Theme: Moments by One Direction
* * *
Pagkatapos kumain ay nagswimming kami maliban kay Celyne. Naiwan siya sa restaurant upang bantayan ang aming mga cellphone at iba pang gamit.
Pinakiramdaman ko ang ulan na pumapatak sa aking mukha habang nagpapalutang. Hindi ko mapigilang mag-isip. I'm really confused about what's the score between Ashton and I. Hindi ko alam kung magkaibigan kami o higit pa. But isn't it too fast? Siguro ay parehas kami ng nararamdaman. Mutual understanding kumbaga. I really don't know.
Hindi ba't masyadong mabilis ang lahat? Parang kailan lang ay isinusumpa namin ang isa't-isa tapos ngayon ay halos kami palagi ang magkasama dahil buntot siya ng buntot sa akin. At dahil sa ginagawa niya ay hindi ko na namamalayang pati rin ako ay nahuhulog na. Dati ay sinasabi kong 'wag gustuhin ang mga kaaway. Pero ngayon, heto ako at sinusuway ang sariling batas na itinayo ko para sa aking sarili. I just broke the walls I've built for me and my worst enemy. Pero aminin ko man o hindi ay masaya ako kapag kasama ko siya.
Tumayo ako at pinuntahan sina Jeremiah na kanina pang pinaglalaruan ang tubig. Malakas pa rin ang ulan ngunit ang hangin ay hindi na gaano kaya ganoon din ang alon.
Ito ang huling gabi namin sa Boracay. Bukas ay bibiyahe na kami pauwi at maghahanda na para sa pasukan.
Hinawi ko ang aking buhok habang pinapanood si Carlisle na binubuksan ang aking regalo para sa kanya. Ngumiti siya ng malapad at nag-angat sa akin ng tingin. I only bought a shirt, slippers, and keychain for him. Iyong t-shirt ay nag-iisa na lang sa lahat ng mga designs na binebenta kanina kaya napamahal. Naghanap din ako ng tsinelas na may kalidad. Well, some of you may find my gift ridiculous. Pero wala naman iyon sa quality.
"Thank you, Mads!" Ngiti ni Carlisle.
"You're welcome," ngumiti ako sa kanya pabalik.
Ibinulsa ko ang aking mga kamay habang umuupo sa dulo ng kama nila kung saan nakahiga si Jeremiah. Katatapos lang naming kumain at mamaya ay pupunta kami roon sa isang resto dahil pwede raw mag-perform ang mga gustong kumanta o tumugtog. Eventually, Third of Thirds wants to grab the opportunity kaya doon kami mamaya.
Ngumuso ako nang nagtagpo ang paningin namin ni Ashton. Nakaupo lamang siya sa silya ng kwarto at pinapanood akong kausap si Carlisle.
"Hindi na ganyan ang ibibigay ko sa kanya next year, don't worry!" Natatawa kong binatukan si Jeremiah nang pinuna ang regalo kong dito ko lang nabili.
Nasulyapan ko ang pag-irap ni Ashton. What's his problem?
"Bahala ka diyan," Nginiwian ako ni Jeremiah. Inilagay niya sa ulo ang dalawang kamay at prenteng humiga. Inabot niya ang kanyang cellphone nang umilaw ito.
"Labas na tayo," pinatay niya ang tv. Bumangon siya at isinuot ang kulay pulang polo shirt.
Pagkalabas ng villa nina Jeremiah ay itinaas ko ang hood ng aking suot. Nilalamig ako. Hindi naman siguro halata sa suot kong pajama at hoodie.
"Pakidala..." Iniabot ni Celyne sa akin ang video cam ni Sabrina at muling bumalik sa loob. Nakalimutan kasi ang cellphone.
Nang handa na kaming lahat para umalis ay tinungo na namin ang resto. Kasalukuyan pang tumutugtog ang isang bandang may vocalist na babae. The girl was singing a familiar song.
Umupo kami sa isang table at umorder ng inumin. Pumangalumbaba ako habang palihim na tinitingnan si Ashton. He was busy typing in his phone. Nang nag-angat ng tingin ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking phone. Dammit.
Ashton:
You okay? Inaantok ka na yata.
Tumango ako sa waiter habang inilalagay nito ang isang baso ng mango shake sa aking harap bago ako magtipa ng reply.
![](https://img.wattpad.com/cover/32537053-288-k704552.jpg)
BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomanceMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.