I slept late ngunit pinilit kong magising ng maaga. I took a bath and ate early. Ilang beses akong lumakad ng pabalik balik sa loob ng aking condo habang naghihintay ng isang katok.Bakit naman siya pupunta ng maaga, Maddison? Malamang ay puyat iyon! Maybe your car is important to you but to him, it isn't. Kaya kahit sinabi niyang ibabalik niya iyon ay hindi ibig sabihin noon na may pakialam siya sa mga maaaring lakad mo sa araw na ito. Siguro nga ay ipapahatid niya lamang iyon.
Alas nuebe ay nainip na ako. I watched a tv show and glanced at the door for the nth time. I yawned. Damn it. I completely look like a fool.
Nang malapit nang mag alas diyes ay mayroong kumatok. Agad ko iyong binuksan. Ni hindi nga ako sigurado kung si Ashton ba iyon dahil baka hindi niya naman alam kung nasaan ang aking unit. Bakit ngayon ko lang naisip?
But to my surprise, it was him. Ang kanyang kulay puting t shirt at itim na maong ay kumapit sa kanyang katawan ng tama. Hindi ganoon kalaki ang kanyang katawan. Tama lamang iyon at bumabagay sa kanya. His slightly damp hair made me swallow. From where I am standing, I can smell his scent. Inayos ko ang laylayan ng aking racerback kahit wala namang mali roon.
"Good morning," aniya.
Natataranta akong ngumiti at binati siya pabalik.
"Your keys..." inangat niya ang kanyang kamay. Nakapulupot sa kanyang hintuturo ang susi ng aking kotse. Kinuha ko iyon.
"P-pasok ka..." I opened the door wider. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung tama bang papasukin siya rito gayong ako lang mag isa. I just know that I need to do it so that I can show him my gratitude.
"Ayos lang?"
Mabilis akong tumango. Of course!
Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay at pumasok. I closed the door and watched him observe my whole condo. Uminit ang aking pisngi habang pinagmamasdan siya. My condo isn't that big. Kung ikukumpara ito sa kung anong mga mayroon siya ngayon ay walang-wala ito.
"You want juice? Coffee?" I bit my lower lip. Nilingon niya ako at marahan siyang umiling bago umupo sa couch. Mukhang sanay na sanay siya sa ibang mga bahay o lugar, ah?
"You live alone?" Itinaas niya ang kanyang kaliwang kilay.
"Yup.." I nodded. Ipinatong ko ang aking car keys sa lamesang kinalalagyan ng iilang frame ng mga litrato. "K-Kumain ka na?"
"Hindi pa," aniya. "Kagigising ko lang at dumiretso na agad ako rito..."
"Okay."
I quietly rushed towards the kitchen. Naghanap ako ng maaaring ipakain sa kanya at napagpasyahan kong gumawa ng sandwich. Cooking would take a lot of time. Gosh, palagi na lang ba akong kakabahan o matataranta kapag nariyan siya? Dati naman ay hindi ako ganito. Kahit pa noong naghahalikan kami dati ay hindi ako ganito ka kabado. Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ng aking mga kamay nang pumasok siya sa kitchen. He watched me while I was washing my hands. I felt my heart pump faster inside my chest. Tahimik kong hinanap ang aking mga kakailanganin sa paggawa ng sandwich habang ramdam ang kanyang titig. The knife almost slipped on my hand dahil sa aking katangahan.
Habang hinihiwa ang mapulang kamatis ay naisipan kong itanong kung paano niya nalaman na dito ako nakatira. Is it even appropriate? To ask him how he knew about my whereabouts?

BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomanceMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.