Chapter 113. His Feelings

4.9K 102 4
                                    

KEYCEE'S POV

Hindi ko sinunod ang request niya na voice message dahil bigla akong na-badtrip nang muling rumehistro sa 'kin ang itsura ni Rhian na tanging t-shirt niya lamang ang suot. Pati na rin ang sinabi nito tungkol sa kasal namin na hindi raw ipinarehistro. Maging ang pagbabasag niya ng vase kahit na alam niyang maaaring maghatid sa 'kin 'yon ng takot dahil sa nakaraan namin.

Sa sobrang inis ko, dinampot ko ang bulaklak at chocolate na nasa tabi ko at dali-dali akong lumapit sa basurahan. Una kong shinoot doon ang bulaklak, kasunod ang—

No, mommy! We want chocolates! Don't throw it away! Daddy bought that for us, not for you!

Napatitig ako sa hawak ko at para akong naglalaway kahit na busog pa naman ako. Pero bigla rin akong natauhan at napayuko sa tiyan ko dahil alam kong sila ang nang-aakit na buksan ko ang kahon ng chocolate na bigay ng daddy nilang magaling!

"No! Magsitigil kayo! Gabi na! Sobra na kayo, ha! Nag-eat all you can na nga kayo tapos gusto n'yo pang banatan 'tong chocolate? Bukas na lang!" Imbes na itapon 'yon ay binitbit ko na lamang papunta sa kama, sa tabi ko. At saka ko naisipang tawagan si mama habang nakahiga.

Nagkumustahan kami at binanggit ko na rin sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Sobrang saya niya noong nalaman niyang tatlo agad ang magiging mga apo niya. At bago kami matapos mag-usap, sinabi ko na rin ang talagang pakay ko kaya ako napatawag. Nakiusap ako na ipasundo niya ako bukas kay Kuya Edie, tutal naman ay weekend.

"D'yan po muna 'ko ng sabado at linggo."

"Ikaw lang? Hindi mo kasama ang asawa mo?" Asawa ko? Hindi pa 'ko sigurado kung mag-asawa nga ba talaga kami. Umisip agad ako ng dahilan at sinabi ko na hindi siya makakasama sa 'kin dahil may importanteng ipinapagawa ang lolo niya sa kaniya na hanggang linggo rin. "O, sige. Ano'ng oras ka namin susunduin?"

"5:00 AM po." Pagbaba ko ng cell phone matapos naming mag-usap ni mama, doon ko lamang din na-realized na napangalahati ko na pala ang box ng chocolate. Anak ng!

ACE's POV

"Mukhang ang aga ng first customer ko, ah!" natatawang sabi ni Julian nang pumasok ako sa bar niya. "Mamayang alas singko pa ang open!" biro pa nito pero seryoso pa rin ang mukha kong lumapit sa kaniya. Tinawagan ko kasi siya kaninang umaga, bandang alas-otso, nag-aaya akong uminom. At nagkataon namang narito siya sa bar ngayong umaga para sa monthly inventory. Kaya hindi na 'ko nagdalawang-isip at agad sumugod dito. "Balita?" tanong niya nang tuluyan na 'kong makaupo sa mataas na stool. Naroon naman siya sa loob ng counter, may hawak na ballpen at notepad.

"Shot," tipid kong sagot kaya kumuha agad siya ng dalawang baso at isang bote ng brandy. Nilagyan na rin niya ng ice cube ang baso bago 'yon salinan ng alak. Nang iabot niya 'yon sa 'kin ay agad na rin tinungga. "Umalis si Keycee sa bahay," I said quietly after I put the glass down.

"Bakit? Break na naman kayo? Mali ka na naman?" Sinalinan niya ulit ang baso ko at nagsimula na 'kong magkuwento para kahit papaano ay mabawasan naman ang naramdaman ko.

Sabado ngayon at maaga 'kong gumising—alas sais—dahil balak ko sanang ipagluto ng almusal si Keycee para makabawi ako nang paunti-unti. Kaso, pagbaba ko sa kusina, agad ipinaalam sa 'kin ni Yaya Miranda na umalis pala siya. Maaga raw sinundo ng mama niya at nagsabing sa mansyon muna mag-i-stay ng dalawang araw.

"Hindi s'ya nagpaalam sa 'kin. Kahit isang text, wala." Inikot ko muna ang baso at pinaglaruan 'yon bago muling tunggain.

Natitiis niyang hindi mag-text at sagutin ang tawag ko. Tulad kagabi, alas dos na ng madaling araw ay gising pa rin ako dahil nagbabaka sakali na bigla siyang mag-send ng voice message. Pero naghintay ako sa wala.

Isa pang ikinasakit ng loob ko ay ang nangyari kagabi nang sundan ko sila ni Ryan sa isang restaurant. Mag-isa akong kumakain sa isang sulok at palihim lang siyang tinatanaw. Nakakamatay sa selos dahil kami dapat ang magkasabay kumain. Pero wala naman akong magawa dahil hindi niya pa ako kayang lapitan at kausapin.

Daig ko pa tuloy ang naging stalker dahil hanggang sa pag-uwi nila ay nakasunod pa rin ko—masiguro lang na ligtas ang mag-ina ko.

