Maybe some things aren't just meant for me and Ashton. Sabagay, mga bata pa naman kami. And maybe what I am feeling right now will be gone after a few days. Baka nga ay wala naman talaga akong nararamdaman para sa kanya at nadala lang ako sa kanyang mga laro.Mahina ako napamura habang naglalakad patungo sa bahay. Hindi ko alam kung para saan iyon. Umiling ako sa aking sarili. I should stop thinking about him. I should really stop thinking about everything that happened between Ashton and I because obviously, wala lang iyon sa kanya. Kung may kung anuman iyon para sa kanya, he would not end it just like this and he would not break me this way.
Panay ang sulyap ko sa aking cellphone. Kung hindi ito natapos ngayon ay baka mamaya pa ako makakauwi. Pero tapos na, eh. Wala na.
"Hey, dad," hinalikan ko si Daddy sa pisngi. Nanonood siya ng isang reality show at may kape sa kanyang harapan.
"Do you want to eat? May pagkain na sa mesa. Katatapos ko lang," aniya.
"Kumain na po ako," I lied.
"Malapit na ang mommy mo," he said. Tumango ako at sinabing nagtext din sa akin si mommy. Pagkatapos non ay umakyat na ako sa aking kwarto at nagtago sa ilalim ng kumot.
I wanna cry. Alam kong walang katuturan kung iiyak lang ako pero ito ang gusto kong gawin. Ang iiyak ang lahat dahil sa pag-asang pagkatapos kong ibuhos lahat ng sakit ay mawawala na ito. But things do not turn out just like that. Bago mawala lahat ng sakit, kailangan mo munang maranasan ito.
Tumayo ako at dumiretso sa walk-in closet. Kinuha ko ang binigay niyang damit sa akin at inilapag iyon sa aking kama. Should I give it back or what? Or should I try selling it?
Ganoon naman 'di ba? Moving on means forgetting. And forgetting means welcoming new ones.
All my life, hindi pa ako nagkagusto sa isang lalake maliban kay Ashton at Grae. Iba ang pagkakagusto ko sa kanilang dalawa. My admiration for Grae was childish and puppy love. The one for Ashton is different. I liked him too much that I let him do everything he wants with me.
Naka ilang type at bura ako bago ilapag ang aking cellphone. Gustong-gusto kong itext si Ashton. Gusto kong sabihin na sana totoo na lang lahat ng iyon. But I know na wala na akong mapapala kaya hindi ko na itinuloy.
"Lamya mo, broken lang ang peg?" Tanong sa akin ni Sabrina. Pasukan na ulit. Christmas and New Year's Day passed by just like that. Nagkabalikan din si Sabrina at Marcus the day after Ashton 'dumped' me.
"Ashton kasi, nang-iwan," nagpout pa si Jeremiah. He looked at me and I stared back at him.
"Babalik din 'yon. Mahal ka non," ngisi ni Jette. Inirapan ko lang siya.
Move on ba kamo? Pano ko iyon magagawa kung puro pagpapaalala ang ginagawa nila.
"It's just too odd. I mean, umalis lang siya hindi na nagtetext? Tss." Si Sabrina.
Napalingon sa akin si Gwen. Of course she knows what happened. Siya ang unang sinabihan ko. Gusto ko rin sanang sabihin kina Celyne at sa banda pero hindi ko na ginawa dahil magiging masama ang tingin nila kay Ashton. And maybe Jeremiah would even punch him straight in the face.
Wala nang gaanong nangyari pagkatapos non. Normal lang kaming magkakasama pero alam mong may kulang. Sa sobrang pangungulila kuno nina Carlisle ay nakipag-Skype sila kay Ashton.
"Aga mo kasing umalis para mag-college," ani Jeremiah.
"Magkikita pa naman tayo bago ako tumuloy sa US. Papatapusin lang ako ng high school dito sa Maynila para mas madali, sabi ni dad. And he is showing me how to handle the company. Kapagod."

BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomanceMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.