38 : Jealous

66 3 0
                                    


Kinabukasan ay ginawa ko ang mga nararapat na gawin. Mabuti na lamang at pinalagpas ang aking unannounced absence kahapon ngunit alam kong sa susunod na ginawa ko pa iyon ay hindi na nila icoconsider.

I sighed and reached for my phone. Ashton's last text was during lunch break. Ngumuso ako at hinayaan ang aking sariling isiping malamang ay abala siya sa kanyang trabaho. I should just focus on my work. Really.

Alas kuwatro ng hapon ay tumunog ang aking cellphone, hudyat na mayroong nagtext. Mabilis kong dinampot iyon. And to my teeny-tiny disappointment, si Criton ang nagtext. Oh, right. Nasapo ko ang aking noo nang mapagtantong nawala sa aking isip ang pagkikita namin sa araw na ito.

Me:

Omg, hi. I'll be out after an hour. Willing to wait ka ba or postponed ang meeting natin ngayon? :)

Mabilis ang kanyang naging tugon.

Criton:

I'll just wait. Uuwi ka pa ba o hindi na?

I texted him na uuwi muna ako at magbibihis. He insisted on picking me up ngunit tinanggihan ko iyon dahil baka malayo sa kanyang panggagalingan ang aking condo. Napagkasunduan naming magkita sa isang restaurant alas syete ng gabi.

Me:

Hi. I just got home pero aalis din ako. I'll be meeting a friend. Take care.

To my surprise, kaagad na nagreply si Ashton. He responded to my previous and latest texts. Maybe he's not that busy anymore?

Ashton:

Buti naman. Do I know that friend of yours?

Napatigil ako sa harap ng aking closet upang magtipa ng reply.

Me:

Hmm I guess not. He's Criton Fuentes.

Maya-maya'y biglang tumawag si Ashton. I answered his call and continued to look for a dress na maaari kong maisuot sa pagkikita namin ni Criton.

"Saan kayo magkikita?" Pambungad niyang tanong sa akin.

"Huh?" Lito kong tanong sa kanya pabalik.

He sighed, "Never mind. Is your friend a decent man?"

Napakunot ang aking noo sa kanyang kakaibang tanong. Kasabay ng aking pagsagot sa kanya ay ang pagkuha ko sa isang kulay puting dress mula sa closet.

"Yes," sabi ko.

"Okay..." muli siyang nagpakawala ng isang buntong-hininga. "Okay," ulit niya na tila ba may napagtanto.

"Okay?"

"Take care. Enjoy the rest of the night," marahan niyang wika. Narinig ko ang tunog ng alarm ng kanyang sasakyan sa kabilang linya.

"Thanks. I will," tugon ko. "Ikaw rin..."

We exchanged goodbyes at doon pa lamang ako nagpatuloy sa pag-aayos. Inayos ko nang kaunti ang aking buhok at naglagay din ako ng manipis na palamuti sa mukha. I looked gentle with my all white and flowy dress.

Alas sais y media ay tumulak na ako patungo sa sinabing restaurant ni Criton. I was a bit worried about being late dahil medyo traffic ngunit nang makarating ako ng pasado alas syete ay halos magkasabay lang pala kami.

"Wow. You look good..." bati niya at hinalikan ang aking pisngi. Medyo nabigla ako roon. "Just like the usual," dugtong niya pa.

"You, too." Ngumiti ako at pinabayaan siyang ipanghila ako ng upuan.

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon