurado akong halos lahat ng nasa high school department ay napapansing may kung ano pero nag iingat pa rin ako.
"Hi, I'm sorry. Busy," tumagilid ako at niyakap ang unan.
"No, it's okay. How's your day?"
"Heto, ayos naman. Aalis si mommy..."
"Yeah. She'll be gone for three days, right? Iyan ang sinabi mo sa akin kanina," aniya sa isang marahan na tono.
"Oo," sabi ko. Wala na akong naidugtong dahil humirit na naman siya.
"Can we switch to Messenger? Iyong video call. Please?"
Sa pagkakaalam ko ay mayroon naman akong Messenger sa cellphone. Madalang ko nga lang itong ginagamit dahil nga ay sa laptop ako nagbubukas ng Facebook account.
"Yeah, sure. Ibababa ko na."
Nagpaalam na siya. Pinatay ko ang tawag at mas mabilis pa sa mabilis ang pagpindot ko sa icon ng Messenger. Buong akala ko ay ako ang tatawag ngunit nang nag-flash sa screen ang kanyang buong pangalan ay agad ko itong sinagot.
His face appeared on my phone. Magulo ang kanyang buhok at halatang walang pantaas. May nakakabit na earphones sa kanyang dalawang tenga. Ngumisi siya. Di bale nang mapuyat, hindi ba, Maddison?
Kinabukasan ay hindi ako magigising kung hindi dahil sa alarm. Madalas akong nauunang magising kaysa sa cellphone ko pero iba ngayon. Matagal din kaming nag-usap ni Ashton kagabi dahil marami siyang sinabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/32537053-288-k704552.jpg)
BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomanceMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.