Chapter 25. One Year Later

19.9K 494 46
                                    

PINKY'S POV

Nang sabihin sa 'kin ni Yaya Miranda ang tungkol sa pagkawala ni Keycee, napasugod agad ako sa bahay ni Ace. Sinabi sa 'kin ni yaya na narinig niya ang pag-uusap ni Ace at ng mama ni Keycee sa kwarto noong nagpunta siya ro'n sa bahay nila Ace para kuhanin ang gamit ni Keycee.

Hindi pala binigyan ni Ace ng pagkakataon na magpaliwanag si Keycee tungkol sa nangyari noon kaya humantong sa ganito ang lahat.

"Ace! Ace!" umecho sa loob ng bahay ang boses ko habang paakyat ako sa kwarto niya. Pagpasok ko sa kwarto niya, naabutan ko siyang nakahilata sa kama niya at puro bote ng alak naman sa sahig. Amoy alak sa kwarto niya, ang baho. "Ace, bumangon ka d'yan, mag-usap tayo!" Hinila ko 'yong kumot na nakatakip sa kaniya at may papel na nalaglag sa sahig kaya dinampot ko 'yon.

Sulat ni Keycee?

Binasa ko 'yong sulat at habang binabasa ko 'yon hindi ko napigil ang luha ko.

"What are you doing here?" Pupungas-pungas na bumangon si Ace at tiningnan ako. Noong nakita niyang binabasa ko 'yong sulat, agad niya 'yon inagaw sa 'kin.

"Nabasa mo ba 'yang sulat ni Keycee?" baling ko sa kaniya. "Kung tutuusin siya ang totoong biktima pero siya pa ang humihingi ng tawad. At humihingi siya ng tawad hindi para sa sarili niya kun'di para sa'yo...dahil ayaw n'yang may dinadala ka sa dibdib mo." I wiped my tears habang si Ace naman ay nakayuko. "Keycee is such a good girl, Ace. Pero paano mo nagawa sa kaniya 'yon? Ni hindi mo siya binigyan ng chance na magpaliwanag. Napakawalang kwenta mong asawa. Hindi deserved ni Keycee ang nangyari sa kan'ya, pero ikaw deserved mo 'yon. You deserved to be alone."

Inirapan ko siya 'tsaka na 'ko lumabas ng kwarto niya habang umiiyak. Kahit saglit pa lang kami nagkakilala ni Keycee, alam ko at ramdam ko na mabuti siyang tao. At kahit pinsan ko si Ace, hindi ko siya kakampihan sa maling ginawa niya.

Pinuntahan ko si Yaya Miranda para itanong sa kaniya ang address ng mama ni Keycee. Kahit papaano gusto kong makiramay. Nang ibigay 'yon sa 'kin ni Yaya Miranda, agad akong nag-drive papunta sa kanila.

***

Magdo-doorbell pa lang sana 'ko nang biglang bumukas ang gate at lumabas ang mama ni Keycee.

"Hello po, tita." Ngumiti siya sa 'kin nang bahagya dahil kilala naman niya 'ko. Nagkita na kami noon sa kasal ni Keycee at Ace. "Nakikiramay po ako sa nangyari kay Keycee." Yumuko ako nang bahagya.

"Pupuntahan ko siya. Gusto mo bang sumama?" Nag-angat ako nang tingin kay Tita Steph dahil sa sinabi niya, at wala sa sarili akong tumango.

Sasakyan ko na ang ginamit namin para puntahan si Keycee. Itinuro sa 'kin ni tita ang daan hanggang sa makarating kami sa isang memorial park.

Pagpasok namin sa gate nagsimula na siyang maglakad habang may dalang bulaklak. Ako naman ay tahimik na nakasunod sa kaniya.

Huminto si tita kaya huminto na rin ako. Inilapag niya 'yong bulaklak na hawak niya sa harap ng puntod ni Keycee. At hindi ko maiwasang masaktan noong makita ko ang pangalan niya sa lapida.

Keycee Dela Vega.

ONE YEAR LATER...

THIRD PERSON'S POV

Nasa tabing dagat si Ace at nakaupo sa buhanginan. Nakatanaw siya sa malayo habang dinadama ang hangin. Kung kasama niya lang sana ngayon si Keycee siguro mas masaya siya.

Pumunta siya rito sa dagat dahil naalala niya ang sagot ni Keycee sa dream date setting niya na sinulat nito sa slam note. Gusto niya sa tabing-dagat, at mukhang siya rin ang dream date nito na tinutukoy. Si Mr. L.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon