KEYCEE'S POV
Hindi pa man ako dumidilat ay alam kong nasa tabi ko pa rin si Ace dahil sa mabangong amoy niya. I took the chance to pray habang nakapikit ako at yakap siya. Nagpasalamat ako sa nasa itaas dahil hanggang ngayon kasama ko pa rin si Ace at hindi pa niya 'ko iniiwan.
Idinilat ko na ang mga mata ko at nag-angat ng tingin sa kaniya na masarap pa rin ang tulog habang nakayakap sa 'kin.
Bigla kong naalala 'yong sakit na nararamdaman ko kagabi bago kami matulog. Akala ko katapusan ko na 'yon dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko. Buti na lang at kasama ko siya. Waking up after hurting, it's a relief to have him next to me. I almost said out loud.
Ngayong mas dumadalas ang pagsikip ng dibdib ko, mas natatakot na 'ko. Pa'no kung—
"Good morning, baby," Ace said softly, snapping me out of my thought. Hindi ko namalayan na gising na pala siya.
"Good morning," bati ko rin sa kaniya.
"Did you sleep well?"
"Uh...oo," nahihiya kong sagot. Nakayakap pa rin kasi siya sa 'kin at kaunting distansya lang ang pagitan ng mga mukha namin kaya naiilang ako. "Ace, saglit lang." Tinanggal ko 'yong pagkakayakap niya. "Punta muna 'ko sa kwarto ko," paalam ko sa kaniya.
"Why?" Kumunot agad ang noo niya, parang disappointed siya na aalis na 'ko sa tabi niya.
"To shower," tipid kong sagot. Napabuntong-hininga siya bago tumango.
After namin mag-almusal, pumunta ako sa sala at naupo. Sumunod naman agad siya at tumabi sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit may time na gustong-gusto ko siyang titigan at may time rin naman na ayoko siyang tingnan.
Bakit kaya? Siguro dahil nagu-guilty ako. Katulad ngayon, alam kong nakatingin siya sa 'kin pero ginagawa ko ang lahat para iwasan ang tingin niya.
"Keycee?" mahina niyang tawag sa 'kin.
"Mmm?" I hummed as a response without looking at him.
"Any problem?"
"Wala." Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya. Naka-focus lang ang tingin ko sa screen ng TV.
"What's wrong?" tanong niya ulit.
Akala ko ba sasabihin mo na sa kan'ya ang totoo? 'Kala ko ba nakaipon ka na ng tapang at lakas ng loob? I asked myself. Pero parang akala ko lang pala ang lahat. Pakiramdam ko kasi hindi pa ako ready.
"There's nothing wrong," mahina kong sagot, hindi pa rin siya nililingon.
"There is. Now look at me and tell me—"
"Wala nga." Humarap na 'ko sa kaniya at pinutol ko na agad 'yong sasabihin niya.
"You're lying. I can see that just by looking at your eyes." Agad akong bumaling sa kaniya.
Lying?
Siguro kung nagsinungaling man ako, 'yong tungkol lang sa sakit ko. Pero ang tungkol sa mommy niya...hindi ako nagsinungaling. Hindi ko lang talaga alam na siya 'yong batang 'yon. At ang hindi ko pagsasabi sa kaniya ng tungkol sa bagay na 'yon, hindi 'yon pagsisinungaling. Hindi ko lang talaga alam kung paano sasabihin sa kan'ya, but it's not that I wanted to lie.
"Talaga? You can see?" mahina kong sabi sabay ngiti nang bahagya.
"Keycee, I'm your teacher and also a husband. Kung may problema ka p'wede mo namang sabihin sa 'kin."
"Wala nga—"
"No. There is," he interrupted me. Bumuntong-hininga na lang ako. Ayoko ng makipagtalo.
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Novela JuvenilHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...