15 : What do you mean?

92 5 3
                                        


Third of june. Katulad ng sinabi ni Ashton, birthday ng kanyang mommy ngayon. My parents were invited, too. I tried my best to avoid Ashton but he wasn't cooperating. Dikit ng dikit sa akin ang hinayupak.

Ayaw kong malaman ni mommy na may gusto ako kay Ashton. It's not that I'm embarrassed because of it. Iyon lang kasing... dati ay kulang na lang ay magpatayan kami, pero heto ngayon, nagkakagusto ako sa kanya. We kissed two times, and we're in good terms.

"You should eat more..." aniya at naglagay pa ng pasta sa aking plato.

I rolled my eyes at hinayaan na lang siya. Kanina pa nakangisi sa akin si Sabrina at Jeremiah. I wanna slap Jeremiah hard. But I can't dahil may kabaitan pa akong nireserba para sa mga ganitong pangyayari.

Nang nakita kong papalapit si mommy ay agad kong siniko si Ashton palayo. Ni hindi man lang siya nagalaw kaya ako na mismo ang umalis sa tabi niya. Nakaupo kasi kami sa iisang couch kaya habang hindi pa nakikita ni mommy, hindi ko 'yon ipapakita.

"Are you coming home with us? Or you'll be going with your cousins?" Tanong sa akin ni mommy nang nakalapit. I glanced at my watch. It's still eight thirty.

"Magpapahatid na lang ako kay Jem, mom," Sagot ko.

Tumango naman si mommy, "Okay. Aalis na kami ng daddy mo. Nag-CR lang siya saglit. Text us when you're on your way, will you?"

"Okay, mom. Bye, ingat po..." Hinalikan ko sa pisngi si mommy at daddy na kagagaling lang sa banyo.

Nang kaunti na lamang ang mga tao sa bahay nina Ashton ay nagtungo kami ng banda at aking mga pisnan sa music room. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya naupo na lang ako sa sofang naroon. Alas nuwebe y media na at dinadalaw na ako ng antok. Kanina kasi ay nag-enroll kami, at ngayon ay nag-attend ng party.

"Sakit pa rin ng ulo ko!" Jeremiah groaned. Tinitigan niya ng masama si Jette. Binatukan kasi siya nito kanina and unfortunately, tumama 'yong ulo niya sa pader.

"You can still drive, can't you?" Bahagyang napakunot ang noo ni Gwen sa kapatid.

"Yeah, masakit lang ang ulo ko. I'm not drunk."

"Gusto mo ditong magpalipas ng gabi? You can sleep in my room if you want," mahinang bulong ni Ashton sa aking tabi.

"No. Magpapahatid ako kay Jeremiah..." at ako? Matutulog sa kwarto mo? God, I'm still fifteen! Bata pa ako!

He just smirked. Napairap lamang ako ay pumangalumbaba. Nananahimik kaming lahat sa buong kwarto. Mayroong kumatok at sumungaw ang ulo ng mommy ni Ashton.

"You guys fine there? May salad pa," ngumiti siya. "Ton, why don't you get salad for them?"

"No, thanks, mom. We're fine. At tinatamad po ako," ngumisi si Ashton sa kanyang mommy. Nailing lamang si tita at umalis na.

His mother's really elegant. Palagi itong presentable at maayos ang hitsura. She has chinky eyes at matangos din ang ilong nito. But Ashton looked more like his father. Tanging ang kanyang manipis na labi lamang ang nakuha mula kay Tita.

"Uwi na tayo?" Humikab si Carlisle pagkatapos iyon itanong.

"Sige..." Tumayo si Celyne na halatang inaantok na rin. Nagpaalam kami sa parents ni Ashton bago lumabas.

"Ako na ang maghahatid sa kanya," Sambit ni Ashton nang nakalapit kami kina Jeremiah.

"Okay. Mabuti nga 'yon. But you take care of my cousin, alright? Kapag nagkasugat 'yan ay masusuntok kita!" Jeremiah chuckled.

Nagpatianod na ako sa hila ni Ashton patungo sa kanyang kotse. He was smiling from ear to ear and I don't know why.

"Hindi ba delikado kasi ikaw lang mag-isa pauwi?" Ngumuso ako habang papalabas na kami ng Tuscany.

Totoo na ba ito?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon