KEYCEE'S POV
Solve. Lukot. Hagis. Sa gan'yan lang umiikot ang buhay ko ngayon. Wala akong pakialam kahit sobrang kalat na sa kwarto ko dahil sa mga papel na nilulukot at hinahagis ko sa tuwing mali ang ginagawa ko.
Wala pa kasi akong naso-solve na tama kahit isa. Ilang oras na akong nakakulong sa kwarto at nagre-review. Sa isang araw na ang exam namin sa math. Paano na? Hindi pa naman ako p'wedeng bumagsak dahil sa deal namin ni Ace.
"Yes, you heard it right. Eighty points. If you passed the exam, I'll grant you three wishes, but if you failed, you'll give me a baby. And that's a deal."
Binagsak ko 'yong ballpen sa study table ko at saka ko sinabunutan ang sarili ko. Baby? Hell no!
Natigilan ako nang may narinig akong katok sa pinto. Pagharap ko, nakasilip na ro'n si Ace.
"Let's eat dinner, baka magutom ka n'yan. May magandang movie ngayon, baka gusto mong manood tayo?" he teased.
"P'wede ba! Nag-aaral 'yong tao! Hindi mo ba nakikita!" pasigaw kong sabi habang naglalakad siya palapit sa 'kin.
Hindi lang kasi ito ang unang beses na sumilip siya. Kanina pa siya pabalik-balik dito sa kwarto ko at inaalok ako ng mga bagay na masarap gawin like, malling, computer games, kakain daw kami sa labas, mamamasyal daw kami, at kung anu-ano pa. E, halata naman na dini-distract niya lang ako sa pagre-review para hindi ako makapasa.
Noong una, halatang gusto niya akong makapasa. Nagbigay pa nga siya ng consideration na hanggang fifty percent, 'di ba? Pero simula noong banggitin niya 'yong tungkol sa consequences kapag hindi ako pumasa, parang baligtad na ang gusto niyang mangyari.
Aba, sinuswerte s'ya! Kahit na masunog pa ang kilay ko mag -aaral pa rin ako para pumasa! Ayoko pang magkaanak! D'yosmiyo!
"Alam mo Ace, mas okay pa na sinusungitan mo 'ko kaysa ganito. P'wede bang maging istrikto ka ulit sa 'kin ngayon kahit nasa bahay tayo? 'Yong tipong sasabihan mo 'ko na mag-review na lang ako kaysa kung anu-ano ang ginagawa ko. Baka matulungan mo pa 'kong mag-focus kapag gano'n," inis kong sabi, nakatayo na siya sa tabi ko.
Napangiti naman siya bigla. He cleared his throat bago magsalita, "Ano'ng ginagawa mo? Nag-aaral ka? Okay 'yan, para naman tumaas ang grades mo, hindi 'yong kung anu-ano ang walang kwentang bagay ang pinagkakaabalahan mo!" sermon niya sab'kin. Sinunod niya talaga 'ko in fairness.
"Gan'yan nga, sir. Sungitan mo pa 'ko..." nakangiti kong sabi. Mas gusto ko 'yong strict version niya kapag nagre-review ako.
"Pero bago ka mag-review...kumain ka muna baka malipasan ka ng gutom. Kapag na bored ka d'yan, you can watch Netfli—"
"Get out, would you?" Tinuro ko sa kaniya sa pinto, natatawa naman siyang lumabas.
Grabe, gusto kong mag-aral nang maayos pero tinutukso niya ako sa pagkain at panonood. Ang hirap! Ang masaklap pa, ayaw niya akong pahiramin ng mga books niya. Gusto kong magpaturo sa kaniya kaso ayaw rin niya. Kanino naman kaya ako magpapatulong? Kainis!
Nag-vibrate ang phone ko kaya binasa ko muna 'yong text. "Hi. This is Pinky. How are you?"
Aha! Mukhang alam ko na kung sino ang pwedeng magturo sa 'kin. Sa tingin ko naman matalino siya kaya alam kong matutulungan niya 'ko.
Nireplyan ko na si Pinky at sinabi kong hindi ako okay dahil kailangan ko ng magtu-tutor sa;'kin. I asked her kung matutulungan niya ba 'ko and she said yes so wala na akong problema. Kaya lang ako ang pupunta kila Pinky since busy rin siya. Pero okay lang, ang mahalaga makapasa ako.
***
Buong weekend akong mag-aral kila Pinky at sa tingin ko naman ay mayroon akong natutunan dahil mas maliwanag siyang mag-explain kaysa kay Ace.
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Teen FictionHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...