33 : Drive Home

84 3 0
                                    


"Ano? Magboboyfriend ka na ata!" Halakhak ni Tony nang makalapit ako sa kanila. Kaunti pa lamang ang tao dahil kabubukas pa ng Prive.

I promised to stay with them all night, probably midnight, kaya wala akong magagawa kundi ang pilitin ang aking sariling gustuhin ang ambiance ng club. One night, Maddison. Kunwari ay mahilig ka sa mga ganito.

"Inggit talaga ako sa katawan nito!" Abigail pouted. I grinned at her.

My red body hugging dress literally hugged my body. Ang kapit nito sa bawat kurba ng aking katawan ay tamang-tama.

"Mamaya 'pag marami na..." ani Perrie habang nginunguso ang dance floor. "...sayaw na tayo! Walang killjoy!"

We all agreed to that. Even I agreed. Siguro ay iinom ako ng medyo marami upang maging mas komportable. And the last time I tried to dance, I felt really good.

"Pupunta ako sa Bataan within next week," ani Engineer Ortega at nilagok ang isang shot ng Bacardi. "Some of you should come with me upang mas matutukan natin iyon. The rest, deal with the office works."

"Hindi ba pwedeng sumama na lang kaming lahat, Engineer?" Pabirong tanong ni Queenie.

Ngumisi lamang si Engineer Ortega at umiling. People started to flock on the dancefloor at tila nagco-count down na sina Perrie upang magsimula na kaming maghilahan patungo roon.

"Lagot ako nito sa girlfriend ko. Marami pa namang babae," sabi ni Michael. He took a sip from his shot glass. Maagap siyang umiling.

"Paiwan ka na lang dito," halakhak ko.

"Siguro nga," he wrinkled his nose. "Mabugbog pa ako non pag nagkataon."

When Perrie and the rest shrieked, I stood straight. Hinila na nila ako palayo sa aming upuan at sabay-sabay naming dinumog ang dagat ng mga taong sumasayaw sa ritmo ng kanta. Sumabay ako sa kanilang sayaw at nang tila malula sa mga ilaw ay pumikit ako. I lifted my arms and moved my hips while feeling the music. Nararamdaman kong nagkakahiwa-hiwalay na kami nina Perrie ngunit hindi ko na iyon inisip. Nang iminulat ko ang aking mga mata, napagtanto kong tama mga ako. I was already with a group of some people I don't know. Nagpatuloy lamang ako sa pagsayaw. Nakita ko pa ang isa sa aking mga naging kaklase noong college at kaunting kamustahan lamang ay may humila na rin sa kanya.

"Maddison!" It was Tony's voice. Luminga ako upang hanapin siya. Sinenyas niyang magbabanyo muna siya at agad akong tumango.

I continued dancing the the rhythm of the music. Naramdaman kong may sumasayaw sa aking likuran at umusog ako upang medyo malayo sa kung sino man iyon.

When I got exhausted, I went back to our spot. Wala roon si Engineer Ortega, Tony, Perrie, at Queenie. Julianna was drinking while Abigail was eating. Si Michael naman ay abala sa kanyang telepono, katext siguro ang kanyang girlfriend.

Nag-usap kami nina Julianna at sumabay ako sa kanyang pag-inom. The warmth and spice of the liquor trailed my throat. Ang init ay tumigil sa aking tiyan at agad ko iyong sinundan ng isa pang lagok.

Habang lumalalim ang gabi, mas lalong lumalakas ang musika at ang mga katawang umiindayog sa dance floor at mas dumami. The lights danced untidily in the whole place. Bumalik na sina Tony sa aming pwesto at mukhang nag-enjoy sila ng husto.

After another hour, napagpasyahan na naming umuwi. Nalasing si Julianna kaya nagpresinta si Engineer Ortega na ihatid ito. I can still manage to drive. Nagpaalam na kaming lahat sa isa't-isa.

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon