Chapter 88. Wrong Sent

6.1K 138 10
                                    

KEYCEE'S POV

Nakaligo at nakagayak na ako noong lumabas ako sa aking kwarto. Bahagya pa akong nakasimangot dahil hindi maganda ang gising ko. Paano ba naman, si Yaya Miranda ang kumatok sa pintuan ko kaninang alas singko para gisingin ako. Medyo nanibago pa ako dahil nasanay ako na si Ace ang gumigising sa akin sa pamamagitan ng pagpapaulan niya ng halik sa kung saan-saang parte ng katawan ko.

Pero ang walanghiya, natiis niya talaga ako kagabi. Kaya ngayon mugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak, idagdag pa ang puyat dahil gising ako hanggang alas dose ng gabi sa pagbabaka sakali na katukin niya ako sa kwarto at humingi ng sorry. Kaso, namuti na't lahat ang mga mata ko, hindi pa rin siya dumating hanggang sa nakatulog na lang ako nang umiiyak at nagtatampo.

"Good morning," nakangiting bati sa 'kin ni Ryan nang maabutan ko siya sa dining area, kumakain ng almusal.

"Morning lang, walang good." Nakasimangot akong umupo sa tabi niya. Pansin kong wala pa si Ace. Nasaan kaya 'yon?

Bakit mo hinahanap? Ano'ng pakialam mo sa kan'ya?!

"Keycee, pakitawag mo na ang asawa mo sa taas para makakain na rin," baling sa 'kin ni Yaya Miranda, kasalukuyan siyang nagtitimpla ng gatas na sa tingin ko ay para sa akin.

"Hindi na po 'yon kailangan tawagin. Alam na n'ya ang gagawin, malaki na s'ya..." Bigla akong natahimik nang marinig ko ang footsteps ni Ace. Ilang sandali pa ay natanaw ko na siyang papalapit. At unang tumama ang mata ko sa gitna niyang bahagi dahil nakabakat 'yon sa suot niyang slacks. Malaki nga. Agad akong nagbaba ng tingin sa plato ko bago pa man magtama ang mga mata namin. Ang aga-aga kung anu-anong nakikita ko!

Narinig kong binati niya si Yaya Miranda ng good morning bago siya tuluyang naupo sa mismong tapat ko.

"Bakit, Keycee?" baling naman sa akin ni Ryan nang mapansin niyang nakatitig lang ako sa mga pagkain. Hotdog, bacon, sunny side up, ginisang sayote na may scrambled eggs. Lahat 'yon ayoko. Nakakahilo ang amoy. Nagkandasuka-suka na nga ako kaninang paggising ko, tapos ngayon para na naman akong masusuka sa mga nakikita kong nakahain sa mesa.

"Wala akong gana." Sakto namang inilapag ni Yaya ang tinimpla niyang gatas sa tabi ko kaya 'yon na lamang ang unti-unti kong hinigop para magkaroon ng laman ang sikmura ko.

"Kumain ka." Napa-angat ang tingin ko kay Ace nang bigla niya 'yon sabihin. Nakatitig siya sa 'kin. "Kahit kaunti lang." Dumukwang siya at nilagyan ng kanin ang plato ko, kasunod ang sayote at bacon. "Hindi p'wedeng hindi ka kakain."

Pagkatapos ng ginawa niya sa akin kagabi, ngayon magpapaka-asawa ulit siya?

"Ayoko." Inilayo ko nang bahagya ang plato sa harap ko at saka ko muling hinigop ang gatas.

"Mauna na 'ko sa inyo." Bigla namang tumayo si Ryan kaya halos mataranta ako sa paghigop. Muntik pa akong mapaso.

"Sabay tayong pumasok!" Agad din akong tumayo. "Tapos bili tayo ng spaghetti at chicken sa labas." Nakangiti pa ako nang bahagya dahil bigla akong natakam, pero pag-iling ang isinagot sa akin ng walanghiya.

"Hindi kita p'wedeng isabay ngayon." Lumingon siya kay Ace sandali bago muling ibalik ang tingin sa akin. "May dadaanan ako. Sasabay sa 'kin 'yong apat na kaklase ko. Hindi tayo kasya sa kotse."

"Bakit kay Ryan ka sasabay?" Pareho kaming napalingon kay Ace. Nakatitig siya sa akin nang kunot-noo. "I really don't get you, Keycee. Narito lang ako sa harap mo pero parang kampante ka pa na sabihing sasabay ka sa ibang lalaki?" Binitawan niya ang hawak na kutsara't tinidor at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib.

"Ano naman kung sumabay ako?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Sasabay lang naman, ah? Bakit? Ano ba'ng iniisip mo?"

"You're married."

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon