KEYCEE'S POV
Salubong ang kilay ko habang naglalakad papunta sa upuan namin nila Marian at Jezza, sa bandang dulo. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit tinawag akong bes ni Ace. Hindi kaya napuno na s'ya sa 'kin at nawalan ng pagmamahal kaya ngayon friends na lang kami?
"Ba't parang pasan mo ang daigdig?" puna sa 'kin Jezza pag-upo ko sa gitna nila. Si Marian naman ay busy sa pag-scroll sa kaniyang cell phone, hindi man lang ako pinansin ng bruha. Wala rin akong nakitang pagkain na binilin ko sa kaniya, buti na lang ay nabilhan na ako ni Ace. "Tulalaers ka na naman! 'Wag mo masyadong isipin 'yon, mahal ka no'n!"
"Palagay ko hindi na," walang gana kong sagot habang diretso ang tingin sa sahig. "Kaibigan na lang yata ang turing n'ya sa 'kin."
"Oo nga. Tingnan mo 'tong story n'ya." Bumaling sa akin si Marian sabay abot ng phone niya. At bumungad sa akin ang story ni Ace sa isang social media platform.
"From 'hubby' to 'bes' real quick!"
Nagsalubong lalo ang kilay ko nang mabasa ko 'yon. Dinukot ko ang cell phone ko sa bulsa at agad tiningnan ang text ko kay Marian kanina dahil 'yon ang unang sumagi sa isip ko. At hindi ko naiwasan matawa nang makita kong kay Ace ko pala 'yon nai-send. Kaya naman pala niya ako tinawag na bes, dahil sa text ko na dapat ay para kay Marian.
"Ay, sh*ta ka! Bakit ka nagHAHA! Account ko 'yan!" Natatarantang inagaw sa akin ni Jezza ang phone niya nang tinadtad ko ng HAHA react ang story ni Ace. "Baka ibagsak n'ya 'ko, Jian!" Tinawanan pa siya ni Marian.
"Hindi 'yan, tiwala lang!" sagot ko sa kaniya habang abala na ako sa pagkatikot sa cell phone ko para tingnan sa account ko 'yong story niya. Nag-react din ako ro'n, pero ANGRY naman, limang beses. At naisipan ko rin gumanti kaya nagpost din ako ng story ko.
"Hindi naman manamis-namis ang sauce! Tabang pa ng chicken, parang 'yong bumili!"
"Para kang baliw d'yan, Jian! Ba't ka natatawa? Kinikilig ka ba?" Dumungaw pa si Marian sa cell phone ko pero agad ko 'yon tinaob sa dibdib ko dahil biglang nag-reply si Ace sa story ko. "Pabasa!"
"Ayoko!"
"SPG siguro 'yan!" baling sa 'kin ni Jezza na ngayon ay natatawa na rin at pilit na inaagaw ang cell phone ko. Agad naman akong tumayo at lumayo sa kanila para tingnan ang reply ni Ace.
"Matabang? Are you sure?
Do you wanna try me now?
Baka kapag natikman mo 'ko
makalimutan mong may
tampo ka sa 'kin?"
"Uyyy! Nangingiti! Nagmamanyakan siguro kayo, 'no?" panunukso ni Marian.
"Bibig mo h*yop ka!" saway naman sa kaniya ni Jezza with matching hampas na malupit sa braso niya.
"H*yop ka rin!" Marian.
"H*yop us!" Pati ako ay itinuro pa ni Jezza.
"Kayo lang, ah! Ba't idadamay n'yo pa 'ko mga an*mal kayo!"
Natigil ang pagbabardagulan namin nang biglang dumating si ma'am, teacher namin sa first period. Ni hindi ko na rin nagawang replayan pa si Ace.
***
Pagkatapos ng pangalawa naming klase, nag-aya ako sa food court dahil nakaramdam na naman ako ng gutom. Pagdating namin do'n, agad kong nilapitan si ate na binilhan ko ng turon kahapon. Ang sarap kasi dahil may ube at buko pa sa loob.
"Ate turon po ulit, dalawa." Malapad ang ngiti ko sabay abot ng bayad sa kaniya, kaso hindi niya 'yon kinuha.
"Pasensya na. May nagpa-reserved na kasi nito." Agad nalaglag ang balikat ko habang nakatitig sa dalawang turon na natitira.
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Teen FictionHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...