At ang ikinatatakot ko naman ngayon ay baka hindi na niya 'ko uwian. Gusto ko siyang puntahan at sunduin sa mansyon pero hindi ko rin magawa dahil sa sitwasyon. Natatakot pa kasi siya sa 'kin.

Nang tanungin ni Julian ang dahilan ng away naming mag-asawa ay sinabi ko rin ang tungkol sa pagtulong ko kay Rhian at pagsama sa bahay noong naglayas siya at ang paalam sa magulang ay sa 'kin pupunta.

"Pakiramdam ko tuloy para 'kong nawalan ng karapatan sa asawa ko dahil lang sa pagkakamali 'kong pagmalasakitan si Rhian..." Bahagya akong napailing bago muling tunggain ang laman ng baso.

Ang sakit sa loob na hinusgahan agad niya 'ko dahil sa bagay na 'yon na wala namang masamang ibig sabihin. Samantalang noong sinabi n'yang sa bahay muna manatili si Ryan kaysa hanapan ko ng condo ay wala naman naging problema sa 'kin, kahit na kung tutuusin ay ex niya rin 'yon. And that's because I trust her.

Pero bakit sa 'kin parang wala siyang tiwala?

"Pilitin mo s'yang makausap. Kahit tawagan mo lang. Mahirap ang gan'yan. Hindi kayo magkakaayos kung wala kayong komunikasyon." Bahagyang tumaas ang isang bahagi ng labi ko dahil sa sinabi ni Julian. Hindi niya yata naintindihan ang sinabi ko kanina.

"Ayaw n'ya nga akong kausapin! Hindi n'ya sinasagot ang tawag ko!" Sinalinan niya ulit ng alak ang baso namin. Hindi ko na mabilang kung pang-ilan ko na 'to, ang alam ko lang ay halos kalahati na lang ang laman ng bote.

"So, pa'nong gagawin mo n'yan? Kapag hinayaan mo lang s'yang iwasan ka, ikaw ang mahihirapan."

"Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Ang hirap maging lalaki...lalo na't ang alam nila malakas tayo. Hindi ko tuloy alam kung pa'no ko sasabihin sa kan'ya na nahihirapan din ako. Baka kasi hindi s'ya maniwala. Baka ang nasa isip n'ya...s'ya lang ang nasasaktan since ako ang may kasalanan. Baka ang akala n'ya...s'ya lang din ang nahihirapan dahil sa trauma n'ya. Baka ang akala n'ya...manhid ako at walang pakiramdam."

Ito ang problema. Hindi ko masabi sa kaniya ang totoo kong nararamdaman. Oo, alam kong nasaktan siya noong nakita niya si Rhian sa bahay. Pero paano naman ako? Paano 'yong naramdaman ko bago ako nagdesisyong gawin 'yon? Hindi ba niya alam na bago siya nasaktan...ako muna ang nahirapan?

Nahirapan ako dahil kahit papaano may pinagsamahan kami ni Rhian bilang magkaibigan. Pero kinailangan kong humindi at tumanggi noong nakiusap ang magulang niya na sa bahay siya maghintay para doon sunduin. 'Yong malasakit dapat ng kaibigan naging labag pa sa loob kong ibigay.

Ang hirap dahil ayokong masaktan ang asawa ko, pero may nangangailangan naman ng tulong ko.

Ayoko siyang masaktan...kaya dinala ko sa dibdib ko 'yong bigat ng pagsisinungaling noong pinuntahan ko si Rhian. Ayoko siyang masaktan... kaya kahit 'yong pagkakaibigan na mas pinahalagahan ko kaysa sa naging relasyon—nagawa kong tuldukan.

At sa tuwing umiiwas siya sa 'kin dahil sa takot—tinitiis ko 'yon kaysa makita siyang umiiyak at nasasaktan. 'Yong hirap na nararamdaman niya sa gano'ng sitwasyon...triple ang balik no'n sa 'kin dahil alam kong ako ang dahilan. Idagdag pa ang sakit na gusto ko siyang damayan pero alam kong hindi n'ya 'ko kailangan.

Yumuko ako at ni-rest ang noo ko sa counter para hindi makita ni Julian ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

Akala ko ba nakakatapang ang alak? Bakit iba ang epekto sa 'kin? Naduwag yata ako kaya lumabas ang luha ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko na siyang makasama. Gusto ko na siyang makausap. Para na 'kong mababaliw sa kaiisip kung ano'ng ginagawa niya ngayon. Kung okay lang ba siya. Kung iniisip niya kaya ako. Kung namimiss niya rin ba 'ko...

"Isang mainit na gabi lang ang katapat n'yan, men. Maniwala ka sa 'kin." Narinig ko ang pagbibiro niya pero hindi ko pa rin inangat ang mukha ko.

Akala ba niya gano'n kadali 'yon sa sitwasyon ngayon? Ni hibla nga ng buhok ng asawa ko, hindi ko mahawakan. At 'yong masilayan nga lang siya kahit saglit ang hirap na.

"No. Hindi ako lalapit sa kan'ya hangga't hindi s'ya ang nauunang lumapit sa 'kin." Inangat ko ang mukha ko, wala akong pakialam kahit makita niya ang mapula kong mata dahil sa luha. "She wants space? Then, I will give her space." Inagaw ko ang bote ng brandy sa kaniya at 'yon na ang diretso kong tinungga.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon