Chapter 29. Face To Face

18K 362 15
                                    

KEYCEE'S POV

Tapos na ang first class namin at ngayon naman patapos na rin ang second period. Ibig sabihin Business Math na ang susunod. Napalunok ako at para along pinagpapawisan nang malamig sa tuwing maiisip ko na magkikita na ulit kami.

Si Ace.

Hindi niya ko p'wedeng makita, at isa pa ayoko na siyang makita. 'Yon na ang itinatak ko sa isip ko simula noong naging ako na si Jian Perez. Pero paano?

Kung huwag na lang kaya akong pumasok? Napailing ako. Hindi naman p'wede dahil baka ma-dropped ako sa subject niya kapag hindi ko 'yon laging pinasukan para lang makapagtago sa kaniya.

Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko ngayon dahil hindi ko naman binanggit kay mama ang sitwasyon ko kahapon pag-uwi ko. Baka mamroblema pa si mama kaya hindi ko muna sinabi sa kaniya na magiging professor ko si Ace ngayon sa college.

Pero, teka? Bakit nga pala ako namomroblema sa pagkikita namin? Hindi naman na ako si Keycee, 'di ba? Iba na 'yong pangalan ko. Jian Perez. Tama. Ako na ngayon si Jian Perez at wala na siyang magagawa ro'n.

"Balita ko g'wapo raw 'yong prof natin sa business math," narinig kong bulong ni Jezza kay Marian. Magkakatabi kaming tatlo, nasa gitna namin ni Marian si Jezza.

"Oo nga raw. Excited na tuloy akong makita s'ya," bulong naman ni Marian, tila kinikilig pa ang babaita.

Hindi ako nakisali sa usapan nila, naka-focus lang ang tingin ko sa harap, sa teacher naming nagsasalita.

"Next meeting ang first quiz natin. So, walang aabsent kung ayaw n'yong mawalan ng first quiz. Goodbye, class." Binitbit na niya 'yong gamit niya pati libro at saka lumabas sa room. Nagsimula na rin sa pagtambol ang dibdib ko knowing na maya-maya lang ay magkakaharap na kami ni Ace.

Nagsisimula na akong kabahan. Pati ang mga kamay ko ay namamawis nang malamig, daig pa ang may waterfalls. 'Yong tuhod ko rin nanginginig, parang hindi ko yata kayang tumayo para tumakbo palabas kahit na gustuhin ko pa.

"Jian, are you okay?" baling sa 'kin ni Jezza, pati si Marian ay tiningnan na rin ako.

"Mmm," I hummed as a response at saka ako tumango. Ni magsalita ay hindi ko magawa dahil sa sobrang nerbyos.

"Parang hindi ka okay, e. Gusto mo samahan ka namin sa clinic?" suhestyon ni Marian. Hindi ko alam na sobrang halata pala ang pagkabalisa ko.

Pero napaisip din ako sa sinabi ni Marian. Paano kung magkunwari na lang ako na masama ang pakiramdam at magpahatid na lang ako sa clinic? Kahit ngayon lang. Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob para maging handa na akong harapin si Ace bukas.

"Punta muna 'ko sa cli–"

"Good afternoon, class!" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang pumasok si Ace sa isang pinto, sa harap kung nasaan banda ang white board. Umecho sa pandinig ko ang boses niya at para bang ayaw tumigil no'n.

Natahimik lahat ng kaklase ko sa room na kanina ay parang mga nasa fiesta. Pati si Marian at Jezza ay nakatulala sa harap habang nakatingin kay Ace. Bakas ang paghanga sa mukha nilang lahat dahil sa kag'wapuhan ng asawa– ng teacher namin.

Agad akong yumuko para hindi niya ako mapansin. Sigurado naman na hindi niya agad ako makikilala dahil malaki ang pagkakaiba ni Keycee kay Jian sa physical appearance. Si Keycee noon, long hair. Si Jian, short hair. Si Keycee noon, simple lang manamit. Si Jian ngayon, may fashion na. Si Keycee noon, hindi conscious sa katawan, tipong kahit kumain nang marami ay okay lang. Si Jian ngayon, may figure na mine-maintain. Kaya siguro naman ay hindi niya 'ko mapagkakamalan na si Keycee. Mas mukha na kasi akong tao ngayon, hindi katulad noon na parang nagpapanggap lang na tao.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon