47 : New

51 2 0
                                    


"Look, you don't have to do this if it isn't what you want," sabi ni Gwen.

"Puwede namang hayaan mo si Ashton na suportahan ang anak ninyo, Mads. You don't have to do whatever he says," giit pa ni Sabrina.

Nagpatuloy ako sa pagsusuklay sa harap ng salamin habang tinatanaw ang kanilang mga nagmamakaawa at nag-aalalang mga mata. Tonight, both Ashton and I's parents will have their parley. Dahil Sabado, narito sina Sabrina sa amin at kaagad nila akong pinaulanan ng mga paalala dahil sa kanilang nalaman.

"I'm doing this for myself too, guys. Huwag kayong mag-alala. Ashton and I have discussed things between us—we still have to; and for now I'm certain to enter another phase with him."

"We'll know if he screw things up," may pagbabantang sambit ni Celyne. "Again."

Nang matapos sa pag-aayos ay tumayo ako at hinarap ang aking mga pinsan. The worried look on their faces was too much, I couldn't help but grin.

"I know I gave in immediately. Pero sigurado talaga ako sa gagawin ko. You don't have to worry too much, really," I voiced out as we all hugged each other.

"Ang rupok mo naman kasi masyado," Sabrina mumbled.

Pagkatapos ng ilang saglit ay bumaba na kaming apat, kasama si Jeremiah. Syempre ay hindi magpapahuli ang isang iyon lalo na't hindi pa siya ganoon kaayos sa naging desisyon ko.

"Masyado ka naman atang nagayuma ng tukmol na iyon," aniya, tinutukoy si Ashton.

Ngumiti na lamang ako at hinayaan si Sabrina na pitikin ang kanyang bibig. They started bickering, even when we were downstairs.

Ashton's family will be here by 7:00. Alas sais kuwarenta na at nandito ang mga magulang nina Sabrina, ayon na rin sa kagustuhan ni Daddy.

Habang naghihintay ay naupo kami sa living room. Naging tahimik na sina Sabrina at Jem dahil sa pagsaway sa kanila ni Tito Domenico. Mahigpit namang nakahawak si Gwen sa aking kamay, mukhang mas kabado pa siya kaysa sa akin. I actually feel quite nervous since Ashton mentioned his Dad wasn't pleased when he found about my pregnancy. This is also my first time to finally meet him—ngayon ko lang napagtanto iyon.

Sampung minuto bago mag-alas syete ay dumating na ang pamilya ni Ashton. Naging puno ng pormal na batian ang aming living room. Nang makalapit si Ashton sa akin ay kaagad na pinuntahan ni Gwen ang kanyang mga magulang. He placed his hand at the small of my back and guided me towards his parents.

"Good evening po," ngiti ko at hinalikan sa pisngi ang mommy ni Ashton. She was still elegant as ever, making me pray secretly for our baby to have her looks.

Nang binalingan ko ang ama ni Ashton ay nanatili ang kanyang seryosong ekspresyon, kahit noong pagkatapos kong halikan ang kanyang pisngi. Nahagip ng aking paningin ang nakahalukipkip na si Jeremiah. Inirapan niya si Ashton at parang tuta na sumunod sa kanyang mga magulang patungo sa hapagkainan.

"You okay?" Mahinang tanong ni Ashton habang pinapanood ang aming mga pamilya papunta sa dining room. Pareho naming hinihintay na mauna silang lahat.

I just nodded and gave him a smile.

The maids started serving dinner while we were formally quiet. Daddy sat on the edge of the table. Sa kanan naman niya ay si Mommy habang ako ay nasa kaliwang bahagi. Sa tabi naman ni Mommy ang iilan kong tito at tita, samantalang sina Jeremiah ang aking katabi. Ashton and his family were further, but I'm sure our families would still hear each other.

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon