45 : Sure

40 2 0
                                    


Dad remained calm while we spoke about the situation but I could tell he didn't want to talk concerning my child's father. Hindi ko na rin sinubukan pang buksan ang paksang iyon dahil wala namang magbabago. Wala pa rin naman si Ashton at hindi niya naman alam ang nangyayari.

As what my father had said, pinakuha na niya ang mga gamit ko sa condo. I requested to have some of my stuffs left dahil uuwi pa naman ako roon. Patungkol naman sa aking resignation, hindi ko na alam kung paano nagawa ni Daddy iyon. Basta ang alam ko ay kahit na hindi ako gaanong nagtagal sa kompanya ay hindi naging mahirap ang proseso. Maybe Dad did everything he could.

Panay ang pagmemessage nina Perrie sa akin sa group chat at kahit sa personal naming mga chatbox. I apologized to Jianna, too, since hindi ako nagtagal sa kompanya nila. Sabi niya naman na ayos lang iyon at sa susunod ay bibisitahin niya ako rito.

"Do you prefer any fruit or any kind of food for dinner?" Tanong ni Mommy habang magkatabi kami sa living room, nanonood ng palabas.

Umiling lamang ako at ngumiti. We've been almost inseparable since I told them about my pregnancy. Inaaya niya pa nga akong mamili ng damit sa mga susunod na araw at kaagad ko namang tinanggap ang kanyang mga alok. Who was I to say no.

Jeremiah came by almost everyday, too. Gwen, Celyne, and Sabrina visited me while they were in Tarlac hanggang sa bumalik na sila sa Maynila. My aunts and uncles rejoiced upon knowing about my pregnancy. Kagaya nina Mommy and Daddy ay nagulat sila noong una ngunit hindi rin nagpakita ng kahit na anong bahid ng disappointment o anumang negatibo.

"Gale, puwede kang umuwi nang maaga ngayon. Wala na rin akong masyadong gagawin pagkatapos nito," sambit ko habang patuloy na pinipirmahan ang iilang paperworks.

"Wala na po ba kayong ipapagawa sa akin?" She asked.

Nag-angat ako ng tingin at ngumiti. She fixed her glasses and skirt before smiling back at me. Ilang linggo ko na rin siyang sekretarya pero mukhang nahihiya pa rin siya sa akin. Hindi ko alam kung may masama ba akong ginawa o mukha akong mataray.

"Just be early again tomorrow. Thank you..."

"Thank you, Ma'am," aniya at nagpaalam na bago tuluyang umalis.

Bukod sa pagreview at pagpirma sa iilang papeles ay wala na akong ibang ginagawa sa aming kompanya. Hindi kagaya noong interior designer ako, nananatili lang ako ngayon sa opisina at hindi palibot-libot sa buong floor. Si Gale lang din ang nakakausap ko pero madalas ay tahimik siya at mukhang nahihiya.

After signing the last paper for today, I stretched my fingers and turned my swivel chair to face the city road. Papalubog na ang araw at mamaya-maya'y uuwi na rin ako. I closed my eyes and placed my palm against my tummy.

I haven't been thinking about Ashton for the past few days pero sa tuwing naiisip ko siya ay halos hindi ko na alam kung paano ito tigilan. Isang buwan ko na rin ata siyang hindi nakikita at sa tingin ko'y mas mabuti na ang ganito. I can't have him back just because I'm carrying his child.

Habang nagmumuni-muni ay biglang tumunog ang aking cellphone na nasa mesa kaya muli kong inikot ang aking upuan bago ito kunin. Nakarehistro ang pangalan ni Jette at mabilis ko itong sinagot.

"M-Maddison?" He uttered as soon as I answered.

"Kailangan mo?" Sabi ko naman habang hinahaplos ang aking tiyan gamit ang isa pang kamay.

He didn't respond. Mukhang may kinakausap siyang iba dahil naririnig ko ang kanyang boses sa background. If I'm not mistaken, he's still at work. Siguro ay katrabaho niya iyong kausap niya.

"Ilang buwan na kasi 'yang tiyan mo?" Mabilis niyang tanong.

"Mga dalawa. Bakit?"

"Hmm, just curious," he sighed and chuckled. "Ninong ako, ah. Bye!"

"Syempre. Bye," I chuckled too, still caressing my stomach.

