Sa pangalawang araw na hindi na nagpakita pa si Ashton sa aking opisina ay naisipan ko nang umuwi ulit sa condo. Sinamahan ako ni Celyne at Carlisle pauwi dahil gusto ni Celyne na siguraduhing magiging maayos ako. Meanwhile, Sabrina and Gwen didn't have the chance to do the same dahil naging abala na sila sa kanilang mga trabaho."You can always come back if he bothers you again," sabi ni Celyne.
"I'll be okay, Lyne. Don't worry," ngumiti ako at niyakap siya.
Nagpaalam na rin ako kay Carlisle at hindi na rin sila nagtagal. I spent the rest of the night watching tv shows and was able to ponder about what happened.
Kung nasa isang relasyon na si Myrr at may ganoong post sa kanyang account, then there's probably someone else who did that. Pero kung ganoon nga, sana ay nakabura na iyon ngayon kung may access pa si Myrr sa account. Or eventually, she'd tell the public that someone unfortunately hacked her account; pero walang nangyaring ganoon.
Gusto ko sanang paniwalaan si Ashton. I would be lying if I say I don't believe him. A part of me does but I just can't bring myself to be with him sa ganoon kadaling panahon. Nitong mga nakaraang araw ay napunta ako sa realisasyong siguro ay naiinggit ako kay Myrr. Naiinggit ako dahil sa mga panahong hindi ko nakasama si Ashton ay naging magkasama sila. But that doesn't make any sense kaya isinantabi ko na lamang iyon. I would just like to think that I'm not that easy anymore. That I won't settle for something uncertain kahit na naibigay ko na ang aking sarili.
Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo. I was occupied with work at bumabalik din kami sa Bataan para icheck ang mga kailangan pang gawin doon. Paminsan-minsan na lang akong sumasama kina Perrie sa paglabas tuwing gabi dahil pakiramdam ko ay hindi ko na kinakaya ang dami ng tao at nahihilo na ako sa mga ilaw. Maybe it was a sign for me to take a break from night-outs.
"I haven't seen him for a while. Don't even bother," sabi ko kay Jeremiah nang sinabi niyang kakausapin niya rin daw si Ashton.
Napagpasyahan naming magpipinsan na kumain sa labas dahil nasa Maynila rin si Jeremiah. He treated us for dinner at gusto niya rin na sa susunod pang mga gabi ay magkakasama kami.
"He's still an asshole after all those years," naiiling na sambit ni Jeremiah.
"He seemed really sorry when I talked to him," sabi naman ni Sabrina. "Pero galit na galit ako noon sa kanya kaya ewan ko. Siguro naman ay nagsasabi siya ng totoo."
I silently sipped on my juice while listening to them talk about Ashton and other things. Noong una ay ayaw nilang pag-usapan si Ashton dahil nag-aalala sila sa akin but I convinced them that it's okay. Hindi rin naman nagtagal ang usapan nila tungkol doon dahil napunta rin ang topic namin sa aming mga buhay.
"Are you still with Ryo Hernandez?" Tanong ko kay Sabrina habang hinihiwa ang steak na nasa plato.
Tumango-tango siya na para bang natutuwa sa kanyang sarili. Jeremiah kept on blabbering about how we should be picky when it comes to boys. Maging si Celyne ay pinaalalahanan niya rin dahil baka raw magsawa si Carlisle sa kahihintay sa kanya.
"Para namang hindi mo kilala si Carlisle, Kuya. Kung hindi niya kayang maghintay ay sana hindi umabot sa tatlong taon ang paghihintay niya," depensa ni Gwen.
"We can't tell. Maraming babaeng nakikita iyong tukmol na iyon," he shrugged nonchalantly.
"Are you guys not planning to have the band back? I mean, I know you're all busy but you loved what you were doing, so..." pag-iiba ko ng usapan.
Binalingan agad ako ni Jeremiah at nagkibit-balikat din siya, "I don't know. Gusto ko sanang magkaroon kami ng kahit ilang gig lang sa tuwing hindi busy. I miss being on the stage."
BINABASA MO ANG
Totoo na ba ito?
RomanceMaddison never hoped to fall for Ashton. But when she does, she gets her heart broken mercilessly. Her high hopes were for nothing. She was just led on, used for fun and past-time. It was all lies. You'll never really know when it is real.