Kung hindi ko lang sinabing inaantok na ako ay hindi ako tatantanan ni daddy. Sa ngayon, alam niyang ayos na kami ni Ashton at madalas na nagkakaintindihan. Hindi ko sinabing nakakatext ko si Ashton o tungkol sa kung anumang namamagitan sa aming dalawa."Sasama ka sa Thursday?" Tanong sa akin ni Gwen habang nanonood kami ng isang romantic movie sa kanyang kwarto. Martes ng gabi ngayon at kinabukasan ay walang pasok dahil mayroong tatlong araw na seminar ang aming mga teachers sa Baguio.
"Sa'n?" Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.
"Uhm... Fontana raw. Debut ni Myrr Lonada, 'yong classmate nina Kuya. Ininvite niya kasi kami ni Kuya kanina and she said that it's her birthday on twenty-two," bahagya siyang ngumuso. "Hindi ka niya inimbitahan?"
"Hindi," umiling kaagad ako. "Fontana? Bakit naman ako sasama? Ni hindi nga ako inimbita."
"Oh come on! Kung invited kami ni Kuya ay pwede ka naming isama. Even Celyne and Sabrina. I'm sure she wouldn't mind," ngumiti siya. "So, sasama ka?"
"Magpapaalam ako bukas kay mommy at daddy..." sagot ko at nagpatuloy na kami sa panonood.
Ashton:
Diyan ka matutulog? Did Myrr invite you on her birthday? I hope you'll be present.
Sumulyap muna ako sa kay Gwen na seryoso sa panonood bago nagtipa ng reply.
Me:
Yes, dito. Hindi niya ako inimbita. But Gwen told me I'm invited too. Hindi ako sigurado. Magpapaalam pa ako, eh.
Well, I dislike Myrr. And heaven knows I don't want to go to her party or something. Ni ayaw ko nga siyang nakikita. Pero kung sasama si Ashton at isa man sa mga pinsan ko, sasama ako.
Ashton:
I'm sure you are invited. Just text me kung pwede. Susunduin kita sa bahay ninyo.
Pagkatapos ng text niyang iyon ay hindi na ako nagreply at mas nagconcentrate sa movie. May sumunod pang texts mula sa kanya kaya nagreply ako at sinabing manonood muna. Nakakahiya naman kasi kung kasama ko si Gwen at nanonood kami tapos ay may katext ako, 'di ba?
Nang natapos ang movie ay matutulog na sana kami ngunit nang pahiga na ako sa tabi ni Gwen nang tumugtog ang pamilyar na kanta sa aking cellphone.
"Ashton?" Tanong ni Gwen sa akin.
"Oo. Sagutin ko muna, ah? Sa labas lang."
Lumabas ako sa terrace ng kanyang kwarto at sinigurado munang nasara ko ang sliding door bago sinagot ang tawag. Nasanay na rin akong gabi-gabi ay magkausap kami. Hindi ko na nga maalala kung kailan at kung paano nagsimula. Basta ang alam ko lang ay ganito. And I like this feeling.
"Hey..."
Umupo ako sa bench, "Hi. What are you doing?"
"Nakahiga na. Ikaw? Are you fine there? Nandiyan si Jeremiah?" Sunod-sunod ang kanyang mga tanong.
"Nakaupo," I chuckled. "Yes, I'm fine. Jeremiah's asleep. Nasa kabilang kwarto siya."
Tumikhim siya sa kabilang linya. "Sana pala ay pumunta ako diyan, ano?"
"Bakit? Wala ka namang gagawin dito."
Tumawa siya at hindi ko alam kung bakit. Nanatili akong tahimik habang pinakikinggan siya. Damn. His laugh's so sexy. Bakit ba ganon?
"Napansin kong palagi mo akong sinusungitan," aniya.
"Ano? Hindi naman..." I replied. Minsan lang naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/32537053-288-k704552.jpg)
BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomanceMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.