When Jette ended the call, naghanda na ako para makababa at makaalis. Agad na tumayo ang aking driver nang makita ako at bumati ang iilang empleyado namin na mukhang pauwi na rin. Hindi na ako nakapagdrive mula noong nalaman nina Daddy na buntis ako. Paminsan-minsan ay pinipilit ko ang driver na ako na ang magmaneho ngunit hindi talaga siya pumapayag. I guess it's just one of Dad's orders.

"Diretso uwi na po kayo, Ma'am?" Tanong ni Kuya Larry habang binubuhay ang makina.

"Opo, Kuya," tango ko habang inaayos ang aking seat belt.

Habang binabagtas ang daan pauwi ay hindi ko mapigilang antukin, lalo na sa mga pinapatugtog ni Kuya Larry sa sasakyan. My eyelids were too heavy that I didn't notice I fell asleep. Nagising na lamang ako nang papasok na sa aming gate. Inilayo ko ang aking sarili sa bintana upang pigilan pa ang nagbabadyang antok.

Our maids greeted me as I entered. Ang sabi ng isa sa kanila, magluluto na raw sila ng dinner. I volunteered to help and they didn't decline my offer, thankfully. Akala ko kasi ay ibinilin din ni Dad sa kanilang huwag akong pagalawin masyado sa bahay.

"Ayos lang po kayo riyan, Ma'am? Kung gusto niyo po, ako na lang..."

Umiling ako kay Perla at ngumiti. I continued mincing the onions hanggang sa maging kasinliit na ito ng kinakailangan. Habang nagluluto kami sa kusina ay pinag-usapan namin ang iilang mga bagay. Ate Helga, one of the oldest, gave me an advice about taking care of my baby. Nagkuwento rin siya ng iilang karanasan noong kabataan niya. It was all enough to keep me sane and happy at home. Kung wala sina Mommy at Daddy ay mayroon akong nakakausap at nakakasama.

Pagkatapos naming magluto ng para sa hapunan ay dumiretso ako sa hardin kung saan didiligan na ang mga halaman. I gently sat on the hammock, starting to enjoy the view of the damp green shrubs and the setting sun. Ipinatong ko ang aking palad sa aking tiyan na nagsisimula nang lumaki. Pinanood ko rin ang iilang tutubing nagliliparan, marahil ay iniiwasang mabasa dahil sa pagdidilig.

"May gusto po ba kayong kainin, Ma'am?" Tanong sa akin ng isa sa aming mga kasambahay.

"Wala naman po. I'll just wait for Mom and Dad to come home," ngiti ko.

Tumango naman siya at nagpatuloy sa ginagawa.

Habang pinapakinggan ang mumunting kantyawan nina Ate Helga at ng iba pa ay natuwa ako. Humirit pa nga si Perla na kapag daw nanganak ako ay baka puwedeng gawin ko rin silang ninang. Even though it was only a joke, I agreed. Nagpalakpakan naman sila habang si Perla ay pinaypayan pa ang kanyang sarili at nagkunwaring naiiyak sa tuwa. Maya-maya'y nagpaalam siya patungo sa living room dahil magwawalis siya saglit.

I remained on the hammock later than I expected. Naaliw kasi ako sa usapan at namangha rin sa tanawin ng papalubog na araw. Sana pala dati, mas inabala ko ang sarili ko sa paglabas ng bahay.

A few moments later, Perla came back. Her face was red as a tomato and her grin was wide enough for me to tell that she's really glad about something.

"Ma'am, may bisita po kayo. Ang guguwapo!"

Kaagad na tumalon ang aking puso sa tuwa. It's probably Jette and Jeremiah. Hindi pa naman matagal mula noong huli kaming nagkita-kita pero natutuwa ako dahil naisip nilang pumunta rito.

"Saan sila?" I asked as I stood up.

"Nasa sala po. Ang popogi talaga! Ang babango pa!" She continued.

Habang paalis ay napailing na lamang ako at natawa sa naririnig na mga papuri ni Perla para sa aking pinsan at kaibigan. Guwapo nga, mga may saltik naman.

I held my tummy as I made my way inside our living room. Kaagad kong namataan si Jette ngunit bumagal ang aking lakad nang mapagtanto kung sino ang kausap niyang nakatalikod. Parehas silang nakapolo; tila ba nagmadali silang tumulak papunta rito kahit na hindi pa natatapos ang trabaho. I stopped. Kaagad na napalitan ng iritasyon ang tuwang aking naramdaman kanina. Kung malapit lang si Jette sa akin ngayon ay hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya. Ashton faced me, as if he new I was already standing there even when he didn't hear me speak. His gaze never met mine. It was immediately on my stomach, and I'm quite sure he knows now.

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon