"Hindi mo ba talaga buburahin iyong post mo sa timeline ko?" Iritado kong sambit habang matalim siyang tinititigan. Nakakunot na ang kanyang noo at halos pumutok na ang kanyang mga ugat."Hindi nga, ang kulit!" Halos sigawan niya ako. Kung hindi lang ako nakasakay sa kanyang kotse ay kanina ko pa pinagdasal na sana ay maaksidente siya. Pero hindi, eh. Hindi ko iyon gagawin dahil kapag ganon ay madadamay ako.
"Linsyak kasi si Jeremiah. Hinayupak ka!" Inirapan ko na lamang siya. Okay, I give up. Kagaya nga ng sinabi ko ay makakalimutan din naman siguro iyon ng mga tao. Makakalimutan nila ang post ni Ashton sa aking timeline.
"I already told you, I won't take orders from you!" Aniya. Ngumiwi ako at nilingon siya.
"Sinabi mo na 'yan sa akin. So, will you just shut up? I'm trying to calm down here." Nanliit ang mga mata ko bago binalingan ang entrance ng aming subdivision na papalapit.
Napabuntong-hininga na lamang siya pagkatapos non. Nanahimik na lang din ako habang pinapasadahan ng tingin ang mga bahay na nadadaanan namin hanggang sa papalapit na kami sa amin.
"Bumaba ka na." Malamig niyang saad nang nasa tapat na kami ng aming gate.
"Bababa naman talaga ako." Umiling ako habang kinakalas ang seatbelt. Sinubukan kong buksan ang pintuan pero hindi ko alam kung bakit. Paano ba? Ang gara naman kasi nito kaya medyo ignorante pa ako.
"Maddison, naka-lock 'yan."
Nilingon ko siya. Ang parehong kamay ay nakahawak sa manibela at wala siyang ekspresyon na ipinapakita. Diretso ang tingin niya sa harap. Para siyang estatwa. Ang sarap niyang isemento sa kinauupuan niya para hindi na siya makagalaw pa.
Napansin niya ang titig ko kaya nilingon niya ako at siya na mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin, mula rito sa loob.
"You can go." Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. Nakahawak ang kanyang kaliwang kamay sa dashboard habang ang kanan naman ay sa likod ng upuan ko. Ayan na naman ang pabango niyang sa sobrang bango ay nakalimutan kong kaaway ko siya. At ang mga kaaway ay hindi kinakaibigan, kundi pinapatay.
"Lumayo ka naman, pwede ba?" Tinulak ko siya. Sumalampak ang kanyang likod sa driver's seat. "My god!"
Napairap ako at ambang lalabas na sa kanyang kotse nang narinig ko ang halakhak niya. Nilingon ko siya at tinitigan. I gave him the "nababaliw-ka-na-bang-putang-ina-ka" look.
Nginitian niya ako ng malapad at itinaboy na palabas. Kung makataboy ang isang ito ay parang gusto kong manatili sa loob ng kotse niya, ah? Pairap akong lumabas dahil sa kagaguhan niya.
Papalubog na ang araw at kulay orange na ang langit. Hindi naman madalas na orange ang kulay ng kalangitan dito sa Tarlac ngunit mas gusto ko pa rin ang orange dahil nakaka-relax ito. Masarap sa mata at mas madarama mo ang paglubog ng araw.
"Thanks for the ride." Sabi ko at isinampal na ang pinto pabalik sa kinaroroonan nito. Dapat nga ay sa mukha niya isasampal, eh.
Agad akong pumasok patungo sa aming gate at nakita ko si daddy na nakaupo sa balcony ng kanilang kwarto ni mommy. Sumisimsim ito ng kape at nakadungaw sa akin. Kumaway ako at kumaway naman ito pabalik. Posibleng nakita niyang may naghatid sa akin ngunit hindi niya naman ito makilala dahil ni hindi man lang bumaba si Ashton. I don't mind, though. 'Cause I don't care.
Dumiretso ako sa kwarto ng mommy at daddy para magmano. Hindi ko nakita si mommy sa kahit aling sulok ng kwarto at napagtanto ko namang nasa banyo ito dahil sa tsinelas na nasa tapat ng pintuan ng kanilang banyo.
"Sino 'yong naghatid sa iyo?" Tanong ni daddy nang binitiwan ko ang kanyang kamay pagkatapos magmano.
"Si... Ashton po, dad. Sinundo kasi ni Jeremiah at Gwen si manang sa terminal." Sagot ko. Nakita ko sa round table na nasa harap ang brochure ng isang kilalang five-star hotel sa Singapore. Siguro ay doon kami mananatili kapag naroon na.
BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomanceMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.