Nang sumapit ang gabi ay nag-dinner kami sa isang restaurant na malapit lang sa aming tinutuluyan. Nakapagbihis na silang lahat mula sa swimming at hindi ko maipagkakailang nangitim sila dahil sa sinag ng araw kanina."Ang bango!" Sabi ni Sabrina at nilanghap ang amoy ng umuusok na shrimp na nasa aming table.
Habang kumakain kami ay pinag-uusapan na namin ang aming mga gagawin. Bukas ay maaga kami para maabutan ang sandcastles at para na rin maaga sa activities na naka-book para sa amin.
Habang nanonood ng tv ang tatlo kong kasama sa villa ay nagpalit ako ng t-shirt para makapagswimming sa dagat. I like the water even more when it is warm. Ayon sa mga dati kong pinag-aralan, mas mainit ang tubig sa gabi dahil nalilipat ang lamig sa lupa.
"Where are you going?" Tanong ni Gwen sa akin, nakakunot ang noo.
"Swimming. Lock the door. I'll just knock." Sabi ko habang pinipihit ang doorknob.
"Alright." Aniya.
Lumabas na ako na tuwalya lang ang dala. Iiwan ko ito sa dalampasigan dahil lalamigin ako pabalik dito sa villa. Ang boys ay nanonood yata ng fire dancing kaya wala sila sa kanilang villa. Habang lumilinga ay may nakita akong anino ng kung sinong nakaupo sa bamboo bench sa terrace ng villa nina Jem. My heart raced. Akala ko na multo iyon ngunit nang mas luminaw ang aking paningin ay nakita kong si Ashton lang pala.
What is he doing here? I thought he's with Jeremiah and the others.
"Saan ang punta mo?" Malamya niyang tanong habang humahakbang ako papalayo sa aming villa.
"Skinny-dipping." Sarkastiko kong sagot. Dumilim ang kanyang tingin kaya ngumiwi ako,"I'll go swim," at naglakad na.
Hindi na rin siya umimik ngunit nang may narinig akong mga kaluskos ay lumingon ako. Siya iyon. Tumigil ako dahil hindi ko alam kung ano ang kanyang ginagawa. I don't know if he's going with me, or he's going to go after Jeremiah. Or neither of the two.
"Sama ako." Bahagya siyang ngumuso.
Umirap lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. I don't own the world. Kaya pwede siyang sumama o kung anuman. Wala naman akong karapatang sabihin na hindi siya pwedeng sumama dahil hindi naman akin ang mundo, at wala namang batas na nagsasabing hindi pwedeng sumama si Ashton.
Sa dalampasigan ay marami pang mga tao. Mayroong nagbo-bonfire at nakahiga sa buhangin. May mga lagpas sa sampu ring nags-swimming. Tinanggal ko ang aking tsinelas at ipinatong doon ang aking tuwalya. Dahan-dahan akong lumapit sa dagat. Maligamgam iyon nang umapak ako. Just how I want it to be.
Nagdalawang-isip pa ako kung huhubarin ko ba ang t-shirt ko. Pero sa huli ay hindi ko na iyon tinanggal dahil baka manginig pa ako sa sobrang lamig kapag may hangin na umihip.
"Bakit ka pa nandito?!" Halos sigawan ko si Ashton nang nakita ko siyang nasa aking likod, sumusunod. Wala na ang kanyang t-shirt na suot kanina kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"I told you I'll go with you. That's why I am here." Wika niya.
"Kung gusto mong mag-swimming, mag-swimming kang mag-isa mo. Tang ina ka!" Hindi ko napigilan ang pagmumura. I don't know if it's just me, or there is really something different about him lately.
May nagbago sa kanya simula noong birthday ko. I mean, dati ay ni hindi niya ako sinusulyapan o kinakausap. Ni hindi niya rin ako iniimikan. Pero ngayon ay nandito siya, sumasama sa akin na para bang ang tagal na naming magkaibigan. To be honest, hindi ko naman talaga ginagawa ang lahat para itaboy siya. Kasi kung ginawa ko na ang lahat lahat, kanina pa siya wala. Baka nga ay hindi na siya sumama rito. Hindi ko ginawa ang todong pagtaboy dahil sa tingin ko ay masyado na iyong masama.

BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomanceMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.