Ashton never stopped trying to call me kahit noong pauwi na ako kaya wala akong ibang ginawa kundi ang hindi pansinin ang mga iyon. Maggagabi na nang makabalik kami sa Maynila at parang wala namang alam sina Perrie sa nangyayari kaya hindi na rin ako nagkuwento pa. Nag-aya silang magbarhop mamayang alas nuwebe at agad naman akong sumang-ayon.Like what I expected, naghihintay si Ashton sa akin sa labas ng aking unit. I ignored him like he wasn't there at all at aaminin kong nahirapan ako lalo na't nagsusumamo ang kanyang boses habang nagmamakaawang pakinggan ko siya.
I just tried to think that he looked really stupid and good at acting up upang mapigilan ang aking sariling sumuko sa pagmamatigas. When I closed the door, kaagad na tumakas ang mga luhang hindi ko alam na nagbabadya na pala. Fuck you, Maddison. I thought you wouldn't cry over it.
Kahit na pader at pinto lamang ang namamagitan sa amin ay tinadtad ako ng mensahe ni Ashton. I replied just to make him stop and go home.
Me:
Go home, please. I'm tired. Di mo ba alam yon?
Just act up when you see me crying over it. That would amuse me
Ashton:
I'm sorry. I just wanted to talk.
I'll wait here.
Just hear me out. I understand you don't want to talk to me. I just need you to listen. Please.
Please trust me.
Dahil doon ay mas lalo lamang akong naiyak. I never thought of crying dahil galit na galit ako ngunit nang makita ko siya kanina ay halos mabuwal ako sa aking kinatatayuan. Mabuti na lang talaga at hindi ko na siya tiningnan pa ulit.
I rushed into my room and looked for something to wear, tumutulo pa rin ang mga luha. I haven't heard from Myrr Lonada for a long time. Sa paraang ito pa talaga. Siguro ang saya niya na ngayon dahil kanyang-kanya na si Ashton. Too bad he just technically cheated on her. Baka magalit pa siya ulit sa akin.
Nang makuha ang isang kulay pulang damit mula sa aking closet ay dumiretso ako sa banyo upang mahimasmasan. My cousins and even Carlisle and Jette tried to call me but I was too occupied to attend to their calls. Habang pinapatuyo ang aking buhok ay umilaw ang cellphone ko dahil sa mensahe ni Jeremiah. Pinindot ko ito upang buksan.
Jeremiah:
Heard what happened. Tell me where and when to smash that son of a bitch's face, I'll be there ASAP. No kidding, Mads. I'll always be your bro
Pinatay ko ang blow-dryer at napahilig sa sink habang nagtitipa ng reply kay Jeremiah.
Me:
No need, Jem. Thanks anyway. I'm fine haha I'm the least of your worries
Matibay na kaya to haha
After sending my message, nagpatuloy ako sa paglalagay ng lipstick at kaunting kolorete sa mukha. My eyes were a bit swollen at naglagay na lamang ako ng manipis na eye shadow. I was done by 8:30 and I grabbed my purse to leave. Baka ay nasa labas pa si Ashton kaya pinadalhan ko muna siya ng mensahe.
Me:
Still outside?
Mabilis siyang nagreply.
Ashton:
Yes. Is there anything you need?
Me:

BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomansaMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.