Chapter 36. Living Under The Same Roof

10.6K 201 11
                                    

KEYCEE'S POV

Tahimik kaming kumakain ng almusal ni mama. Simula kanina hindi ko pa siya kinakausap dahil sa nangyaring pagsigaw niya sa 'kin kagabi na hanggang ngayon ay malabo pa rin sa akin. Hindi ko siya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nagalit sa 'kin noong narinig niya ang pangalan ni Madam Marlette. Tinanong ko naman siya kung kilala niya 'yon, hindi naman niya ako sinagot.

"Anak," tiningnan ako ni mama. Hindi na rin niya siguro kinaya ang katahimikan sa pagitan namin. "Sorry kung nasigawan kita kagabi."

"Okay lang po, ma," sagot ko habang nakatingin sa pagkain ko. "Pero ma, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," this time tiningnan ko na siya, "sino si Madam Marlette? Kilala mo ba s'ya?"

Natahimik na naman siya. Bakit ba parang iniiwasan niya 'yong tanong na 'to? Bakit ayaw niyang sabihin sa 'kin kung sino si Madam Marlette? Medyo naguguluhan na rin ako.

"S'ya nga pala anak, aalis muna 'ko. May kailangan lang akong asikasuhin kaya medyo matagal kitang maiiwan." Napakunot noo ko sa sinabi ni mama.

"Aalis? Saan naman po kayo pupunta?"

"Basta anak, hindi na importante kung saan. May mga bagay lang akong dapat ayusin, 'tsaka kita babalikan kapag okay na."

"Mama, iiwan mo 'ko mag-isa?"

"Kailangan, anak."

"Pero sino'ng magiging kasama ko? Hindi ko kaya'ng mag-isa, ma." Binitawan ko 'yong kutsara't-tinidor at tinitigan si mama.

"Ikinuha kita ng apartment na malapit sa school mo. Doon ka muna habang wala ako."

"Pero ma...saan ka ba kasi pupunta? Importante ba 'yong aasikasuhin mo na 'yan at kailangan mo pa 'kong iwan? Hindi ba 'ko p'wedeng sumama na lang?"

"Kung sasama ka, pa'no ang pag-aaral mo?" Natahimik ako. "Para sa'yo rin naman 'tong gagawin ko, 'nak."

ACE'S POV

Kinausap ako kagabi ni mama. Mama ni Keycee. Inutusan niya 'ko na humanap ng apartment na malapit lang sa school. Sinabi niyang doon daw muna si Keycee tutuloy kapag umalis siya. May pupuntahan daw kasi siya at baka matagalan ang pagbalik niya. At gusto nuyang mag-apartment din muna 'ko para mabantayan ko si Keycee.

Sa isang apartment lang kami pansamantalang titira pero magkaiba ng kwarto. Binilin din ni Mama Steph na huwag ko na lang daw ipahalata kay Keycee na binabantayan ko siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa niya alam na sinabi na sa 'kin ni mama ang totoo. It's going to be fun and exciting dahil magiging magkasama ulit kami sa iisang bubong.

"Wala ka na bang nakalimutan sa mga gamit mo?" Tanaw ko sa bintana ng kotse ko si mama at Keycee. Nasa tapat na sila ng apartment ngayon at dala ang mga gamit niya.

"Wala na po, ma."

"Mag-iingat ka anak habang wala ako, ha? Huwag kang gagala kapag gabi na. Huwag kang sasama sa mga taong hindi mo naman kilala at huwag ka basta magtitiwala kung kani-kanino." Tango lang ang isinasagot ni Keycee sa mama niya. "Kapag okay na ang lahat babalik na 'ko at babalik na tayo sa bahay natin, okay?"

"Opo ma, basta bilisan mo lang, ha? Huwag kang masyadong magtatagal sa pupuntahan mo. Bumalik ka agad." Tumango naman si Mama Steph habang nakangiti sa kaniya.

"Sige na, pumasok ka na sa loob. Binayaran ko na ang apartment 'tsaka ibinilin naman kita sa may-ari. Sige anak, aalis na 'ko. Pakabait ka, ha?"

"Bye ma, mag-iingat ka."

KEYCEE'S POV

Pumasok na ako sa loob ng apartment. Okay naman, maganda at mukhang bagong gawa lang. Malinis na rin sa loob at kumpleto ng gamit. Kulay cream white ang pintura sa loob at mint green naman sa labas. Maayos ang mga gamit at halatang bago rin lahat.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon