Conclusion

132 6 0
                                        

Eto lang po kinaya ko HAHAHA thank you for reading up to this part.

Keep safe peeps! <3


* * *

Her hair flowed in unfamiliar waves. Hindi ko maalalang may nakita akong kagaya noon. Sa kanya lang. At sa tingin ko'y sa kanya lang din nababagay iyon. Her grin made my heart jump. Napailing ako. Wow. Tang ina, Ashton. Bata pa iyan.

"At bakit ka sumasama sa amin?" Humalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay. Her other brow went up, too. Hindi naman pala marunong magtaas ng isang kilay lang.

"Bakit? Bawal?" I took a step just to get near her. Damn, she smells so good kahit na hindi pa ako lubusang nakakalapit.

Kumunot ang kanyang noo, "Ang kapal ng mukha mo!" Then she pushed me away.

Nagpatulak ako roon. Bakit kaya makapal ang mukha ko? Ngumiwi siya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. I made myself busy by staring at her frowning face. Ganyan naman siya palagi kapag ako ang kaharap. Nakasimangot. Pero kapag sa ibang tao, nakangiti.

"Your shoes are too common. Nakita kong may suot iyong kaklase kong ganyan..." I watched how her lips moved. I unconsciously bit my lower lip.

Nagtaas ako ng isang kilay at inirapan siya. Dammit. Kung hindi lang siya bata sa ngayon ay baka hinila ko na siya't...

"Stop talking to me. Nakakairita ka."

Laglag ang panga'y tinalikuran niya ako. She marched towards her cousins. Nilingon niya ako para mairapan. I shook my head. When will she stop hating me?

Why does she hate me in the first place? Wala naman akong ginawa sa kanya. Wala naman akong maalalang inaway ko siya o kung ano. Basta ang alam ko ay simula noong nagkakilala kami'y sunod-sunod na ang kanyang pagtataray sa akin. Lalo na noong nalaman niyang kasali ako sa bandang binuo ng kanyang pinsan!

"Jeremiah, naku! Dapat pumili man lang kayo ng mas disente!" She desperately said to her cousin.

Nanatili akong nakatayo sa may likod ng pader ng kusina nina Jem. I know it's not nice to watch them and eavesdrop a bit, but I just can't help it.

"Disente? Coat and ties?" Sarkastikong sinabi ni Jeremiah.

"No!" Madrama niyang inilagay ang likod ng kanyang palad sa kanyang noo. "Gosh."

"Then, what?"

"E, kasi..." humalukipkip siya. "...si Ashton. Si Ashton! Ang yabang-yabang non! Hindi naman iyon magaling..." I don't know why but I think she hesitated when she said the last sentence.

Mayabang? Hindi magaling? Narinig niya na ba akong kumanta o tumugtog? Anyway, it doesn't matter. Mas makikinig na lang muna ako sa mga sasabihin niya.

"Ilalakad kita sa kanya kung gusto mo, ha-"

"Oh my god, Jem! Kung hindi ka makikinig sa akin, hindi tatagal ng isang taon iyang banda-banda ninyo!" She hysterically said.

Napataas ang aking kilay. You're really sure of that, huh?

Narinig ko ang pamilyar na halakhak ni Jeremiah. I waited for more but when there was nothing, lumabas na ako sa kusina at nagkunwaring walang narinig o nakita. Iisipin nila iyon dahil may pintuan din naman mula sa kusina patungo sa labas. Nagpaalam naman akong lumabas kanina.

Naabutan ko siyang nakasimangot. Her eyes widened a bit when she saw me ngunit agad niya rin akong inirapan. I stared at her longer than I've planned. Oh, my Maddison. Sa kakasimangot mo sa akin ay halos makabisado ko na ang bawat linya ng mukha mo.

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon