KEYCEE'S POV
Pwersahan akong iniakyat ng dalawang bodyguard sa hagdan para dalhin sa kwarto ko. Sobrang sakit na rin ng katawan ko dahil hindi ko tinigilan ang pagpupumiglas para makawala sa kanila simula pa kanina no'ng ibaba nila ako sa sasakyan. Pero wala pa rin nangyari. Halos namumula na rin ang braso ko dahil sa mga bakas ng pagkakahawak nila sa 'kin nang mahigpit.
"Patawarin mo kami, Miss Keycee. Ayaw namin gawin 'to pero ayaw rin naman namin matanggal sa trabaho." Pagkatapos sabihin 'yon ng isang bodyguard ay binuksan na nila ang pinto ng kwarto ko at ipinasok ako ro'n. Hindi nila inilock 'yong pintuan pero nakabantay naman sila sa tapat no'n para hindi ako makatakas.
Bigla 'kong naramdaman ang panghihina ng katawan ko dahil sa pagod sa pagwawala, pagpupumiglas at pag-iyak. Idagdag pa ang panginginig ng katawan ko sa galit at sama ng loob dahil sa ginawa ni lola sa amin ni Ace.
Bumagsak ang mga binti ko sa malamig na sahig dahil sa panlalambot ko. Tumutulo pa rin ang luha ko habang paulit-ulit ang pagbulong ko sa pangalan ni Ace.
Bakit ganito ang kapalaran namin? Gusto ko lang naman maging masaya kasama siya pero bakit ang hirap no'n makamit? Parusa ba sa 'kin 'to noong niloko ko siya at nagkunwari akong wala na? Pakiramdam ko tuloy tinuturuan ako ng leksyon ng langit, na kung gaano kadali sa 'kin ang iwan siya noon— ganito naman kahirap ang bumalik sa kaniya ngayon.
Dagdag pa ang sakit dahil sarili kong lola ang humahadlang kung saan ako magiging masaya.
Narinig ko ang yabag ni lola at alam kong pumasok siya sa kwarto ko.
"Keycee," tawag niya sa 'kin no'ng nasa loob na siya. Pero wala akong lakas tumayo dahil hanggang ngayon ay ramdam ko ang panginginig ng laman ko. Tumayo siya sa harapan ko at tanging sapatos lang niya ang nakikita ko dahil nakayuko ako. "Mag-usap tayo, apo."
Napangiti ako nang mapait dahil sa narinig ko. Apo? Sa halip na papatahan na 'ko, nag-init ulit ang sulok ng mga mata ko nang marinig ko sa kaniya ang salitang apo. Napailing ako nang paulit-ulit habang nakayuko pa rin.
Kung talagang apo ang turing niya sa 'kin, bakit kailangan niyang gawin 'to? Bakit kailangan niya 'kong pahirapan?
Pinilit kong tumayo kahit nanginginig ang mga binti ko. Humarap ako sa kaniya nang maayos.
"Hindi po ako magpapakasal kay Zen," buong paninindigan kong sabi. Nagsalubong ang kilay niya at parang balak na naman niyang magalit.
"Huwag mo na 'kong suwayin, Keycee. Matuto kang sumunod dahil para sa'yo rin naman ang ginagawa 'ko! Para maging maayos ang buhay at kinabukasan mo! Dahil lahat ng maiiwanan ko, ikaw ang makikinabang!"
Gusto kong matawa sa sinabi niya. Gusto ko siyang sigawan at sabihin na mali ang katwiran niya pero nagpigil pa rin ako dahil alam kong matanda na siya at kailangan ko pa rin siyang igalang. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko para hindi ako makapagtaas ng boses sa kaniya.
"Para sa 'kin?" mahinahon kong sabi. "Hindi para sa 'kin ang ginagawa mo, lola. Ginagawa mo 'yon para sa sarili mo dahil 'yon ang gusto mo at doon ka magiging masaya. 'Yong bagay na akala mong magpapaayos sa kinabukasan ko— 'yon naman ang sisira sa buhay ko." Patuloy sa pag-agos ang luha ko kaya pinahid ko 'yon gamit ang palad ko. "Hindi naman po ako nanghihingi sa'yo ng kahit ano. Hindi ko naman sinabi na sa 'kin n'yo iwanan lahat ng negosyo at yaman n'yo. Ikaw lang ang may gusto no'n. Pero kung iiwanan n'yo 'yon sa 'kin kapalit ng kaligayahan ko...'wag n'yo na lang po ibigay dahil hindi ko rin tatanggapin. Kaya kong mabuhay nang maayos kahit wala akong matanggap sa inyo, pero hindi ko kayayanin mabuhay kung mawawala si Ace sa tabi ko." Hindi siya nakakibo at halatang nagulat siya sa mga narinig niya sa 'kin. "Ayoko po sanang sabihin 'to, pero...mas okay pa ang buhay ko noong hindi ko pa po kayo nakikilala. Kung alam ko lang na mangyayari 'to at masasaktan ako nang ganito, sana hindi na lang po tayo nagkakilala. Sana hindi na lang tayo nagkita–"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa malakas na sampal na dumapo sa pisngi ko. Ramdam ko 'yong hapdi kung saan lumapat 'yong kamay niya. Ang sakit na nga ng loob ko sa kaniya, dinagdagan niya pa.
