ACE's POV
Narito kami ngayon sa maluwang na kalsada kung saan ito ang magiging huling ruta ni Ryan palabas ng syudad. Ang bawat bayan ay pinalagyan ko na rin ng checkpoint para hindi sila makalusot. Kasama ko si lolo, ang police commissioner at ang mga pulis na mahigit bente ang bilang, lahat ay unipormado at kasalukuyang nakalinya sa gitna ng daan. Nakaunat ang mga kamay nila, hawak ang kani-kanilang mga baril tila ang lahat ay handang sumabak sa gyera. Nasa gitna rin ng kalsada ang isang malaking signages na may nakasulat na NO ENTRY at sa isa naman ay NO VEHICLES ALLOWED.
Hindi ko rin alam kung ano ang nasa isip ni lolo dahil kanina habang papunta kami rito ay may nabanggit siya sa akin, sinabi niyang baka tama raw si Mommy Marga, step mother ko, na mukha nga raw hindi mapagkakatiwalaan si Ryan. Ang totoo, gusto ni lolo na i-train si Ryan sa kompanya para ito ang ilagay niya sa posisyong inaalok niya sa akin na noon pa man ay tinatanggihan ko na. Ang kaso, kinausap daw siya ng asawa ni daddy at ng ilan pang board members na huwag si Ryan dahil wala silang tiwala rito. At ang pagkakataon na 'to ang ginamit ni Lolo para ma-corner din si Ryan.
"Sigurado ka ba na si Ryan ang kasama n'ya?" baling sa 'kin ni lolo. Pare-pareho kaming nakatayo sa gilid at nakatanaw nang diretso sa kalsada para abangan ang sasakyan ni Ryan dahil wala naman na silang iba pang daraanan kun'di rito.
"Sigurado, Lo. Iisa lang ang lokasyon nila na lumabas sa system," I said as I ran my hands through my hair, starting to get frustrated again.
"The plate number XVY-010, Dark blue SUV. A total of two people. A man and a pregnant woman." Dinig kong sabi ng police commissioner mula sa kausap nito sa cell phone. "Don't harm them. We need to capture them alive."
Hindi naman sana aabot sa ganito kung sinasagot ni Keycee ang tawag ko. Pero mukhang binlock pa niya ang number ko. Pagkatapos niyang ipaalam sa 'kin na buntis siya, ngayon pa niya 'to gagawin? Hindi ako papayag.
Isa pa 'yang si Ryan, ano ba'ng nasa isip niya at magkasama sila ngayon? Iniiputan ba niya ako sa ulo?
KEYCEE's POV
"Sa'n ba talaga tayo pupunta?" Muling sumulyap sa 'kin si Ryan. Mahigit isang oras na kasi siyang nagda-drive pero hindi ko pa rin sigurado kung saan ako dapat pumunta. Noong una, sa mansyon ang plano ko. Pero naisip ko bigla na madali akong matutunton ni Ace dahil ka-close na niya pati si lola. Isang tawag niya lang sa mansyon, malalaman na niya agad na naroon ako.
"Ihatid mo na lang ako kay Christia," mahina kong sagot. Siya na lang ngayon ang p'wede kong puntahan tutal ay hindi naman alam ni Ace ang bahay nila.
"Kay Christia? Tapos may dala kang mga damit? Aminin mo nga. Lalayasan mo na ba ang asawa mo?"
"Hindi naman for good. Gusto ko lang s'yang dalain," baling ko sa kaniya. "Hindi mo ba alam? Pinatayo n'ya 'ko sa loob ng classroom, not once but twice! 'Yong pangalawa with encyclopedia pa sa magkabilang kamay! Ewan ko ba naman sa pinsan mong 'yan! Magaling lang kapag—" kapag bumibira. Bigla akong natigil sa pagsasalita dahil baka madulas ako. Nakakahiya naman kay Ryan.
"Kapag ano?" he glanced back at me. Sasagot pa lang sana ako para magpalusot nang biglang mapukaw ang atensyon namin dahil sa pagtunog ng kaniyang cell phone. "Kapag si Ace 'yan, 'wag mong sasagutin," babala ko sa kaniya. Naisip ko kasi na baka siya 'yon dahil binlock ko ang number niya para hindi ako matawagan. Agad niya 'yon kinuha sa kaniyang bulsa at tiningnan. "Sino?" tanong ko.
"Si lolo." Akala ko sasagutin niya 'yon pero agad din niyang ibinalik sa pinagkuhanan. "Baka balak n'ya na naman akong papunthin sa blind date," nakasimangot niyang sabi.
"Sus! Kunwari ka pa! Mukhang gustung-gusto mo ngang nakikipag-blind date!" pang-aasar ko sa kaniya at sinundan ko pa ito nang mahinang pagtawa. "Simula kasi noong nakipag-blind date ka may pangiti-ngiti ka na habang nagtetext. Feeling ko talaga mahal mo na 'yang ka-text mo. Sino ba 'yan, ha? Wala ka bang balak ipakilala sa 'kin?"
![](https://img.wattpad.com/cover/6305381-288-k498893.jpg)
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Teen FictionHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...