02 : Ashton

114 8 0
                                    

Theme: Voodoo Doll by 5 Seconds of Summer

* * *

"Great!" Sarkastiko kong sinabi nang tuluyan nang ipinasok ni Jeremiah ang kanyang kotse kung saan lumiko ang tatlong nauna. "Let me go home, Jeremiah!"

"Too late. We're already here." Humalakhak pa ang linsiyak kong pinsan at pinatay na ang makina ng kanyang kotse.

"Well, I'm just gonna stay here 'cause I absolutely don't wanna be inside that mansion." Humalukipkip ako.

"Bahala ka. You'll die here, suffocating yourself." Nagkibit-balikat si Jem at naunang lumabas. Pinanood ko ang kanyang pagpasok sa double door nina Ashton.

"Oh, my god.." bulong ko sa aking sarili at tuluyan nang lumabas. Of course, I don't wanna die just because of that stupid creature!

"Why is she even here?!" Rinig kong tanong ni Ashton kay Jeremiah habang nag-uusap sila sa living room at ako naman ay papasok na.

"Bakit? May angal ka ba?" Maarte kong tugon at sumalampak sa kanilang maroon na couch, katabi si Carlisle. Hah, akala mo, ah.

"Oh, calm down, bro. It's just my beautiful cousin." Iling ni Jeremiah at ginulo ang buhok ni Ashton.

"Beautiful?" tinignan niya ako. "Whatever." Umirap siya at tumungo sa music room yata, kung saan sila magpa-practice.

I've been here. Maybe a couple of times because of my cousin, Jeremiah, who loves to annoy me. Ilang beses na ring nakapunta sina Celyne dito. This is actually my first time to be without my girl cousins. kapag ganito ay it's either katuwaan ng banda o magpa-practice sila. At ito ay practice.

"Let's go, Mads?" tumayo si Carlisle dahil pupunta na kami sa music room.

Umirap ako at tumayo na rin. Humahalakhak akong inakbayan ni Jette habang tumutungo kami nina Jem sa music room kung nasaan ang hinayupak na Ashton.

"You don't wanna be near Ash, huh?" Bulong ni Jette.

"Of course, Jette. Sino ba ang gustong lumapit sa kumag na iyon?" Tinignan ko siya na para bang ang bobo niya para itanong iyon.

Nakaakbay pa rin si Jette sa akin nang nasa music room na kami at dumapo ang masamang tingin ni Ashton sa amin, lalo na sa akin.

"Kung lalandi ka lang dito, mabuti pa at umalis ka na."

Anong nangyari sa unggoy na 'to? Kanina ay sobrang hangin tapos biglang magiging ganito? Bipolar nga naman. Or let's just say he's having his period.

"Hindi naman talaga ako pupunta rito kung hindi dahil sa pinsan ko. Pasalamat ka at wala akong ginagawang hindi maganda." hinawi ko ang braso ni Jette at umupo sa sofang naroon sa gilid.

"Salamat!" sumimangot siya. "Salamat ng marami, ah?"

"Tumigil nga kayo! Ang gulo niyo!" tawa ni Jeremiah at kinuha ang bass guitar na nasa gilid. Si Jette ay pumwesto na sa drums habang si Carlisle naman ay sa isa pang gitara.

Pinukpok ni Ashton ang mikropono, tinitignan kung maayos ba ito.

"Bobo, sinisira mo 'yan." bulong ko sa sarili kong napalakas yata.

"Pakialam mo ba?" Iritado niyang ibinaling ang tingin sa akin. "At 'wag kang umupo riyan na parang bang welcome ka rito. Sumusobra ka na."

I made a face. Inirapan ko siya at kinurot na lamang ang mga daliri ko dahil sa panggigigil na sabunutan at kurutin siya.

Nagsimula ang kalmadong pagtugtog ng bass guitar ni Jeremiah at sumunod ang mahinang pagtugtog sa drums ni Jette. Sa pagkalabit ni Carlisle sa gitara ay kumanta na si Ashton. Simula pa lang, alam ko na ang kantang ito. Alam na alam ko na.

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon