KEYCEE'S POV
Unang araw namin sa hotel para i-celebrate ang aming wedding anniversary.
Pero simula umaga hanggang ngayong hapon ay nasa labas kami ni Ace. Nag-beach kami pero siya lang yata ang nag-enjoy dahil hindi naman ako marunog lumangoy. Wala akong hilig sa water activities, hindi katulad niya.
Kanina pa kasi siya nag-eenjoy sa tubig. Kaninang umaga ay nanawa siya sa surfing. Noong tanghali ay parasailing. After namin mag-lunch at makapahinga, water skiing naman ang inatupag niya.
"Wifey, come on! Hindi ka mag-eenjoy kung uupo ka lang d'yan at papanoorin ako." Lumapit siya sa 'kin at kinukulit na naman ako na lumusong sa tubig. Nakasuot siya ng rash guard na kulay itim at gano'n din ako. Ayaw niya kasi akong pagsuotin ng bikini at baka sa halip daw na mag-enjoy siya ay mapaaway lang.
"Huwag kang mag-alala, nag-eenjoy akong panoorin ka, hubby." Ngumiti ako sa kaniya at ang loko, kinilig naman.
"Halika, doon tayo." Itunuro niya 'yong tubig kaya agad akong umiling.
"Ayok—AAAAH! Ace, ibaba mo 'ko!" Nagulat ako sa pagbuhat niya sa 'kin. Hindi buhat na parang bagong kasal, kun'di nakasablay ako sa balikat niya. "Ayoko! Natatakot ako! Hindi ako marunong lumangoy!" Pinagpapalo ko ang likod niya pero tinatawanan niya lang ako.
"It's okay, wifey. Hindi ka malulunod sa tubig—sa pagmamahal ko lang." Ay, walang'ya! Kinilig pa 'ko nang very light kahit nakatuwad sa balikat niya.
Ibinaba niya ako sa tubig at kapit na kapit pa rin ako sa kaniya kahit na hanggang hita ko lang naman ang lalim.
"Ayoko rito, hubby. Tara na."
"Sumakay ka sa batok ko, dali." Tumalikod siya at naupo sa harap ko para maabot ko siya. At ako naman si utu-uto, pumasan nga sa batok niya without knowing na plano niya palang pumunta sa malalim.
"Ace! Ace! Ace! Balik! Bumalik ka!" sigaw ko sa kaniya nang humakbang siya nang humakbang hanggang sa marating namin ang lalim na hanggang dibdib niya. Nakasabunot ako sa buhok niya para doon kumapit.
"Wifey, relax! Hindi ka mamamatay rito!" Tawa pa rin siya nang tawa. Ilang saglit pa ay unti-unti niyang inilubog ang sarili sa tubig.
"Ace fucking Lee!" Napasigaw ako sa inis bago ako tuluyang lumubog din. Para akong mamamatay habang nasa ilalim kami ng tubig. Agad naman akong hinawakan ni Ace at iniahon para makahinga. Yumakap ako sa kan'ya at ikinapit ang mga binti ko sa binti niya para hindi ako lumubog dahil hindi ko abot ang lupa sa ilalim. "Ano ba! Sabi ko natatakot ako tapos inilubog mo pa 'ko! Get me out of here bago pa 'ko mainis sa'yo!" Natatawa naman siyang binuhat ako pabalik sa cottage. "Kung nagkataong nalunod ako, mabubyudo ka nang maaga!" singhal ko sa kaniya.
"You think hahayaan kitang malunod? Gusto lang kitang mag-enjoy kaya kita dinala ro'n. Kaysa naman pinapanood mo lang ako." Inabot niya sa 'kin 'yong buko na may nakatusok na straw pero agad ko 'yon tinanggihan.
"Saging gusto ko." Agad siyang napangisi sa sinabi ko dahil iba na naman ang tumatakbo sa utak niyang berde.
"Saging ko?"
"Tigilan mo 'ko, hubby. Utang na loob, mahabag ka sa 'kin kung ayaw mong malumpo ako nang maaga!" Inirapan ko siya sabay hablot sa saging na nasa mesa, sa harap namin. Agad ko 'yon binalatan at nilantakan. Pero kada subo ko ay nginingisihan ako ni loko. "Ano na naman? Gusto mo na naman maging saging? Sige. Hindi na kita pipigilin. Payag na akong maging saging ka. Basta siguraduhin mo lang na marami kang ibubunga kung ayaw mong tabasin kita!"
"Wifey, bakit ang init ng ulo mo sa 'kin ngayon? Kaninang umaga ka pa gan'yan. Hindi mo na ba 'ko mahal?" Ngumuso pa siya na para bang inapi ko. At tama rin siya dahil kaninang umaga, bago kami bumiyahe ay mainit na ang ulo ko sa kaniya. Habang kumakain kasi kami ng almusal sa bahay, nag-request ako ng corn soup kay Yaya Miranda. Inilagay niya 'yon sa medyo malaking mangkok at nagbalat ako ng saging para gayatin at ilagay ro'n sa soup. Kaso mukhang na-curious siya sa lasa no'n kaya tinikman niya nang hindi nagpapaalam sa 'kin at nilimas pa 'yong saging na ginayat ko. Dahil do'n nabadtrip na 'ko at hindi ko na tinikman 'yong soup, tinitigan ko lang 'yon hanggang sa matapos akong kumain.
![](https://img.wattpad.com/cover/6305381-288-k498893.jpg)
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Teen FictionHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...