13 : Chill

99 5 0
                                    


Sa umagang ito ay nauna akong nagising sa aking mga pinsan. They were still fast asleep when I left. Bibili ako ng regalo para kay Carlisle. I still don't know what to buy but I'm pretty sure I'll find something valuable.

Nilingon ko ang villa nina Jeremiah at nakitang wala pang tao sa labas. Syempre ay alas singko pa lamang ng umaga.

Niyakap ko ang aking sarili dahil sa naramdamang lamig. Nanuot sa aking balat ang simoy ng hangin at nakaramdam muli ako ng antok. Masarap pang matulog sa mga ganitong oras. Umorder ako ng isang hot choco bago dumiretso sa pinagbilhan namin ni Ashton kagabi. Pagkatapos ang ilang minutong paghahanap at pagbili ay napagpasyahan ko munang manatili sa labas. Inilapag ko ang aking binili sa katabing high chair ng aking inuupuan. Pinanood ko ang mga taong naglalakad sa buhanginan at sinubukan silang bilangin ngunit tinamad na ako. It's still early in the morning. I don't expect my cousins to be awake during this time lalo na at nag-inuman ang mga iyon kagabi.

Kagigising lang ni Sabrina nang nakabalik ako sa aming villa.

"Good morning!" Nakangiti ko siyang binati ngunit nanlaki lamang ang kanyang nga mata at dumiretso sa banyo. Hinagod ko ang kanyang likod habang sumusuka siya.

"Shit! Ayaw ko talaga ang nagsusuka!" Bayolente niyang hinilamusan ang kanyang mukha pagkatapos maisuka ang mga kinain kagabi.

"What happened ba? I heard Marcus called you..."

Agad nag-iba ang kanyang ekspresyon nang mabanggit ko ang pangalan ni Marcus, "Well, he just called me and asked for me again to be back. Kesyo, mahal niya daw ako. And you know what's the most hilarious part? Tinanong niya ako kung mahal ko pa ba raw siya!"

Kumunot ang aking noo dahil wala akong naintindihan. "Bakit ka naman uminom ng sobra kung ganoon?"

"Trip ko lang. I don't know," kibit-balikat niya at nagpahid ng mukha sa tuwalya.

Hindi ako naniwala sa kanyang sinabi ngunit pinalagpas ko iyon. I guess she doesn't wanna talk about it, huh? Tinitigan niya ako. Hinawi niya ang aking buhok at inilagay iyon sa kanang balikat ko.

She tilted her head, "I really think Ashton likes you."

Umiling lamang ako at hinila na siya palabas. Well, siguro ay may parte sa aking iniisip din iyon. Ngunit dapat ay hindi ako umasa. Malay mo ay nagiging friendly nga lang siya. Pero friendly pa ba 'yong hahalikan ka? It's just so confusing.

Ilang minuto ang lumipas bago magising ang dalawa pa naming pinsan. Kahit na hindi pa namin alam kung gising na ang boys ay kanya-kanya na kami ng ayos. Nang natapos ay lumabas na kami. The boys were already outside.

"Happy, happy birthday, Lyle!" Nagawa pang yakapin ni Gwen si Carlisle ngunit agad siyang hiniwalay ni Jeremiah mula sa kaibigan.

Binati namin si Carlisle. Mamaya ko pa ibibigay iyong gift ko. Naglakad kami patungo sa isang restaurant para magbreakfast. Treat ni Carlisle ngayon kaya umorder na kami ng marami-rami. Sa table ay sinigurado kong malayo ako kay Ashton. You know that feeling? Iyong gusto mong malayo siya pero gusto mong palagi siyang kasama. At pakiramdam ko ay alam nilang lahat na naghalikan kami kahit na hindi naman.

"Sino nga kasi iyong first kiss mo?" Tanong ni Ashton habang kumakain kami. Nasamid ako habang kumakain kaya napainom ako ng tubig. Shit! Akala ko ay ako iyong tinatanong niya!

"Shanene Fien Fuentes Talavera." Sabay na pagsagot ni Carlisle, Jette at Jeremiah sa tanong ni Ashton.

"You okay?" Hinagod ni Gwen ang likod ko. Tumango naman ako.

"I still remember it clearly. Noong tinulak si Shanene ng pinsan niyang si Jack. And then, boom, her lips landed on Carlisle's!" Tawa ni Jeremiah. He probably thinks it is funny. Hindi masaya ang mawalan ng first kiss lalo na kapag hindi sinasadya.

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon