RYAN's POV
Hindi ko inaasahan na magkikita kami ni Ryza sa parking ng hotel kung saan din kami nagtagpo ni Wynter. Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para makausap siya.
Nasa driver's seat ako, naroon naman siya sa tabi ko. At noong ikinuwento ko sa kaniya na hinahanap siya ni Keycee at Christia—hindi niya naiwasang maiyak. Iniwas niya pa ang tingin sa 'kin, sa labas ng bintana siya bumaling pero rinig ko pa rin ang pagsinghot niya.
Dinukot ko ang panyo sa bulsa ko at inabot 'yon sa kaniya. Nang kuhanin niya 'yon ay agad niyang dinapian ang luha niya at doon na rin siya suminga.
Uk*nam. Paborito ko 'yung panyo na 'yan!
Nag-iwas na lang ako ng tingin habang ginagawa niya 'yon. "Tumawag ka sa kanila o mag-text. Kahit kay Christia na lang. Sigurado namang ipapaalam n'ya 'yon kay Keycee, na nasa mabuting kalagayan ka. Hanggang ngayon kasi yata ipinapahanap ka nila. Kinausap pa ni Sir Ace si lolo dahil request ni Keycee na hanapin ka."
"Ha?" Gulat siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. "H-Hinahanap ako...ni Don Adolfo?"
"Oo. Si Keycee ang nakiusap sa asawa n'ya. Tapos si Sir Ace naman, kinausap n'ya si lolo para makatulong sa paghahanap sa'yo." Nakita ko siyang napalunok, parang kinakabahan. "Bakit?"
Umiling ito bago sumagot. "W-Wala. Mamaya ko na lang sila tatawagan. Ito na 'yong panyo mo. Salamat."
Iaabot na sana niya 'yon sa 'kin pero agad kong tinanggihan. "Hindi na. Sa'yo na lang 'yan. Mura lang naman 'yan. Bente lang."
"Gusto mong bayaran kita?" Sumeryoso bigla ang tingin niya.
"Hindi. Ang ibig kong sabihin, mura lang 'yan. Kaya kong bumili ng bago. Gano'n."
"Bakit ayaw mo na 'to? Dahil ginamit ko na?"
"Oh c'mon mamon, Ryza. Ikaw ba? Kapag hiniram ng kaibigan mo ang panty mo at ibinalik sa'yo nang hindi nilabhan—tatanggapin mo?"
"Hindi naman ako nagpapahiram ng panty."
"Example nga lang!"
"Bakit kasi panty pa ang gagawin mong example? P'wede namang panyo na lang din." Umiiyak siya kanina, pero ngayon bahagya nang naiinis. "Mauna na 'ko. Salamat sa time. Ako na'ng bahalang kumontak kila Christia at Keycee." Binuksan na niya ang pinto, palabas na sana noong mapansin ko ang suot niyang dress.
"Sandali." Natigilan siya at saglit lumingon sa 'kin. Gano'n ang suot ni Wynter kanina, may coat nga lang. "Parang pamilyar sa 'kin ang suot mo..."
"H'wag kang mag-alala, hindi 'to 'yung sa'yo." Kasunod no'n ang pagbaba niya at malakas na pagsara ng pinto, dahilan para matulala ako.
What?
KEYCEE's POV
Ilang araw na ang nakalipas simula noong nag-umpisa si Ace sa panliligaw sa 'kin. Medyo nanibago pa nga ako dahil kahit magkasama lang kami sa bahay at magkatabi sa higaan, naging text mate pa kami. Hindi siya natutulog nang hindi ako nakaka-text kahit saglit. At pagkatapos naman ng texting time, doon kami mag-uusap as husband and wife.
Sa umaga naman ay gano'n din. Pagkagising ko, mayroon na agad siyang text sa 'kin na good morning. Iba pa ang good morning niya bilang asawa ko dahil may kasama 'yon halik sa noo or di kaya'y sa labi. Mas naging sweet din siya sa 'kin dahil sa tuwing kakain kami ng almusal sa bahay, siya pa ang maghihila ng upuan para sa 'kin.
Tulad ngayon, hinila niya muna ang upuan ko at hinayaan muna akong makaupo bago siya tumabi sa 'kin. "Thanks." Bahagya ko siyang nginitian.
"Always for you..." Nginitian niya rin ako bago kami nagsimulang kumain. I mean, siya lang pala. Dahil ako, nakatitig lang sa mga niluto ni Yaya Miranda. Sausage, scrambled eggs, pritong boneless na bangus at 'yong ulam kagabi na ginataang laing. "Bakit?" baling ni Ace sa 'kin nang mapansin niyang hindi ako kumikilos. "Ayaw mo ba ang mga 'yan?"
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Teen FictionHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...