Chapter 114. Mother's Knows Best

5.1K 110 6
                                    

KEYCEE's POV

Linggo na ng tanghali at nasa mansion pa rin ako. Pero ilang oras na lang mula ngayon ay uuwi na 'ko sa bahay. At hindi ko maintindihan kung ano'ng nararamdaman ko. Alam niyo ba 'yong pakiramdam na...gusto mong makausap at makita ang isang tao, pero parang ayaw mo? And that's exactly how I feel right now. Ang hirap.

Nasa maluwang na garden kami ng mansion, kasama ko si Marian at Jezza. Kasalukuyan silang nagtatalo matapos kong i-open sa kanila ang sitwasyon namin ni Ace. Hindi na rin kasi ako nakatiis. Pakiramdam ko, kung hindi ko 'yon ilalabas ay hindi mababawasan ang bigat ng pakiramdam ko.

Pero dahil sa ginagawa nila ngayong pagde-debate, parang lalo lang akong na-i-stress. Si Marian kasi ay pumanig sa akin, at si Jezza—na kay Ace ang simpatya niya. Na sana raw ay hindi ako umalis sa bahay at kinausap ko ito. At wala naman 'yon problema sa 'kin dahil may punto rin naman lahat ng sinasabi niya. Pero gano'n siguro talaga. Iba-iba ang pagtanaw ng mga tao sa bawat sitwasyon.

"Tanga ba you, bes? Paano n'yang kakausapin? Hindi mo ba naiintindihan ang salitang trauma? May trauma ang friendship natin! Kung ikaw kaya magka-trauma sa isang tao na kasama mo sa iisang bubong—gugustuhin mo bang manatili ro'n?" Si Marian ang sumagot sa kaniya. "Isa pa, umalis s'ya dahil mas priority n'ya ang mga inaanak natin! Ayaw n'yang ma-stress dahil hindi makakabuti sa triplets!" Inirapan niya ito at sa akin naman sunod na bumaling. Alam na rin kasi nila na tatlo ang dinadala ko. "Okay lang 'yan, Jian. You did a good job! Pasalamat pa nga dapat si Prof. Lee na dalawang araw lang ang balak mo. Kung siguro sa iba 'yan nangyari, baka hindi lang dalawang araw. Baka iwan na nila for good ang asawa nila kung ito mismo ang cause ng trauma nila! Ang hirap kaya no'n!"

Hindi ako nakakibo at bumaling lang sa ibang direksyon. Iyon kasi ang hindi naintindihan ni Jezza. Ang akala yata niya ay ginusto kong umalis sa bahay dahil lang sa pagtatampo ko. Ang akala yata niya ay nag-iinarte lang ako at gusto lang magpasuyo. Hindi niya naiintindihan ang takot na nararamdaman ko kapag nasa bahay ako. Na sa tuwing lalabas ako ng kwarto ko—para akong magnanakaw sa hating-gabi na kailangan pang magdahan-dahan ng hakbang dahil sa takot na baka bigla siyang sumulpot sa harapan ko kapag narinig niya ako.

Noong isang gabi kasi na dapat ay magtitimpla ako ng gatas dahil nakaramdam ako ng gutom— inabutan ko si Ace na kumakain mag-isa sa kusina. Laking pasalamat ko na lang na naging tahimik ang paghakbang ko papunta roon noong oras na 'yon kaya hindi niya ako naramdaman.

Oo, naawa ako sa kaniya that time, pero naawa rin ako sa sarili ko lalo na noong sinikap kong makaalis nang tahimik at kumubli muna sa isang sulok para lang hintayin siyang makatapos. Nakahinga lang ako nang maluwag noong nakita ko na siyang umalis—bitbit ang isang bote ng beer, paakyat sa kwarto niya.

"Pero dapat pa rin silang mag-usap!" inis na bumaling si Jezza sa kaniya. Hindi ako nakatingin sa kanila pero naririnig ko ang pinag-uusapan nila. "Ipagpalagay na nating nahihirapan si Jian dahil sa trauma n'ya. Pero paano naman si Prof Lee? Sa tingin n'yo ba hindi nahihirapan 'yong tao? Hindi s'ya mabigyan ng pagkakataong magpaliwanag! Ikaw kaya ang lumagay sa gano'ng sitwasyon! 'Yong gusto mong i-explain ang sarili mo pero ayaw kang pakinggan, ayaw kang kausapin! Nakaka-prostate kaya 'yon!"

"Frustrate, t@nga! Binigyan mo agad ng cancer si Prof Lee, yawa ka!"

"Basta 'yon na 'yon! Magkatunog lang naman!" Napakamot pa sa ulo si Jezza. "Si Jian dapat ang magpasalamat na bukod sa ibang parte ng katawan ni Prof ay mahaba rin ang pasensya n'ya!"

"Wow! Kung mahaba ang pasensya n'ya, aba! Dapat lang naman! S'ya ang lalaki, s'ya dapat ang umintindi lalo na't kasalanan n'ya rin naman!" Si Marian.

"Hayan pa ang problema! Ang hirap kasi sa 'ting mga babae, tumatak na sa isip natin na dapat sila ang iintindi sa 'tin kahit tayo ang mali. Feeling natin sa lahat ng sitwasyon tayo lang lagi ang nasasaktan at tayo ang palaging kawawa. Kasi ang nasa isip natin—lalaki naman sila, malakas at matapang. Na para bang wala silang karapatang magreklamo kahit nasasaktan. Pero ang hindi natin alam—sa likod ng lakas na pinakikita nila—naroon ang pagtitiis." Lalo akong hindi nakakibo dahil parang tumatagos sa akin ang pinagsasabi ni Jezza. "Walang taong perpekto, Marian! Lahat tayo may kan'ya-kan'yang kahinaan. Ang mahirap pa, nagkataon na ang kahinaan ni Professor Lee ay si Jian."

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon