I spent the whole day inside my room. Hindi ko pinaunlakan ang mga katok at pagtawag nina Celyne sa akin. I just laid on my bed and cried myself to sleep.Kinabukasan ay walang nagsalita ni isa sa amin. Maging si Raiden ay tahimik din lamang.
Jeremiah didn't apologize. I guess he wanted to ngunit natatakot lamang siya. Mukha na rin siyang kalmado ngunit hindi talaga mawala ang awkwardness kaya nananahimik na lamang kaming lahat.
Nalulungkot ako dahil kahit kailan ay hindi pa kami nagkaganitong lahat. This is all my fault.
We spent the remaining days in silence while in Palawan. Hindi na natuloy ang mga supposed trips namin at hanggang sa pauwi kami ay rinig ko ang mga patama ni Sabrina para kay Jeremiah at ang kanyang mga reklamo.
"I could've flirted with my boss the whole summer kung ganito lang ang nangyari," aniya habang pasakay kami sa eroplano. "People now are just really selfish!"
I feel bad for spending that kind of summer with my cousins. Sinisisi ko ang aking sarili dahil kung sinabi ko ang nangyari sa amin dati ni Ashton ay hindi aabot sa ganito.
I was still silent even at home. Natanong din ni mommy ang aming trip at kung bakit hindi kamo pumasyal sa resort ni Tita Yda. Sinabi ko lamang na nag-enjoy na kami sa view ng rest house at sa dagat nito kaya hindi na namin kinailangan iyon.
I replied to Criton Fuentes' texts. Ang mga mensahe naman nina Gwen na nangangamusta ay tinugunan ko rin. I still didn't want to talk about what happened, though.
Criton:
I didn't know you were away. Nagjojogging ako araw-araw para sana makita ka. :)
He kept me entertained for the following days. Tuwing hapon ay nagjo-jogging kami. Madalas niya rin akong inaayang lumabas ngunit hindi ko pinapaunlakan.
"Ayaw mo ata akong kasama, e..." natatawa niyang sinabi habang nagjo-jogging. "Am I too lame?"
"It's not like that," I chuckled. Tumigil ako sa pagtakbo at ganoon din ang ginawa niya. Inayos ko ang pagkakatali ng aking sintas.
"It seems like that to me," pinilig niya ang kanyang ulo habang dinudungaw ako ng nakapamewang.
"Ewan ko sa'yo..." iling ko at pinapatuloy ang jogging.
He even offered me a job under their company. Hindi ko rin iyon tinanggap dahil nga doon ako kina Jiana. Nagi-guilty rin ako sa kakatanggi sa kanya ngunit wala rin akong magagawa.
Days passed by quickly. Sa ikalawang linggo ng Hunyo ay bumalik na ako sa Maynila.
"We'll visit you some time, okay? Mag-ingat ka roon," ngiti ni daddy sabay halik sa aking noo. I hugged mom and dad and bid my goodbye.
Tumuloy ako sa aking bagong condo. The condo I used to share with my cousins is still used by them. Napagpasyahan kong bumukod para mas maging independent. Mommy agreed ngunit si Dad ay kailangan pang pilitin.
"Daddy, this is Maddison San Veda. Iyong sinasabi ko sa iyo..." ani Jiana. We are inside his dad's office. A wood-carved label was on his large table. It says Honoraro S. Enriquez IV. Chief Executive Officer.
"Good morning po, Sir," I smiled and bowed a bit. I did my best not to say or look stupid because of my nervousness.
"Good morning, Ms. San Veda. You're going to work with some of my engineers and architect. Nabigyan na kita ng team," he smiled. The wrinkles on his face were already obvious. Makapal din ang kanyang reading glasses at ang gintong relo ang kumumpleto sa kanyang itsura.
![](https://img.wattpad.com/cover/32537053-288-k704552.jpg)
BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomansaMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.