Chapter 41 - Zen

34.2K 670 67
                                    

KEYCEE'S POV

"I...I missed you, too...Ace."

Bumitaw sa 'kin si Ace at tiningnan ako, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"What did you say?" tanong niya habang nagpipigil ng ngiti. Kinilig ba siya?

"Wala." Tinalikuran ko siya at bumalik ako sa bed ko, naupo ako sa gilid dahil medyo mahapdi ang paa kong may sugat. "Gusto ko ng magpahinga."

"Sige na, magpahinga ka na. Alam kong pagod ka. Bukas tayo mag-uusap 'pag okay ka na." Lumapit siya ulit sa 'kin at yumuko para halikan ang noo ko. "Good night." Then he left my room. Naiwan naman akong nakaupo pa rin sa gilid ng kama.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Alam na ni Ace ang totoo. Wala na 'kong lusot.

Siguro, kailangan ko ng makausap si mama. Kailangan kong sabihin sa kaniya ang nangyari. At kung kinakailangan na pilitin ko si mama na isama niya 'ko sa pinuntahan niya para lang makalayo dito, gagawin ko.

***

Kinabukasan, maaga akong umalis sa bahay. Tulog pa si Ace noong umalis ako at hindi ko na rin binalak na magpaalam sa kaniya.

Nandito ako ngayon sa bahay namin. Pinilit ko na umakyat sa gate at sa likod ako dumaan. Hinanap ko 'yong susi na itinago ko sa paso na may halaman ni mama. Noong makita ko 'yon, agad kong binuksan ang bahay at pumasok sa loob.

Ang sabi ni mama, 'wag daw akong pupunta rito hanggat wala siya at hangga't wala siyang sinasabi. Pero hindi ko na nasunod. Kailangan kong malaman kung nasaan si mama ngayon. Kailangan niyang malaman 'yong totoo.

Pero paano ko siya makakausap? Paano ko siya maco-contact. Nakalimutan ko 'yong bag ko sa restaurant na pinuntahan namin ni Ryan kagabi at naroon ang cell phone ko kaya hindi ko magawang tawagan si mama ngayon.

Kanino kaya ako p'wedeng humingi ng tulong?

Hindi ko alam kung bakit, pero biglang pumasok sa isip ko si Madam Marlette.

Nagmadali akong pumasok sa kwarto ko at hinanap ko sa bedside table 'yong telephone number sa mansyon ni Madam Marlette. Binigay niya kasi sa 'kin 'yon noon bago 'ko umalis sa mansyon niya.

At hindi naman ako nabigo. Nakita ko agad 'yong maliit na papel kaya bumaba ako sa sala at tinawagan 'yon.

STEPHANIE'S POV

"Mama, please! 'Wag mo naman idamay si Keycee. Nananahimik ang anak ko. 'Wag siya!" pakiusap ko kay mama, pero mukhang wala siyang balak na pakinggan ako. Noong sinabi ko kay Keycee na aalis ako at may pupuntahan, dito ako kay mama dumiretso dahil alam kong hindi na siya titigil sa pag-approach kay Keycee lalo na at natunton na niya kami.

"Hindi mo na mababago ang desisyon ko, Steph. Sa ayaw at sa gusto mo, iuuwi ko rito ang apo ko. Dito na kayo titira sa mansyon." Hawak niya ang pamaymay niyang kulay ginto habang nakaupo sa couch at naka de-kwatro ang binti. "At sa isang linggo, uuwi na rito sa Pilipinas si Richard kasama ang anak niyang si Zen," bumaling sa 'kin si mama. "Alam mo naman na siguro kung anong ibig kong sabihin?"

"Alam na alam ko, ma. Hindi ako tanga para hindi ka maintindihan. Pero nakikiusap ako sa'yo, gagawin ko ang lahat ng gusto mo 'wag mo lang idamay ang anak ko. Apo mo s'ya ma, at alam kong hindi siya magiging masaya sa plano mo. Kaya 'wag mo ng ituloy, please. Nakikiusap ako." I begged again. Kulang na lang lumuhod ako sa harap ni mama para lang magmakaawa.

Hindi niya alam ang sitwasyon ni Keycee. Hindi niya alam na kasal na ang anak ko kay Ace. At ngayon balak niya itong ipagkasundo sa sinasabi niyang anak ni Mr. Richard Hart na si Zen. Ganitong-ganito rin ang ginawa niya sa 'kin noon kaya ako umalis at sumama sa papa ni Keycee, dahil ipinagkasundo niya 'ko kay Carlo, na hindi ko naman gusto. At ngayon, hindi ko alam na ganito pala ang magiging kapalit ng pagmamatigas ko. Si Keycee ang gagawa nang dapat ay ginawa ko dati. Nalulungkot ako, pero pakiramdam ko wala na 'kong magagawa dahil kilala ko si mama. What she wants, she gets.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon