Sa sumunod na araw ay ganon lagi ang aking gawain gabi-gabi. Sa Lunes pa naman ipapasa ito pero Biyernes pa lang ay tatapusin ko na para makapagpahinga na ako sa weekend at syempre ay magsha-shopping pa kami ni mommy para sa Boracay. You know, food, beach dresses, swim suits and all.Habang pinapapak ko ang banana chips na nasa aking harap ay biglang tumayo si Jeremiah. Pinanood ko kung paano siya lumapit sa basurahan at itinapon ang bote ng C2.
"Mga 4:30 a.m. ay tutulak na tayong pa-Manila." Ani Celyne at tumango-tango pa.
"Bakit Manila?" Tanong ko at ngumuso.
"Nandoon daw kasi yung private jet nina Ash." Sagot niya at kumuha ng isang piraso ng banana chip.
Tumango ako at binalingan ng tingin si Jeremiah na kakaupo lang. Tumayo ulit siya at nagkagat-labi bago ngumisi.
"Bibili lang ako ng baked mac." Aniya.
"Takaw mo, ah. Naglilihi ka, brad?" Hagikhik ni Jette sa tabi ko. Tumawa si Carlisle habang ngumisi lang si Ashton at nagtaas ng kilay.
"Tss. Hindi lang ako kumain ng breakfast." Irap ni Jeremiah bago kami tinalikuran para sa kanyang bibilhing baked mac.
"'Di siya kumain ng breakfast, Gwen?" Tanong ni Carlisle kay Gwen. Syempre, si Gwen ang tatanungin dahil kapatid niya ito. Araw-araw na nakakasalamuha sa bahay.
"Kumain siya kanina. Nagpaluto pa nga ng heavy breakfast kay mommy, eh." Wika ni Gwen at ngumisi pa.
Hindi ko alam kung bakit hindi tumataba si Jeremiah kahit na kain naman ito ng kain. Siguro ay nagji-gym siya? I don't know.
"CR lang ako." Mabilis na sinabi ni Sabrina at agad na tumayo bago tumakbo patungo sa CR. Kumunot pa ang noo ko dahil sa inasta niya ngunit nang dumaan ang ex niyang si Marcus Bautista sa tapat ng table namin ay napagtanto ko na kung bakit.
"Alam mo kung nasaan si Sabrina?" Tanong niya sa katabi kong si Gwen. Nasulyapan ko ang pag-irap ni Celyne at itinaas niya ang kanyang dalawang kilay.
"Oo. Pero wala akong balak na sabihin sa'yo." Sabay irap ni Gwen. Dati ay nginingitian niya pa si Marcus pero ngayon ay hindi na. Syempre, sino ba naman ang may gustong ngumiti sa taong sinaktan ang pinsan mo?
Tinitigan ko si Marcus at nagpa-cute pa siya kay Gwen. Tang inang malandi. Fuck you po!
Biglang dumating si Jeremiah at "aksidente" niyang naitapon ang baked mac sa damit ni Marcus. I bet he did it on purpose.
"Oh, I'm so, so sorry." Ngumisi siya at ipinahid ang plato sa braso ng nakatiim-bagang na si Marcus. "Really, dude. I'm very sorry."
Umiling na lamang si Marcus at hindi na umimik pa bago tumulak patungo kung saan. Narinig ko ang mahinang halakhak ni Gwen habang pinapanood namin ang badtrip na si Marcus. Buti nga sa kanya.
"Hindi dapat ginagago ang mga pinsan ko." Tawa ni Jeremiah at patalon na umupo. Tila ba tuwang-tuwa siya sa kahibangang ginawa niya sa ex ni Sabrina.
"That was mean, you know." Tumatawang komento ni Celyne.
"Serves him right." Sabi ko naman. I know it was mean but I think he deserved it.
Ilang sandali pa kaming nagtawanan hanggang sa bumalik na si Sabrina. Lumilinga-linga pa ito habang umuupo sa tabi ni Ashton.
"Wala na siya. Pinaligo ko ng pagkain." Humalakhak ang linsiyak na si Jeremiah.
Hindi pinansin ni Sabrina si Jeremiah. Umirap lamang ito at sumimangot. Umalis ulit si Jem para bumili ng panibagong baked mac. Iyan kasi, tinapon-tapon pa kunwari tapos bibili naman pala ulit. Nagsimula na namang mag-ingay ang mga kasama ko. Habang tumatawa kami dahil sa kwento ni Jette ay biglang may kumalabit sa akin. Nilingon ko ito habang nakangisi.
BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomansMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.