Dahan-dahan kong idiniretso ang mukha ko at tiningnan s'ya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat na para bang hindi niya akalain na nasampal niya 'ko. Nakita kong namula ang mata niya at nanggigilid ang luha niya.
"Sa halip na magpasalamat ka dahil sa matatanggap mo sa 'kin, gan'yan pa ang sasabihin mo?! Tutulad ka rin ba sa mama mo na susuwayin ako?! Hindi mo ba naisip na ginagawa ko 'yon para sa ikagagaan at ikaayos ng buhay at kinabukasan mo—"
"Akala n'yo lang 'yon!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsigaw. "Akala n'yo lang na inaayos n'yo ang buhay ko pero hindi! Lalo n'yong pinabibigat! Lalo n'yo lang ginugulo! Kung para sa inyo yaman ang sukatan para maging maayos ang buhay– sa 'kin hindi!" Nagtaas na rin ako ng boses dahil pakiramdam ko kapag hindi ko pa nailabas ang sama ng loob ko, sasabog na 'yong dibdib ko. "Kung hindi umalis sa poder niyo si mama, sa tingin n'yo ba magiging masaya s'ya sa mga plano niyo sa buhay niya noon? Kung alam niyang magiging maayos ang buhay niya sa desisyon n'yo, bakit pa siya umalis? Bakit n'ya kayo iniwan?" Natahimik si lola habang patuloy naman sa pag-agos ang luha ko. "Naging maayos naman ang buhay ni mama kahit wala siyang natanggap sa inyo noon, eh! Naging masaya pa rin siya dahil 'yong lalaking mahal niya ang nakasama niya! Naging masaya kami noon kasama si papa! Eh, kayo? Naging masaya po ba kayo noong iniwan kayo ni mama? Napasaya po ba kayo ng yaman n'yo? Gusto n'yo po ba na dumating pa tayo sa punto na ulitin ko ang ginawa ni mama noon na pag-iwan sa inyo para lang maging masaya ako!" Pinahid ko ang luha ko dahil basang-basa na ang pisngi ko sa pag-iyak. Pinilit ko na rin kalmahin ang sarili ko. "Kasal ako kay Ace at kahit ano'ng gawin n'yo hindi n'yo kami mapaghihiwalay. Uuwi at babalik ako sa kan'ya." Magsasalita pa sana si lola nang biglang nag-vibrate ang cell phone ko at agad ko 'yon sinagot no'ng makita ko na tumatawag si Ace. "Hello Ace—" Natigilan ako nang agawin niya 'yong cell phone ko at ibinalibag 'yon. "LOLAAAA!!!" Napahagulgol ulit ako dahil sa ginawa niya.
"Hindi ka aalis!" matigas niyang sabi sa 'kin 'tsaka niya 'ko tinalikuran at lumabas sa kwarto. Agad kong nilapitan ang cell phone ko at dinampot 'yon habang umiiyak. Laking pasalamat ko at hindi 'yon nagkahiwa-hiwalay. Pero basag ang screen at nakapatay. Sinubukan ko 'yon i-on para matawagan si Ace. Akala ko mawawalan na 'ko ng pag-asa dahil matagal bago 'yon nagsindi.
Tatawagan ko pa lang sana siya nang mag-ring na ang cell phone ko. Tumatawag ulit siya at agad ko 'yon sinagot.
"Keycee." Naiyak ako lalo no'ng marinig ko 'yong boses niya na bakas ang pag-aalala.
"Ace..." Iyak ako nang iyak at hindi ko magawang magsalita. Sunud-sunod ang paghikbi ko na parang kakapusin ako ng hininga.
"Sabihin mo sa 'kin ang address kung nasa'n ka and I'll do everything to get you. 'Wag kang mag-alala, hindi ako papayag na kuhanin ka sa 'kin. I'll find a way, so don't cry. You have nothing to worry about. I'll come to you and get you, no matter what it takes. Do you understand?" He reassured. Tumango ako nang sunud-sunod kahit na alam kong hindi niya 'ko nakikita. Dahil sa sinabi niya lumakas ang loob ko.
"Hihintayin kita," mahina kong sabi na may kasunod na paghikbi.
"Now, try to relax. Take a deep breath and think that everything's gonna be fine. I love you and I will do everything to find you."
Parang bumalik sa 'kin 'yong pakiramdam noong na-kidnapped ako no'ng bata ako. Ang kaibahan lang, may Ace ako ngayon na tutulong sa 'kin para kuhanin ako at ilayo rito.
To be continued...
VOTE AND LEAVE A COMMENT.
![](https://img.wattpad.com/cover/6305381-288-k498893.jpg)
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Teen FictionHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...