KEYCEE'S POV
"Bye, bes! Bye, hot sauce!" Hinaplos pa ni Marian ang tiyan ko nang tuluyan na kaming makalabas sa department.
Hindi pa naman talaga oras ng uwian, sadyang maaga lang nag-dismissed ang teacher namin sa huling subject dahil may hahabulin daw siyang meeting. Namilosopo pa nga ang magaling kong kaibigan na si Marian, sumagot ba naman na may paa na raw pala ang meeting dahil kailangan na habulin. Buti na lang ay mabait ang teacher namin at may pagka-joker din kaya tinawanan lang siya nito, pero siguro kung si Ace ang ginano'n niya—iiyak 'to habang tumatawa.
"Bye, Labuyo!" Pati rin si Jezza ay nakigaya na. Humaplos din sa tiyan ko. Pero bahagya akong nainis dahil sa mga imbento nilang pangalan. Parang mga tanga!
"Tigilan n'yo nga ang pagtawag ng kung anu-ano sa baby ko!" nakasimangot kong reklamo sa kanila. Hinawakan ko rin ang tiyan ko, yumuko ako roon at bahagya itong hinaplos kahit hindi pa naman malaki. "Pasensya ka na Faith, Hope, Love. Kinulang kasi sa bakuna ang mga tita ninang mo at nasobrahan naman sa purga. Kayo na lang ang mag-adjust, ha?"
"Kayo?" sabay na sabi ng dalawa, pareho pang kumunot ang noo nila.
"Bakit kayo? Ilan ba ang laman ng tiyan mo?" takang tanong ni Jezza.
"Tatlo. Manifesting. Tatlo kasi ang gusto ng daddy nilang may pagkabuwisit minsan," sagot ko.
Bahagya namang napahagikgik si Marian. "Ang ganda ng mga pangalan nila. Faith, Hope at Love. Pang maka-Diyos, pero 'yong daddy nila...ayaw ko na lang mag-talk."
"Todo isip pa kami ng hot names tapos 'yan lang pala ipapangalan mo? Sayang naman 'yong Lava, Hot Water at kung anik-anik na naisip namin!" Napairap pa si Jezza.
"Kung magiging tatlo nga 'yan, edi sila na si Hot Sauce, si Chili Powder at saka si..." saglit na nag-isip si Marian pero agad itong sinundan ni Jezza.
"Pamintang Buo. Hot din naman 'yon kapag aksidente mong nanguya."
Mga w*langhiya talaga sila kahit kailan!
"I-save n'yo na lang 'yan para sa mga anak n'yo. Okay na kami sa Faith, Hope at Love."
"Oh, Marian, save mo na," natatawang baling sa kaniya ni Jezza bago ako muling tingnan. "Sabagay, okay na rin. Ang cute. Kikay na kikay ang dating ng mga naisip n'yo. Mukhang pangmabait pa."
"Sana lang maging babae lahat 'yan para hindi ka mamroblema pagdating ng panahon," dagdag ni Marian.
"Hindi naman problema 'yon," sagot ko habang patuloy ang paglalakad namin papunta sa garden na nasa tapat lamang ng department.
"Ano'ng hindi? Paano kung maging kasing gwapo ng daddy nila ang mga anak mo...sa tingin mo ba hindi nakakahiya na ang pangalan nila pang babae kung lahat sila bulugan?" Si Marian.
"Ano'ng bulugan?! Ginawa mo pang kambing o baboy ang mga anak ko!" Maski sa kanila ay nagsisimula na akong mairita dahil sa mga kalokohan nila.
Napatango naman si Jezza habang nakatingin sa 'kin at nagpipigil ng tawa. "I agree. 'Yong Hope Lee, p'wede pa sa lalaki. Pero ang Faith at Love—girly na girly, besh! Faith Lee, Love Lee. Jusko day! Gumising ka habang maaga!" napapailing nitong sabi.
Saglit naman akong natahimik at napaisip dahil sa mga narinig ko. May point nga naman kasi sila. Baka isumpa nila kami ni Ace kapag lumaki na sila at na-realized nilang pambabae ang pangalan nila. "Edi dadagdagan ko na lang. Gagawin kong two words ang mga pangalan nila. Kung sakaling lahat sila ay lalaki—magiging Faith Zeican, Hope Ryker at Love Andrei. Siguro naman okay na 'yon? Subukan pa nilang magreklamo at ibabalik ko na lang sila sa sinapupunan ko!"
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Roman pour AdolescentsHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...